081716
Miss na kita, miss na miss na kita. Mukang wala na talaga tayo no, parang wala na talagang chance. Minsan umaasa padin ako na sana babalik ka, na magsshow up yung name mo sa messages ko. Na makikita nalang kita bigla sana. Pero parang malabo naman syempre mangyari yun. Nakakainis ka naman eh, bakit hinayaan mo lang na magkaganto tayo. Nung una kala ko pipigilan mo pa ako eh haha. Kala ko, di mo lang ako hahayaan or bibitawan ng ganun ganun lang. Nakakainis nga eh, masyado lang siguro akong nagexpect from you kaya ako laging nadidisappoint. Kase dapat di naman ako nageexpect too much from you ako lang din nasasaktan haha. I still think of you everyday, di ko alam kelan ba kita makakalimutan. Di ko ba alam, kahit sobrang dapat na magalit ako sayo at mainis namimiss padin kita. Gusto padin kita. Kala ko naman kase ikaw na, ginusto ko na ikaw na eh. Pero mukang wrong timing lang, iba priorites mo. Di tayo masyado magkaconnect, parang di lang siguro talaga nagwork para saten. Pero sana pag nagkita tayo one day maging okay din tayo. Lame naman kase ng break up naten through text haha. Gusto ko padin na maging kaibigan ka. I know na, di man tayo naging ganun katagal pero iba padin naging epekto mo sakin. Minahal kita ng sobra, talaga. Pero parang di parin enough yun para sayo. Lagi mo nalang sinasabi na i needed to be more sweet. I tried so much, pero parang di parin ako enough para sayo. Napagod nalang ako na, parang iba padin hinahanap mo from me. Na parang di mo ako naapprecite saka na parang di mo ako naging priority. Pero its over now. Namimiss lang kita. I'll be fine, kase ganto lang naman lagi sa simula.













