Wall of Kwento 07
Second post of the day. Naks ansipag. Masipag pumetiks lol. Anyway, nakakain na ako ng lunch (brunch, actually) at satisfied na tyan ko (for now). Malakas kutob ko na around 2pm kakalam na ulit yan. Bibili nalang akong doughnuts pag nagutom ako ulit. Pag di pa ako nabusog dun ewan ko nalang haha.
Btw, LSS ako sa Leave Out All the Rest ng Linkin Park ngayon. Feel na feel ko yung kanta. Sarap kantahin shet. Antagal na rin since huli kong pinakinggan yung kanta (4th year high school pa ata) at nakita ko lang sa recommended vids ko sa YouTube kanina. Ayun pinakinggan ko. Hanggang ngayon naka-loop pa rin. Napaka-meaningful nung lyrics. Powerful pa yung vocals. Naging instant favorite ko ‘to nung una kong narinig way back nung nag-aaral pa ako. Hay. Nostalgic. Lol.
Kanina rin pala, I tried watching the MV of Despacito (yung original by Luis Fonsi). Alam kong sobrang popular nito way back nung January this year pero di ko siya pinapansin dati. Di ko lang alam kung anong pumasok sa kokote ko at bigla kong ginustong panoorin yung MV ngayon. The song wasn’t so bad naman pala. It actually sounded good. Addicting yung tune and catchy yung lyrics kaya ako rin, nahook haha. Ganda nung beat at sakto lang yung tempo. Groovy, uplifting, and mapapasayaw ka. It kinda reminded me of the songs na naririnig ko lagi sa radyo nung elem pa ako. Nostalgic ulit lol. Anw, idadagdag ko ‘to sa playlist ko.
Ano pa bang ikwekwento ko? Uhm ayun, inaantok ako ngayon. Lunch time pa naman so I’ll take a short nap. Post ulit ako soon. Bye!













