Nakikita na daw niya ako as babaeng papakasalan niya.
NAKAKAKILIG.
As in. Sobra.
Selos kasi ako ng selos. Lahat pinagseselosan ko. Hindi daw niya maintindihan kung bakit kahit magdadalawang taon na kami eh naiisip ko pa din na ipagpapalit niya ako at mambababae pa sya.
Sabi pa niya, wag na daw akong magselos kasi, ako naman daw ang nakikita niyang mapapang-asawa niya. Mahal na mahal naman daw niya ako. At sa tuwing makikita or maiisip daw niya ang future niya, eh wala siyang ibang maisip kundi AKO bilang asawa niya, pero hindi housewife (sabi niya nagtatrabaho daw ako sa office) , magandang bahay, mga pogi at cute na anak, at disenteng trabaho. (nalaman ko tuloy na gusto pala niya mag automotive)
Along the conversation, nabanggit niya na nakita din naman daw niya si Phia (ex niya), na papakasalan niya nung sila pa. Kaya lang hindi daw niya alam kung bakit di niya nakitaan na magkakapamilya at iba pang bagay katulad nung nakita niya sakin. Walang pangarap. Mapapang-asawa lang ganon. Samantalang ako, kita niya na may future. Kita niyang sasaya siya sakin. Haha. Ang sama ng ugali ko pero natawa talaga ako. At natuwa na din, MAS pala ako. Haha.
Alam ko namang hindi ko dapat kinukumpara sa sarili ko yung ex niya. Kasi kung mas kabog siya, bat sila nagbreak diba? Lol.
Nakakagaan kasi ng pakiramdam. Nakakataba ng puso, yung malaman na may isang taong gustong makasama ka habang buhay. Sobrang dagdag pogi points Hahaha.
Ayun. Gusto ko lang ishare ang Good vibes. Lol.
P. S. Nag uusap kami ng personal, about those things kaya mas NAKAKAKILIG talaga.










