Ang ingay nung dalawang nagbebenta sa ABS-CBN, hindi ba nila alam na umiiyak ako? Makisama naman sila.
Ang kukulit ng mga lamok, kagat nang kagat. Hindi ba nila alam na masyado na akong nasasaktan? Wala na akong time kumamot pa.
Bwisit yung prof ko sa Dynamics. Magpapaquiz kinabukasan. Heartbroken ako eh, pano yun?
Pota. Walang titigil para sayo. Hindi mag aadjust mga bagay dahil broken hearted ka. Kailangan mong matutunang maging okay kundi malalabas mo lahat ng sama ng loob mo sa mga tao o bagay na hindi naman dapat nadadamay sa problema mo.
Kawawang tumblr. Naging outlet ko na.
Sa bawat pag iyak mo, may nasasayang kang oras. Baka nakapag toothbrush ka na, nakapaghilamos at kung ano ano kaso inuna mong maging malungkot. Choice ba yun? Siguro. Ewan ko. Hindi siguro. Kaso sino ba naman may gustong malungkot? Di ba namang may gustong masaktan. Wala naman. Tanga lang sasagot ng oo sa mga tanong na yan.
Kung may nagbabasa man nito, sorry kung napakarandom nito.
Bakit ganun no? Mas pinili niyang bumitaw kesa punan yung alam niyang pagkukulang niya. Para daw hindi ka masaktan pa. Hindi niya ba alam na mas nasaktan siya nung iniwan mo sya?
Sakit mangagat eh. Tagos hanggang puso. Para bang sinisipsip nila ung dugo sa puso ko mismo. Masakit at nakakaubos ng lakas.
Sana madengue ako para mapalitan yung nakuhang dugo at mabalik ulit yung lakas ko. HAHAHA POTA ANG WALANG KWENTA ATA NUNG LOGIC AT HUGOT KO SA LAMOK NVM