Thesis ba kamo? Kailangan mo ng tulong? Subukan mo ko?
CHAPTER I
Introduction – Dito nagsisimula ang lahat. Dito mo ipaliliwanag ang ‘topic’ na napili mo. Kung bakit napukaw nito ang interes mo. Ano bang meron sa ‘topic’ na ‘to? Ano bang mayroon sa kanya at siya ang napili mo?
Statement of the Problem – Dito mapapaisip ng malalim ang utak mo. May problema ba? Kung meron, ano nga ba? Meron nga ba talaga? Kailangan na masolusyunan agad ang problema. Kasi sa maliit na problema, doon nagsisimula ang lahat.
Background of the Study – Heto ang pinakamasayang part. Parang nagkukwento ka rin. Idinedetalye mo kung ano ang meron sa inyo noon. Mula sa malaki hanggang sa mga maliliit na bagay. Kumbaga, Sa thesis, heto ang pinaka-flavoring.
Objectives – Ano bang agenda ninyo? Eto ang madalas nating nakakalimutan. Saan nga ba papatungo ang relasyon niyo? Just go with the flow lang ba? Anong gusto niyong matupad sa dulo ng inyong relasyon? Para makamit ito, mayroong prosesong magaganap at aayon rito ang magandang kalalabasan.
Significance of the Study – Heto yung parte na mapapaisip ka na lang. Ano nga ba ang kahalagahan ng napili mo? Ginusto mo ba talaga ang ‘topic’ mo o sadyang napagtripan mo lang para masabing may topic ka lang? Kasi kung gusto mo talaga ang isang bagay, makakahanap ka ng dahilan kung bakit mahalaga ‘yon sayo. Kung hindi mo gusto, wala kang rason na maibibigay.
Scope and Limitation – Lahat ng bagay sa buhay natin ay may limitasyon. May hangganan ang bawat aksiyon na ginagawa natin. Hindi dahil sa pagod na tayo, kung hindi dahil sa pagod na ang taong pinagaalayan natin. Sa thesis nga may pokus tayo, sa inyo pa kaya? Wag masyadong magbigay.
Definition of Terms – Mayroon bang ‘kayo’? Ano ba talaga ang status niyo? Sa parteng ito, dapat alam mo kung anong definition ang mayroon kayo para hindi kayo maguluhan. Dahil kung dito pa lang hindi niyo na maipaliwanag ng maayos? Paano pa kaya maiintindihan ng iba? Yun ‘yon.
CHAPTER I Palang yan ha.!








