My updated skin care routine
So tagal ko na di nakapag post dito sa tumblr. Dahil bored ako ngayon morning at di nawawala yung period cramps ko. Sobrang sakit. Napadpad ako sa notes ko at nakita ko na dapat ko pala iupdate ang aking skincare routine 😂 not so review post to. Pero sasabihin ko na din yung experience ko while using this products since eto na talaga yung regular na ginagamit ko. Ayaw ko na magpalit dahil hiyang naman na sakin. Usually kase pag di ako satisfied sa products eh madali ako magbago like i need to stop immediately kase may nagppop out na mga zits agad. So anyway. Ilalagay ko lang dito yung morning and night skin care routine ko then yung mga effect at yung mga nagustuhan ko sa products na to. Again, this is not a usual review. Gusto ko lahat ng products na to so wala akong masasabi na nega. Marame nako nagamit na products na inayawan ng balat ko since super sensitive, feeling mayaman ang balat hahahaha pero madali lang tlga ako magpimples since high school or elementary pa lang ata major problem ko na hndi tlga ko clear skin and one of the insecurities ko na to. Ngayon medyo nagkakaedad nako kumalma naman na sya at may mga nahahanap na ko na right products na di nagrereact ang maarte kong skin. So this is it...
1. Facial wash - Face republic gold mineral cleanser
Ilang days pa lang ako nagamit nito, at di pa naman ako nagbbreak out. Ganda nya sa face first gamit ko pa lang. Ang liwanag ng muka ko. Then pgkagising ko di ganun ka oily ang face. Compared sa mga dati kong facial wash, nag ooil ako pagkagising kaya naglalabasan agad pimples ko. Dito hindi tlga, tinry ko bumili nito kase hiyang ako sa sunscreen ng face republic, dito lang ako sa brand na to nahiyangan ng sunscreen kase sa lahat ng tnry ko promise, lahat talaga ng sunscreen eh nag pimples ako. Mamaya ko na lang idiscuss yung sunscreen. Maganda talaaga face republic medyo pricey lang siya pero worth it naman. Yung sachet muna binili ko na facial wash para matry kung hihiyang muna. P25 ko sya nabili sa watsons na inorder ko sa shoppee. Anyway, facial foam at sobrang lambot niya pag nilagay sa face, then yung amoy, for me medyo matapang kase di talaga ko mahilig sa masyadong sweet na amoy. Hahaha pero mabango sya. Di lang keri ng brain ko pag sobra kong naamoy. Pero i love this facial wash. 9/10 rate ko. At for sure bibili na ko ng malaki nito after ko maubos yung sachet.
2. Toner - Celeteque acne solutions
Hiyang din ako sa Celeteque pero di kase ako dire diretso ng mga products nila noon, natry ko yung facial wash dati, then yung moisturizer pero inistop ko din. Idk hndi ko ata gusto yung feeling sa skin ko. Then parang binalikan ko lang tong toner kase tamad talaga ko gumamit ng facial wash nung panahon na yon hahahaha before ko pa madiscover si face republic gold mineral. Tubig lang talaga pinang hihilamos ko kase nagphinga muna ang face sa ibang products pansin ko naman na kumalma twing tubig lang then using this toner may nakita akong pagbabago. Sobrang stress ako sa work at sa buhay kaya tamad nako mag skin care nung time na wash ng tubig then this toner at ang ganda pala. With or without facial wash use this toner, ganda pa din ng effect. Nag stop din yung malalaking acne ko while using this. Well i think for pimples kase talaga sya acne solutions eh. Matagal din siya maubos kahit maliit lang. Rate ko dito is 8/10
3. Sunscreen - Face republic glow screen sun gel
Nung nagkakaedad nako, lalo na nasa 30s na, saka ko narealize na di nako pwede mawalan nito. At after ko gumamit ng matatapang ng products before like mga rejuv? Need talaga ang sunscreen to protect the skin. Pero I swear all my life ata naghanap ako ng perfect sa skin ko pero twing hahanap ako eh nagppimples tlga. Dame ko natry, parang may isang sunscreen ako dati na nagustuhan, skin fantasy ata na set yun? Kaso spf 30 lang ata kaya nakulangan ako at medyo malagkit talaga sya. One thing na nadiscover ko din na ayaw ng balat ko pag nagamit ng sunscreen eh hindi niya gusto ang physical sunscreen. Mas malagkit at makapal kase yun sa balat pero lam ko mas common yun at mas recommended at madali din ilagay. Pero ngayon nagamit ako nitong face republic which is chemical sunscreen kung di ako nagkakamali. My face loves it. Sobrang light niya ilagay. Gusto ko din yung amoy. Dati sachet lang binbili ko nito pero nung nagustuhan ko talaga bumili nako nung malaki kaht medyo mahal hahaha. Pero matagal ko sya gamitin. Ginagamit ko din sya kaht nasa loob lang ng bahay. Mataas din spf niya. I love everything about this product. 10/10 ang rate ko dito.
Evening skin care routine
1. Facial wash - face republic gold mineral cleanser
Ayun pag gabi minsan ayoko maghilamos kase nawawala talaga antok ko. At mostly pag naghhilamos ako magdamag ako gising hahahaha . Kaya minsan skip ko to. Pero pag talagang antok at puro make up muka ko kelangan pa din maghilamos. So gamit ko pa din to. I'm going to love this all my life.
2. Toner - celeteque acne solutions
Kagaya ng sinabi ko kanina, minsan toner nako agad pag gabi. Nawawala kase antok ko pero need ko pa din matanggal make up at kelangan pa din ma heal yung mga small bumps. So need pa din to.
3. Vit C serum - Quickfx recovery concentrate
Eto! Hahaha matagal ko na binili tong serum na to. Pero dati di talaga ko marunong maglagay ng serum. Kahit anong serum 😂 kaya dami kong nasayang na mga brand noon. kaht pricey binibili ko, lalo na for scar treatment. Honestly, living with pimples all your life may mga maiiwan talagang sumpa at etong mga serum makakatulong somehow mag alis ng dark spots at even yung mga shallow na scars. So ayon nga, dati ko na binili tong quickfx at maganda tlga reviews nito, laging sold out nga. Pero nung ginamit ko. Kinaumagahan nagkkaron ako ng small bumps sa forehead at cheeks. Parang allergy? Laging gnun pag nagamit ako ng serum pero dko muna dinispatsya to hahahaha one time gumamit ako ng sachet na garnier which is yung pink. dahil maliit lang siya tinipid ko 😂 so onti lang nilagay ko. At tadaaa. Sa sobrang nipis nilagay ko parang inaabsorb ng skin ko. Kinaumagahan ganda ng effect. Ska ko na realized na mali pala ko maglagay dati 😂 kase sobrang kapal ko maglagay ng serum noon tapos dko kinakalat! Nakapatong lang siya sa muka ko 😂😂😂 kaya nag ooil lang siya lalong naiiritate skin ko. 🥲😂 So nung ginawa ko sa Quickfx yung paraan ng paglagay ko sa garnier. Ayun ang ganda ng effect kinabukasan. Walang small bumps. .
Ang nakaka frustrate sa small bumps sa paggamit ko ng mga serum eh ang tgal nya mawala! Ang dme maliliit sa noo. Kelangan ko pa magpaderma non para mawala. Pero buti na lang may gamot yung derma noon na nagpapafade sa small bumps na un pero nabalik pag nagamit ako ng makapal na serum. 😂 Ngayon never ko na na experience yon. . Thankful pa din kase di ko natapon tong quickfx. One of my fave to. 9/10 rate ko dito.
4. Spot treatment - acne clear oxecure powder mud
Eto ginagamit ko lang pag may active pimps talaga ko. Yung literal na malalaki kase ang bilis niya tlga makatuyo ng pimps. At wala ako maccompare na ibang spot treatment dito. Madami na din ako natry pero eto lang talaga nagustuhan ng balat ko when it comes to healing my galit na galit na pimples. Like literal na overnight pa lang may improvement na!!! Kaya di na talaga aki nagbbreak out ng sobrang dami kase nappigilan agad nito ..dati gumagamit ako ng gt bleaching cream pero ayoko ng feeling na nagbabalat ska namamaga, although effective din naman yon mas prefer ko tong oxecure sobrang light talaga. Muka lang siyang toothpaste pag nilagay hahahahah pero normally naman sa spot treatment ganyan malagkit din pero madali naman matanggal pag maghilamos ka sa umaga. Ahh yung gt bleaching pala diko na irreview pero ginagamit ko pa din sya pag may big day ako for example, night before lalagay ko sya. Kinaumagahan ganda ng effect, parang banat ang face. Kaso like any other rejuv gnun effect ng gt beaching magbabalat ka after ilang days which is not comfy. So anyway etong oxecure life saver ko din, 10/10 di ako nawawalan nito.
Ayan na lahat ng ginagamit ko ngayon. Di talaga regular kase may time na pag dame ko work di ko pwede basain mata ko, lalo na maghapon sa monitor.
Sooo wala ako gusto palitan ngayon sa products na yan. .love ko lahat yan.