Ngiting matagumpay.
Nagcecelebrate yung school namin ng Foundation Day. Kaya ayun may 3-day celebration starting today. Kanina maraming mga competitions. Festival dance, Cultural Dance at iba pa. So yung block namin kasama sa festival dance at napili namin yung Pintaflores Festival. Actually ako talaga nag-isip nun e. HAHAHAHAHAHAHA!
Nung una concern pa ako sa block namin but dumating yung point na parang nawalan na ako ng gana. Kasi nga nagpapagalingan na, nagpapa-angasan. Ayaw ko ng ganun. Honestly, wala na nga akong trust and hope na magchachampion pa kami.
Pero kanina bago yung laban, lumabas na naman yung pagiging choleric ko. Ayaw kong matalo. Though yung bestfriend ko yung isa sa mga matitinding kalaban. Pero sabi ko nga basta ipagpasa-Ama ang lahat, walang imposible.
Sa performance proper, nagkalat kami. Halata yun kapag kasama ka sa grupo namin pero sabi nga nila pati ni mama ko na hindi daw halata, After namin magsayaw para na kaming binagsakan ng langit kasi nga ang alam namin, di maganda yung performance,
Pero sabi nga nila, expect the unexpected. We won! Nakakatuwa at nakaka-proud lang. Despite all the circumstances and misunderstandings na nasagupa namin but still we achieve our goal.
Congrats 1A! To God be the Glory! ♥













