125. I like you, Vince, 20 of Tinder.
-Tinder-a, 2016, CSSP

seen from Ukraine

seen from France

seen from Australia

seen from Australia

seen from India
seen from China
seen from China
seen from United States
seen from Bulgaria
seen from Azerbaijan

seen from France
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from France

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from France
125. I like you, Vince, 20 of Tinder.
-Tinder-a, 2016, CSSP
123. Ivan Malig
Ang akala ko ako lang naaakit sa kagwapuhan mo, pero hindi pala ako nag-iisa. Dati ko nang nadatnan yung confe ng isang someone na nagsabing may gusto rin siya sayo, panahon iyon nung buhay pa ang dating TDF (condolence). Simula nun ay pinakawala ko na sa hangin ang pake ko sayo, at ngayon na lamang ako nakapag-react kasi it takes a while to respond without halong feelings.
Recently hindi ko ine-expect na makikita nanaman kita, and I can’t help but feel glad to see your face among the dull faces of the crowd; nagsa-stand-out talaga itsura mo. Bat ganun. May girlfriend (or boyfriend) ka ba? Bat ang seryoso lagi ng expression ng mukha mo. Malungkot ka ba? Gusto mo pasayahin kita? Tangina. Masaya na ako tuwing nakakasabay kitang pumila in the morning sa Monumento papuntang SM North, o kaya sa SM North papuntang campus. Masaya na akong malaman na same yung route na dinadaanan natin, na parehas yung sinasakyan nating jeep. Ang gwapo mo kaya, di mo ba yun nare-realize? Di mo nga ako nakikita eh. Gwapo rin naman ako ah, bat di mo ko napapansin?
Siguro kasi di mo ako kilala, at ganun na lamang talaga ang iyong pakikitungo sa mga strangers. Naiintindihan ko naman. Malayo rin kasi college ko sa inyo. Pero grabe ka, ia-add sana kita as friend sa facebook recently, nang pagkavisit ko sa profile mo nakita ko ang ‘cancel request’ sa kung san dapat yung ‘add friend’—inadd na pala kita dati, tapos hanggang ngayon di mo pa rin ako ina-accept. Ganyan ka naman. Pero naiintindihan ko. Again di mo nga ako kilala, so why should you accept my request to be your friend when you don’t even know me personally? Maganda yan, pagiging cautious, lalo na’t sa panahong to ay maraming ahas na gumagala everywhere. Even in social media.
Sana di ka nabo-bother Ivan, baka nabobother ka na. Wag ka ma-anxious or what. In fact nga dapat masanay ka na, pero not necessarily to the point na ibabalewala mo na to. Wag ganun. Sayang naman effort ko. At the end of the day baka isipin mo isa lang ako sa mga lovesick people na creepy for saying these things indirectly to you. Pero actually hindi. Di naman ako maniac or adik or jeje or promiscuous or what. I’m just as well-mannered and smart as any Isko. Ang dahilan lang naman talaga kung bakit ko sinasabi tong mga bagay na to is to let you know that someone admires you. Pampa-gv ganun. Pang-angat ng self-esteem. Pero kung otherwise naman nafe-feel mo then I’m sorry. I just wanted to make you happy. Korni pero totoo.
Anyway dito na magtatapos ang aking confession na sinulat ko ng saglit sa library na may aircon at malakas na wifi pero walang signal. Wala lang. Sumagi lang sa isip ko na ipagpaalam ko sayo, total we don’t know each other naman e. Mag-ingat ka palagi Ivan ah. Stay pogi. Parang ako. Biro lang. Goodbye.
- someone, 2015, CAL
114. Crush confe: Manell Aquino
Hi Manell!
I don’t know how to let this out but somehow I felt like I just had to. I don’t even know how to start. So I’m going to start on how I met you.
One afternoon last February, sobrang lakas ng ulan. Galing ako noon sa Area 2. Noong nasa may Kalay na ako biglang bumuhos yung ulan. At oo, wala akong payong. Pero nakita mo ako, sabi mo “Kuya! Bakit di ka nagpapayong? Tara sabay ka na sa akin.” From that moment, I couldn’t help but notice how lovely your smile is. Ung tipo na pag ngumiti ka, lumiliwanag yung buong mukha mo. I couldn’t help but stare. Nag-usap tayo, nalaman mo na sa Engg ako pupunta, sakto doon ka din papunta. Kaso pagpasok natin sa Engg, sabi mo lang sa akin “Sa susunod magdala ka na ng payong ah? Mahirap magkasakit ngayon.” sabay takbo kasi late ka na sa klase mo. Ang daming beses kitang hinanap. Ipinagtanong sa mga kaibigan ko. Kaya lang wala naman akong info. I just let it go.
Pasahan ng dorm requirements noon, nagpunta ako sa Kalayaan, akala ko doon pa ang OSH. Pagpunta ko sa office nandoon ka. Noong una parang galit ka so naghesitate ako na lapitan ka. Kaso pagkakita mo sa akin ngumiti ka agad. Ayan nanaman yung ngiti mo na nakakatunaw. At narealize ko na parang mas lalo kang gumanda. Sabi mo sa akin nasa Acacia na ang OSH. Tinanong ko kung saan doon kasi ayokong mawala. I did not get lost in Acacia. I got lost in your beautiful eyes. Doon ko nalaman na Manell Aquino yung pangalan mo so I started stalking you. Hindi ko mapigilang tumitig sa mga pictures mo. Iba yung ganda mo. Actually bonus na nga yun eh. Kasi maganda na yung kalooban mo. And feeling ko masaya kang kasama.
Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Just taking the risk. But are you single? Are you seeing someone right now? Hindi ko pa yata kayang magpakilala.
- secretmuna, 2012, Engg
112. Patulong naman
Gusto ko lang sanang malaman kung sino itong taong ito. Sana makilala ko sya :)
- Looking, 2010, CSSP
111. Vanessa Manalo
Hi! Gusto ko lang talaga malaman if Vanessa is single or taken? Hehehe nakikita ko lang siya sa hallway ng AS and nagkaroon lang ako ng pagkakataon at for someway nalaman ko ung name niya hehehe.
BUT I am a girl. I don't even know if I got a chance sakanya because di ko naman alam ano ung sexual orientation niya and we do not know each other at malamang di niya alam na nageexist ako. Can some of her friends answer this or talaga bang may pagka-boyish lang siya? Hehehe para di na ako umasa. And whats her course pala? Thank you!
- confused, 2014, CAL
110.
Para sa cutie na nag post nito (https://kwentongupd.tumblr.com/post/149317616469/95-kay-kuya-sa-jeep-na-nagreply-haha)
Nakita mo ba ulit ako after that jeepney ride? :)) Hindi pa ako nagpapagupit! Maybe next week pa or after :).
Also, maybe may better way tayo para mag usap? Nagagalit na siguro admin ng page sa atin binibigyan natin siya ng trabaho hahahaha.
PS. Gusto ko din ng metal/rock, gusto mo din ba? PPS. Ang cute mo talaga!
- Hindi ako ito, 2013, Science
106. JB Ragaza
Una kitang nakita sa lumang TDF page, kasi may nag-confess na rin sa 'yo dati roon. Mula noon, hindi na naalis sa isip ko ang napaka-cute mong imahe... freshie ka pa yata sa picture na 'yun, hahahaha.
Dahil magaling akong mang-stalk (#BuhatBangko), nalaman kong lingg ka, kaya naman natuwa ako since magkapitbahay lang ang home colleges natin. Naisip ko, "Uy may chance na madalas kong makita ang cutie na 'to!" and ayun nga, palagi kitang nakikita, either sa AS or tambayan n'yo. (Hindi kita sinusundan, I swear. Nagkakataon lang talagang maliit ang mundo... or baka meant to be tayo. JK HAHAHA)
Tangina naman kasi. Bakit ba ang adorable mo? Lalo na kapag ngumiti ka. Aware ka bang you have a really nice smile? It makes my day, pucha.
Oh, congrats nga pala sa pag-shift! :) Sana mas madalas na kitang makita, ngayong parehas na tayo ng kolehiyo. (Sana makilala mo na rin ako... hahahahaha.)
- Na(ng)hihi(na)ya(ng), 2014, Eduk
99. Dave
I just want to say hi to Dave of CS '13. Ang perfect ng timing ng visit ko to UPD. You were with your friends and I was with mine. Then I was with mine. And while she was saying something napansin niya ata na mej nag-zozone out ako. So I asked her what your name was and she said Dave lang alam niya. Anyway, you look simple yet splendid. Just want you to know that :)))
- Plane, 2014, not from UPD