seen from United States

seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from India
seen from China
seen from Hong Kong SAR China

seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from United States

seen from T1
seen from T1
Ang Babae Sa Katipunan 10
Nakakapanlumo. Nakakapang-hina. Nakakawalang-gana.
Finals na, pero si Yannie pa rin ang iniisip ko. Kung tutuusin ay mababa ang grades ko ng nagdaang midterm examination. Pulos palakol ang grado ko at medyo na-disappoint ang isa kong professor sa akin. Para raw nagpabaya ako sa pag-aaral. Nakakawalang gana lang kasi.
Parang lahat ng ginagawa ko routinary na lang. Paulit-ulit. Paikot-ikot. Walang bago.
July 26. Last day ng finals. Nasa LRT ako at pilit na nag-babasa ng xerox copy sa isang subject para mapag-aralan ko. Pinipilit ko ang sarili ko na mag-focus. Alam ko naman kasing imposible ang gusto kong mangyari. I should move on. Hindi ko na makikita pa si Yannie.
Naka-sandal lang ako sa pole habang nag-babasa. Nakikinig sa music na nanggagaling sa earphones ko na naka-konekta sa cellphone. Parallel Universe pa ni Clara Benin 'yung tumugtog sa Spotify. Ayos talaga! Lalo lang akong pinaasa ng putcha!
Pero what if nga may parallel universe? Paano kung may mundo na kasing katulad ng sa atin... sa Earth? Makita ko kaya ang Yannie sa mundo na iyon? Magiging friends ba kami? Mag-memeet sa ibang paraan? Iyong paraan na posible kaming maging magkaibigan hanggang sa maging magka-ibigan. Magiging kami kaya sa parallel universe? Mapansin kaya niya ako? Magkaroon ng masayang buhay kasama siya?
Huh! Halos tatlong linggo ko lang siyang nakilala at nakikita sa LRT. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ako nginitian kasi sa tuwing kakausapin niya ako ay ngumingiti siya. Pero bilang na bilang ko sa isang kamay kung ilang beses niya lang akong kina-usap.
Tumigil sa Anonas Station, napa-tingin ako sa paligid. Nakita ko si Tristan. Nakakatawa. Kasi wala siyang kasama. Hindi niya kasama ang girlfriend na si Erin. Naka-uniporme siya pero mukhang katatapos lang ng klase niya. Siguro kung naandito si Yannie, sobrang laki nanaman ng ngiti niya. Baka magka-usap na sila ni Tristan ngayon. Iyong ngiti at saya niya kapag kasama at kausap si Tristan, gusto ko na ako na ang mag-bibigay sa kaniya nun. Gusto ko ako na lang.
Tumigil sa Gilmore Station. Tumingin ako sa paligid. Tiningnan ko ang bawat tao na nasa labas pero walang maliit na cute na babae na mukhang zombie na nag-babasa ng notes niya na xerox copy at may full bangs na minsan ay naka-side.
"Arriving at Legarda Station. Paparating na sa Legarda Station."
Napa-tunghay ako. Ipinasok ang xerox copy sa loob ng itim na Jansport bag ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay. Inayos ko ng suot ang bag ko. Isinakbit ko rin sa kaliwang ang strap ng bag ko. Pumwesto ako sa may pinto. Nag-bukas ito at lumabas ako. Marami-rami rin ang lumabas mula sa LRT. Mga may klase rin siguro ng alas-siete. Nag-lalakad na ako pababa nang may makita akong papel sa hagdan. Wala naman talaga akong paki-alam pero napaka-distracting nito kaya pinulot ko.
Republic of the Philippines Professional Regulation Commission Manila, Philippines APPLICATION DIVISION NOTICE OF ADMISSION (NOA)
Name: ANDAL, MARIANNE CECILIA THERESE BENEDICTO Exam Name: Social Worker Exam Date: July 25 & 26, 2018 Exam Place: Manila
Kaagad akong napa-tingin sa karamihan ng tao sa buong LRT station. Kaagad kong hinanap si Yannie. Naandito siya. Mukhang nagka-sabay kami sa LRT at hindi ko lang napansin kasi... bakit hindi ko siya nakita? Ini-ikot ko ang paningin pero hindi ko siya makita. Ano bang kulay ng suot niya?
"Kuya!"
Napa-lingon ako sa itaas nang may tumawag sa pangalan ko. Nabunggo na ng ilan ang balikat ko kasi sa hagdan ako tumigil at talagang tumambay na ako run.
She is running. Naka-ngiti siya sa akin at medyo nagulat nang makita ako. Naka-suot siya ng puting polo shirt na plain, black slacks at itim na doll shoes. Naka-ponytail ng maayos ang buhok niya at naka-clip ang bangs niya sa kaliwang bahagi ng noo. May dala siyang backpack at clear envelope. She smiled at me, again.
"Mark, right?" tanong niya. She remembered me. Para naman akong pinutakte ng maliliit na kiti-kiti sa tyan.
"Sa'yo?" tanong ko at ibinigay ang NOA niya.
Baka kaya hindi ko na siya nakikita kasi tapos na ang review niya? Wala ng dahilan para pumunta ng UP.
"Yes. Thank you ha!" sabi niya at ngumiti sa akin.
Ngumiti rin ako sa kaniya. I was about to introduce myself, properly, pero nakita ko ang lalaking nak-uniform ng TIP na sumulpot bigla sa likuran niya.
"Thank You ulit ha!" sabi niya sa akin. "Tara?"
Sa akin dapat 'yun. Pero hindi.
The End
ANG BABAE SA KATIPUNAN Copyright © 2018 diwatangbae
Ang Babae Sa Katipunan 7
Lunes, June 25. Alas-kwatro ng hapon. Nasa estasyon na ako ng tren sa Katipunan. Platform 4 at hinihintay si Yannie. Hindi naman ako nabigo dahil mayamaya lang ay dumating na siya. Medyo nanibago ako sa kaniya dahil naka-shorts siya ng puti, itim na off-sholder (mga uso na design ngayon na butas-butas pero may tela sa ilalim), sling bag na itim na kasya ang isang ballpen at tatlong pages ng xerox copies. Pero ang sapatos niya ay iyon at iyon pa rin. Napatitig ako sa legs niya, kung ano ang nasa picture, ganun na ganun din siya. Makinis at buhay na buhay ang balat. Naka-earphones siya habang ang coin purse at cellphone niya ay nasa bulsa. May binabasa nanaman siyang notes sa xerox copy. Nakakapanibago kasi ang liwanag ng itsura niya. Nagg-suklay siya ng buhok kahit naka-ponytail at naka-side bangs.
Pag-dating ng tren, kaagad siyang sumandal sa pole habang nag-babasa. Kumapit naman ako sa pole habang naka-tingin sa kaniya. Nang paalis na ang tren, aksidenteng napa-hawak si Yannie sa kamay ko. Kaagad siyang tumingin sa akin at nag-sorry.
Nagulat ako at tumibok ng mabilis ang puso ko. Ang lambot ng kamay niya. Halatang anak mayaman. Para akong hinahabol ng mababangis na hayop sa gubat sa bilis ng tibok ng puso ko. Masarap sa pakiramdam, napaka-warm.
"Okay lang." sagot ko at ngumiti sa kaniya.
"Sorry ulit. My bad." sabi niya at kumapit na sa pole.
Ngumiti nanaman siya sa akin pero mabilis lang na nawala dahil nag-basa na ulit siya. Kahit sandali lang iyon ay nakuha kaagad ng isip ko ang pag-ngiti niya.
Dumating sa estasyon ng Anonas. Agad siyang napa-tunghay at kita kong huminga siya ng malalim habang naka-tingin lang sa labas. Makalampas ang school ay muli siyang bumalik sa pagbabasa.
"Hi, Miss! Ang sipag mo naman."
Nagulat ako nang may tumabi sa kaniya na lalaking naka-uniform ng kulay grey at naka-slacks ng itim. Naka-ID pa siya na makapal ang lace na itim at may sulat na CIVIL ENGINEERING.
Maputi, mas matangkad ako ng kaunti, matangos ang ilong, medyo mapungay ang mata na bilugan at... may hawig kay James Reid. Maganda rin ang pangangatawan niya. Naka-sabit sa kaliwang braso ang itim niyang bag at naka-hawak naman ang kanang kamay niya sa kamay ng babae niyang kasama.
Kaagad natanggal ni Yannie ang earphones at gulat na napa-tingin sa lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at hindi agad makapag-salita habang ngiting ngiti sa kaniya ang lalaki.
"Tristan! Kamusta na? You must be Erin?" tanong niya sa babae at nakipag-beso-beso siya. "Nice meeting you!" naka-ngiti niyang sabi.
Siya si Tristan? 'Yung Tristan Ejercito na kasama niya sa Instagram Highlights niya? Iyong Tristan na nag-bigay ng Sunflower and Rose Boquet sa kaniya? Eh sino itong Erin na ka-holding hands niya?
"Babe, si Yannie. Remember? 'Yung kwinekwento ko sa'yo na friend ko." sabi ni Tristan.
Ngiting ngiti naman si Yannie sa kaniya at malambing na nag-hi si Erin. Chinita, maputi, sexy sa suot na off-shoulder na itim at short-shorts na maong. Naka-sandals siya na may heels na mga 2 inches ang taas. Naka-light make-up siya at naka-lugay ang mahaba, maitim at manipis niyang buhok na hanggang beywang.
"Saan ka galing?" tanong ni Tristan.
"Sa school. May review ako 'di ba? Ikaw naman, isang buwan lang tayong hindi nag-kita nalimutan mo na?" sabi ni Yannie.
"Ahh oo nga pala." sagot ni Tristan.
"Ano'ng course mo?" tanong ni Erin.
"BS Social Work. Review for board exam e kaya super busy na. Hindi na ako makapag-social media." sagot ni Yannie at ngumiti.
"Ahh, kaya pala hindi na kita nakikitang online." sabi ni Tristan.
"Oo, besh. Kailangan e, alam mo naman may goal tayo na makasama sa Top 10. "
Ang kalog niyang mag-salita. And wait! Ibig sabihin may facebook account siya? Or naka-deactivate? Siguro. Busy siya, ang sabi niya.
"Wow, kaya mo 'yun?" tanong ni Erin.
"Naku, Babe, iyan pa, si Yannie. Best thesis awardee nga iyan nung grumaduate. Matalino 'tong babaeng 'to eh." sabi ni Tristan at tinapik si Yannie sa balikat pero tumawa lang.
"Hala, grabe! Huwag naman, nakaka-hiya." medyo nahiya nga siya sa sagot niya. "Saan kayo niyan?" tanong niya at palaging naka-ngiti.
"Cubao. Ikaw? Sa may Rotonda ka pa rin?" tanong ni Tristan.
Rotonda? Welcome Rotonda ng QC? Taga-doon siya? Saan doon?
"Oo. Doon pa rin ako umuuwi. Sayang naman kasi 'yung bahay." sagot niya.
"Eh 'di mag-isa ka nanaman?" tanong ni Tristan.
"Kailan ba hindi?" sagot ni Yannie at tumawa.
Tumigil ang tren sa Cubao. Nagpa-alam si Yannie kila Tristan at Erin. Tinatanaw pa.niya sa labas ang dalawa habang nagwe-wave siya ng ba-bye. Ngumiti sa kaniya si Tristan at tumango bago tuluyang umandar ang tren.
Bigla ko na lang nakita na naka-yuko na si Yannie at humihikbi? Umiiyak ba siya? Shit! Ano'ng gagawin ko? Medyo may napa-tingin pa sa kaniya or sa amin? Basta! Akala yata pina-iyak ko. Tsk.
Tumunghay siya at nag-punas ng luha. Kahit sa pag-pupunas ng luha may class at may dating. Ano ba 'yan!
"Ehem, er, miss, panyo oh."
Kabadong kabado ang dibdib ko sa ginawa ko. Tumingin siya sa akin. Matubig ang kaniyang mga mata at mapula ang ilong. Kahit umiiyak ang cute niya pero naawa rin ako sa kaniya. Parang gusto ko siyang yakapin.
"Thanks." sagot niya at pilit na ngumiti sa akin.
"Okay ka lang?"
What the ef is that question? Malamang sa malamang hindi, kaya nga siya umiiyak, 'di ba? Haist! Mark Henry, nasaan na ang utak mo?
"Yah. Thank you ah. Ibabalik ko na lang sa'yo kapag nagka-sabay ulit tayo bukas." sabi niya.
"Ahh, naku, hindi, sige, sa'yo na lang 'yan." sabi ko.
"No. I will return this to you. Pasensya ka na ha. I am Marianne nga pala." pagpapakilala niya.
What the! Nangyayari ba ito? Para akong nananaginip ng gising! Parang gusto kong sampal-sampalin ang mukha ko.
"Mark." sagot ko at ngumiti sa kaniya.
"Taga-UST ka?" tanong niya.
"Oo." sagot ko. Tumango at ngumiti.
"Ahh. Napapansin kita palagi rito sa LRT. Taga-Katipunan ka?" tanong niya.
"Oo." muli kong sagot at tumango.
"Sorry if matanong ako. Hehe. Nasanay e." sabi niya at bahagyang tumawa.
Mas maganda talaga siya kapag naka-ngiti. Seryoso. Walang halong biro.
"Okay lang. If that will make you feel better." sagot ko at ngumiti sa kaniya.
"Thank you ulit, Mark, ha! Estudyante ka pa ba?" tanong niya.
Hindi ko alam if she is starting a small-talk or what kasi obvious naman na estudyante pa ako sa uniform ko. Sige na nga, sakyan ko na.
"Oo. Architecture." sagot ko.
"Wow! Madugo pala ang course mo. Saka alam mo ba sabi sa survey, Architecture daw ang pinaka-sexy na trabaho sunod pa ang Doctor." sabi niya.
Ha? Totoo ba 'yun? Para namang na-build up 'yung confidence ko niyan. Parang feeling ko wala na akong maibabagsak na subjects. Feeling ko gragraduate na ako ngayong taon.
"Ay, malapit na ako. Isasauli ko na lang sa'yo ah. Thank you ulit, Mark." sabi niya at ngumiti sa akin kahit na maluha-luha pa ang mga mata niya.
Tiningnan ko siya hanggang maka-labas. I can't believe it! I really cannot believe it! Kina-usap niya ako! Pinansin ako ni Yannie!
Parang gustong mag-tatatalon ng puso ko palabas ng dibdib. Parang gusto kong magsa-sayaw dito sa loob ng LRT kahit wala namang tugtog na nakakasayaw. Nakaka-high sa pakiramdam, sobra!
Sinabi pa niya na ibabalik niya ang panyo ko. Ibig-sabihin may time pa para makasama ko ulit siya at sabi rin niya ay napapansin niya ako dito sa LRT. Talaga? Shit! Akala ko talaga hindi. Pero... ah! Ayoko nang mag-isip, basta pinansin ako ni Yannie at kinausap. Tapos!
Pero, ano naman kaya'yung business niya kay Tristan? Bakit sila ganun? Bakit niya iniyakan? Sino si Erin? Kailan pa nagkaroon ng Erin? Mag-ex ba sila ni Tristan? Bakit parang ang saya naman nila kung one month lang na hindi nagkikita? Kung one month pa lang ang break up, imposibleng ganun na sila kasaya kung mag-ex sila. So mag-ano sila? Nakakalito!
Ang Babae Sa Katipunan 6
Sabado, parehas yata kaming walang pasok dahil mukhang may gimik sila ni Angel ngayon. Tuwing Sabado, matic na alas-diyes ako ng umaga nagigising kahit na ano'ng oras ako matulog ng Biyernes ng gabi. Pag-gising ko wala na ang mga pinsan ko sa bahay. May mga klase kasi sila. Kaya heto ako, mag-isang kumakain ng toasted bread, mag-isang mag-lilinis ng unit at mag-isang nag-aaral.
Nang maalala ko ang napag-usapan nila ni Angel, napa-isip tuloy ako kung saan sila pupunta dito sa Katipunan. Nag-isip ako ng mga maari nilang puntahan pero napakaraming establisyemento rito. Baka naman sa UPTC? Ano naman kaya ang gagawin nila run? Intuition ang tawag sa ganito at dito malakas ang mga babae. Pero, mayroon din kaming mga lalaki na ganito. Kutob ko sa UPTC kasi iyon lang naman ang sobrang puntahan dito. At saka ano'ng oras?
"Bakit ba ako nagpapaka-baliw na isipin 'yun? Haist!" sabi ko sa sarili ko. Mukha na akong tanga.
"Huy! Okay ka lang?"
Biglang bumukas ang pinto ng unit. Nag-huhubad ng sapatos ang kadarating lang na si Jane na naka-square pants na puti na terno sa puti niyang turtle neck crop top. May shades pa siya na naka-lagay sa ulo niya at naka-small bag na itim.
"Akala ko ba may pasok ka?" tanong ko habang nasa kusina at nag-aaral.
"Meron nga." sagot niya at may ibinabang paper bag ng McDo sa lamesa.
"Eh bakit ka naandito na?" tanong ko.
"Paki mo?" sagot niya at inirapan ako. "Sa'yo 'yan!" sigaw niya habang nasa kwarto niya.
Kumunot ang noo ko at nag-taka. Si Jane bibigyan ako ng lunch? Bago ito ah! Tiningnan ko ang laman ng paper bag ng McDo at inilabas ang mga pagkain. Chicken, rice at fries na may kasamang coke float.
"Thanks! Ano'ng nakain mo at nag-bigay ka?" tanong ko habang kumakain ng fries.
"May seminar kami kanina. May pakain na McDo so humingi na ako ng dalawa for you and for me. Nakaka-awa ka kasi, hindi ka marunong mag-luto."
Talagang may diin pa sa hindi ka marunong mag-luto. Oo na, oo na! Ako na! Ako na ang hindi marunong mag-luto. Para rin namang marunong siya. Si Jake nga lang ang marunong sa amin. Hindi ko talaga alam kung paano kami nagsu-survive dito. Pitong taon na kaming magkakasama. Mabuti at hindi kami nafo-food poison. Well, dati naman kasi kasama namin ang isa pa naming pinsan na si Ate Olive. Graduate siya ng UP at kasaluluyang nag-lalaw na ngayon sa Ateneo. Ayun nga lang, kakakasal niya lang two years ago kaya dalawang taon na naming pinagtyatyagaan ang luto ni Jake. Mahilig din kasing mag-pacham itong si Jake. Kaya minsan nakaka-busog na ang luto niya. Minsan naman, mapapa-bigay na lang kami sa mga street families na nag-kalat sa Loyola.
"Aalis ka ba mamaya?" tanong ni Jane sa akin na naka-bihis na ngayon ng itim na spaghetti strap sando at itim na high waist ripped shorts. Nag-sasapatos siya ng low cut niyang converse na itim.
"Depende. Bakit? Pasaan ka nanaman?" tanong ko.
Kada-labas iba ang suot. Kaya yumayaman 'yung laundry shop sa ibaba dahil ni Jane.
"Eastwood. Wala lang. Sabihin mo na lang kay Jake nasa Eastwood ako. Okay? Bye!"
Kinuha ni Jane ang iPhone X niya sa sofa saka tumayo at sinagot ang tawag. Mukhang may sumundo yata sa kaniya nasa ibaba na. May dala siyang sling bag na itim na Hermes. Naka-suot ang shades niya sa ulo at kumaway lang sa akin saka umalis.
Kaya pala may pa-McDo si Mayora, may kailangang isuhol. Tsk. Nag-tataka nga ako, mabuti na lang talaga hindi nabubuntis iyang si Jane. Minsan nga hindi na umuuwi. Si Jake naman, hindi masaway si Jane dahil may mga kalokohan din ang isa, katulad ng pag-uuwi ng babae dito sa bahay. Ako na lang talaga ang matino dito. Simula nang grumaduate si Ate Olive, naging ganyan na 'yung dalawa. Well, noon naman ganun na, since nag-college, lantad lang ngayon kasi nga wala ng taga-bantay.
Mag-hapon lang akong nag-aral. Natulog ulit ako ng mga bandang alas-dos at nagising ng alas-singko. Nasa bahay na si Jake at nanunuod ng Animax sa sala. Dumiretso ako sa CR para umihi at pag-labas ko tumingin lang siya sa akin.
"Tara sa food park." sabi niya sa akin.
"Libre mo?" tanong ko.
"Tsk!"
"Oo na. Tara na. Ngayon na?" tanong ko.
"Oo. Mag-bihis ka na. Maganda raw dun sa bagong food park e. May mga live bands."
Dahil gutom na ako at mukhang walang balak mag-luto si Jake, pumasok ulit ako sa kwarto at nag-hanap ng maisusuot.
Nag-plain v-neck shirt lang ako. Printed shorts na dark blue at Sperry's na dark blue. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko sa kama saka lumabas ng kwarto at pinatay ang ilaw.
Naka-dark blue na polo shirt si Jake, dark blue na printed shorts at itim na Converse. Pinatay niya ang TV at hinugot ang saksak, ganun din sa aircon. Kinuha niya ang susi ng kotse sa lamesa kasama ang wallet at Samsung J7 Pro niya.
"Bakit mo naman naisipang mag-food park?" tanong ko habang nasa elevator kami.
"May mga banda nga kasi. Saka nakakatamad mag-luto." sagot niya.
Dumiretso kami sa parking area at sumakay sa kotse niyang itim na Audi. Fifteen minutes of drive ang layo sa condo ng bagong food park. Naging twenty-five minutes pa ang byahe namin kasi medyo ma-traffic.
Pag dating sa food park may entrance pa na fifty pesos kaya nag-bayad kami at saka pa kami naka-pasok sa loob. Open space naman pero medyo naka-enclosed ng mga salamin. Parang pinaka-bakod ng buong food park. Malaki ang sukat at marami ang tao. Wala pang banda na nagpe-perform pero marami ng tao.
"Bumili ka na muna, dito muna ako." sabi ko kay Jake.
Umupo ako sa nakita naming upuan at siya naman ay nag-hanap ng mabibilhan ng pagkain. May mga malalaking yellow light bulbs na lantern tapos gawa lahat sa kahoy ang tables at benches. Siguro good for six ang kada table. May mga pang-dalawahan din pero sggilid lang at occupied na. Marami ding stalls at iba-iba ang tinda. Hindi katulad sa ibang food park na 'yun at 'yun ang tinda. Batuhan at maliliit na pebbles ang pinaka-flooring. Maayos at maganda naman.
Inilabas ko ang cellphone mula sa bulsa at naalala si Yannie. Nasaan kaya 'yun? Tiningnan ko ang Twitter ko pero hindi pa rin niya ako ina-accept. Sa Instagram naman ay wala siyang bagong post at kahit IG day wala. Mukhang hindi siya active sa social media. Tiningnan ko ang account ni Angel. Tama ang hinala ko, nasa UPTC sila kasi may picture si Angel sa murals doon at sa puno na may lights. Tapos may caption na:
With Baks, rn! 💖 Q-time with best friend! 💙
At walang naka-tag. Wala talaga siyang Facebook account. One minute ago 'yung post, baka naandoon pa sila. Gusto kong pumunta pero may pumipigil sa akin. Nakakatamad din kasi ang traffic. Hayaan na nga, magkikita naman kami sa Lunes.
Tiningnan ko muli ang post ni Angel. Naka-shoulder off ng itim si Yannie na may print na maliliit na white hearts bilang pattern. Naka-lugay ang mahaba niyang buhok at naka-full bangs. Naka-high waist ripped shorts siya na itim at maramming butones sa unahan at naka-itim na sapatos. Medyo nag-iba ang itsura niya. Kasi ba naka-ngiti? O dahil iba ang suot niya? Sobrang kinis niya at mukhang walang mga peklat. Talagang medyo tinagihawat nga lang ang mukha niya. Pantay na pantay ang kulay niya. Walang maitim sa kaniya kung hindi ang suot niya. Hindi siya long-legged at mukha nanaman siyang Grade 12. Nakaka-bata yata talaga sa kaniya 'yung bangs. Full man o side.
"Hmmm, stalker!" bigla na lang may umimik sa tabi ko.
"Gago!" sabi ko kay Jake na tumatawa habang may dalang tray na may bottled water at sizzling sisig.
"Sige na, bumili ka na. Tsk! Malala! Gutom lang 'yan, Insan!" sabi niya sa akin na iiling iling pa habang hinahalo ang sisig, calamansi at itlog.
Dahil mukhang masarap ang sisig, nag-sisig na rin lang ako. Isang Pork and Seafood Sisig. Mixed kaya masarap. Ang sarap naman talaga.
Kumakain na kami ni Jake nang dumating na ang bandang tutugtog mula alas-siete hanggang alas-diyes ng gabi (sabi nila). Ang bandang Ben & Ben ang tutugtog. Dahil fan ng OPM si Jake, todo-palakpak siya. Nagpa-picture pa sa buong banda nang pauwi na kami.
Umuwi kami sa condo na wala pa si Jane at hindi na bago sa amin ni Jake 'yun. Dumiretso na lang kami sa kaniya-kaniyang kwarto. Naligo lang ako at nag-toothbrush saka bumalik sa kwarto ko at nahiga.
Nang buksan ko ang cellphone ko ay naandoon pa rin sa whole body picture ni Yannie na ang background ay 'yung mural sa UPTC. Napatitig nanaman ako sa kaniya. Hindi siya ang babae na tipong mapapa-lingon ka sa unang tingin mo. Walang espesyal sa kaniya pero heto ako at hindi na siya maalis sa isip ko. Maraming mas magaganda akong kakilala at nagkaka-gusto sa akin, pero iba talaga ang karisma ni Yannie sa akin. Kahit mukha siyang Zombie ng una kaming mag-kita, iba pa rin siya.
Ah! F uck! Ito na ba 'yung tinatawag na love?
Ang Babae Sa Katipunan 5
Araw-araw ko siyang nakikita. Araw-araw ko siyang nakakasama. Araw-araw ko ring tinitingnan ang Twitter niya kung inaccept na ba niya ako o hindi. Araw-araw ko rin tininingnan ang Instagram niya kung may bago siyang post o kaya IG day pero ni isa ay wala.
Martes, nakasabay ko siya sa LRT at naka-upo siya since hindi gaanong marami ang tao. May space pa para sa kaniya. Dahil maliit siya, tamang tama lang sa kaniya 'yung space. Naka-puti siyang t-shirt at mayroong pirma ng mga sikat na banda local man o international. Medyo malaki sa kaniya pero bagay naman. Naka-ponytail siya at skinny jeans. Usual na itsura.
Miyerkules, nauna siya sa platform 4. Hinabol ko talaga ang alas-kwatro dahil nag-puyat ako kagabi para sa isang quiz kaya na-late ako ng gising. Hindi na nga ako naka-attend ng 7-9 ko na klase. May binabasa siyang xerox copy. Para yata sa review. Naka-ponytail ulit siya at ang full bangs niya naging side bangs na talaga. Naka-skinny jeans siya ('yung suot niya kahapon) at naka-puting blouse na may tatak na Music na naka-embosed. Busy siya sa pinakikinggan niyang kanta at sa pagbabasa.
Huwebes, nag-babasa pa rin siya. Marami nang sulat ang xerox copy at highlight na iba't ibang kulay. May label pa na naka-lagay sa tabihan na naka-sulat: HBSE. Ano kaya ang ibig-sabihin 'nun?
Biyernes, first-time niya na ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang hindi yata ako makaka-tulog kaka-isip ng ngiti niya. Ang cute niya kahit wala siyang dimples. Mas maganda siya kapag naka-ngiti kasi sumasabay ang mata niya. Doon ko rin namalayan na parang ang fluffy at squishy ng cheeks niya. Halos wala na siyang mata kapag ngumingiti.
Well, kaya naman niya ako nginitian e dahil hinayaan ko siya na umupo sa bakanteng upuan. Kahit maliit na smile lang 'yun at simpleng thank you parang napaka-laking bagay na para sa akin. Pagka-upo pa niya ay kaagad siyang tumingin sa tabi niya. Tinitingnan pa yata niya kung kakasya pa ba ako o hindi. O nag-assume lang ako?
Pero kahit ano'ng busy niya, basta tumigil sa Anonas Station, mapapatigil din siya sa pagbabasa hanggang maka-lampas ng TIP. Saka nun, magbabasa na ulit siya. Titigil lang ulit kapag pababa na siya ng Gilmore.
Isang linggo na ang lumipas, wala pa ring progess. Hindi pa rin niya ako ina-accept sa Twitter, kahit na nginitian na niya ako. Hindi ko pa rin siya nakaka-usap. Hindi ko pa rin siya matanong ng mga bagay na gusto kong itanong.
Taga-saan siya? Sino si Tristan? Kamusta maging anak ng Doctor? Saan siya mag-wowork after? Ano ang paboritong kulay niya? Favorite food? Favorite song? Favorite artist? Favorite band, sa dinami-rami ng banda na naka-pirma sa shirt niya na suot? First crush? First love? First heart-break? Happiest Moment? Most Embarrasing moment? At kung anu-ano pa. Laht ng iyan gusto kong malaman. Lahat ng iyan gusto kong i-share niya sa akin pero, paano? Hindi ko alam kung paano siya i-aapproach. Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit ako nagkaka-ganito e.
Hindi ako torpe. Hindi rin ako playboy type. May mga kaibigan akong babae at halos lahat yata sila sinabi na paasa ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano ako naging paasa. Never ko naman silang sinabihan ng gusto ko sila or sinabihan na manliligaw ako sa kanila. Sila palagi 'yung nag-iinsist na samahan ko sila sa ganito, sa ganiyan. O kaya ihatid sila sa bahay pauwi kung malapit lang at the same way. Hindi ko alam na ang mga simpleng galaw na ganun pala ay pwedeng makapagpa-fall sa isang babae. Si Yannie kaya, ma-fall din sa akin kapag ginawa ko 'yun sa kaniya? Nafa-fall ba siya sa mga lalaking nag-hahatid sa babae at sinasamahan kahit saan nila gusto? Nafa-fall ba siya sa lalaki na kumukuha ng Architecture? Nafa-fall ba siya sa lalaki na mahilig sa OPM? Nafa-fall ba siya sa lalaki na pala-simba tuwing Linggo at madasalin? Nafa-fall ba siya sa lalaki na mahilig sa anime? Nafa-fall ba siya sa lalaki na nanunuod ng Kdrama kasama ang mga pinsang babae at mga tiyahin? Nafa-fall ba siya sa matangkad, maputi, matangos ang ilong, hindi gaanong chinito (pero may pagka), mukhang bagong gising palagi ang buhok at mukhang tinatamad na seryoso sa buhay?
Posible kayang mahulog din siya sa akin? Kasi ako, hindi ko pa siya kilalang kilala pero hulog na hulog na ako sa kaniya. Pwede ba 'yun? Siguro. Nangyayari na sa akin e.
Ang Babae Sa Katipunan 4
"Marky!"
Bwisit talaga! Sumabay pa itong pinsan ko sa akin. Naiinis ako sa sitwasyon, hindi kay Jane. Siya ang kasama ko sa condominium kasama 'yung kakamabal niya na si Jake. Sa Ateneo pumapasok si Jane at kumukuha ng pre-med. Si Jake naman ay sa UP, Geodetic Engineer. Dapat talaga graduate na kami. Nagka-isang taon pa ako dahil bumagsak ako sa ibang subjects. Kaya ang dapat na mga ite-take ko ng summer, sa first semester ko pa ite-take.
Si Jake naman, walang bagsak pero inunti-unti niya ang pag-kuha ng subjects. Aabutin na yata ng sampung taon sa kolehiyo ang loko. Mas marami pang time gumimik kesa pumasok.
Si Jane naman, pinag-sama ang sitwasyon namin ni Jake. Simula yata nung nag-third year siya, irregulat student na ang status niya. Inunti-unti niya ang pag-kuha ng subjects at mas marami pa ang gala kesa sa pag-pasok.
Chancellor kasi ang Lola nila sa Nanay sa Ateneo kaya ang lalakas ng loob. Pero mababait naman sila at hindi magugulo katulad ng iba. Ang hilig lang talagang gumimik ng kambal kaya palaging mag-isa lang ako sa unit tuwing Biyernes at Sabado ng gabi. Mas malala lang talaga si Jane. Kaya niyang lumabas ng kahit weekdays at kahit may exam kinabukasan, mag-iinom siya kasama ang mga kaibigan noong high school at ngayong college.
Ako, may mga kaibigan ako ngayong college at high school pero hindi ganun karami. Wala kasi akong inatupag noong high school kung hindi ang mag-aral at manuod ng anime at mag-basa ng manga. Varsity din ako sa basketball at softball nung high school kaya medyo kilala ako sa amin. Ngayong college naman, nahilig ako sa pag-babanda. May banda ako dati pero nag-quit ako nang magka-bagsak. Palagi rin kasing nasa gig. Kahit pa may kibikita ako sa pag-babanda, napapabayaan ko naman ang pag-aaral ko. Kaya nag-quit na ako. Hindi naman nagalit ang parents ko. Cool sila sa kahit ano'ng gawin ko basta ipapaalam ko sa kanila. May sarili na naman daw akong desisyon at susuportahan nila ako sa kung ano man ang gustuhin ko.
Nasa estasyon na ako ng tren ngayon sa Katipunan. Tumingin ako sa gold kong relo na Casio na padala ni Daddy. Alas-kwatro na and any minute, Yannie will be here. Hindi ako nabigo. At 4:05, naandito na si Yannie at saktong padating na ang tren.
Ito namang pinsan ko.na si.Jane, naka-cling arms sa akin habang may ka-text. Sinimangutan niya ako nang tanggalin ko ang kamay niya sa braso ko at pumulupot muli sa akin. Isipin pa ni Yannie, girlfriend ko si Jane.
Lunes na Lunes at mukha nanaman siyang zombie. Naka-lugay ang buhok at hindi nasuklay. Naka-clip na ngayon ang full bangs niya pa-kaliwa na naging side bangs. Mukha siyang teenager. Naka-black The Beatles shirt siya at naka-skinny jeans. The same shoes, the same bag Naka-sauot din siya ng salamin pero agad din niyangg hinubad pag-dating sa platform at inilagay sa loob ng lalagyan na nasa bag niya.
Pag-bukas ng pinto, nauna na kaagad si Jane sumakay at kaagad na naka-upo. No choice si Yannie kung hindi ang tumayo sa tabi ko. Parang deja vu, naka-hawak nanaman kami sa iisang pole at parehas kaming naka-earphones. Naka-tingin nanaman siya sa gawing kaliwa at ako naman ay naka-harap kay Jane. Mukha namang hindi niya ako pinapansin at busy sa kakitaan niya mamaya. Humarap ako kung saan siya naka-tingin at muli ay napa-titig na siya sa labas pag-tigil sa Anonas Station at hanggang sa pagka-lampas ng school ay naka-tingin siya.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at sinagot ang tawag ni Angel habang naka-earphones siya.
"Baks! Pauwi na ako." sabi niya.
"Ha? Oo. Baks! Dumaan nanaman sa may TIP." malungkot niyang sabi.
Sandali siyang tumahimik at pinapakinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya. Halatang malungkot siya dahil sa itsura niya. Parang ibang iba siya sa litrato niya noong graduation sa itsura niya sa ngayon.
"Favor naman? Try mo lang ha! Try mong i-message si Tris. Ala! Wag na nga! Pero sige." tapos tumawa siya ng kaunti pero malungkot pa rin.
Halatang naguguluhan siya sa gustong mangyari.
"Oh ano? Ha? This Saturday? Mag-rereview ako. Saan? Sa Katipunan? Ano naman ang gagawin natin doon?"
Hindi ko napapakinggan ang sinasabi ni Angel sa kabilang linya pero tingin ko ay nagpapasama si Angel kay Yannie sa Saturday sa Katipunan.
"Ayan ka nanaman Angelus!" sabi niya at medyo tumawa. "Oo na. Sige na. Ano'ng oras? Sa Gilmore Station na lang tayo magkita."
Pupunta siya ng Katipunan this Saturday? Saan kaya? Paano ko malalaman kung saan? Hindi ko naman siya pwedeng tanungin at lalong hindi ko siya pwedeng sundan. That would be so creepy.
Natapos nanaman ang oras namin sa pagbaba niya sa Gilmore Station. Pagbaba niya, doon ko lang naalala na kasama ko nga pa pala si Jane. Busy pa rin siya sa ka-text niya at walang paki-alam sa akin.
—————
Dumaan ang mga araw. Hindi ko alam kung ime-message ko si Angel o hindi. Hindi ko kasi siya ma-add, ayaw ko rin siyang i-follow. Pero ini-stalk ko muli ang FB account niya. Nasa McKinley Hills siya at may kasamang nasa mid-30s na lalaki. Or gay? Mukha kasing gay din. Wala silang revent picture ni Yannie maliban lang sa foodpark last week. Last post pa niya ay nung Saturday din lang ng 3pm. Napansin ko na naka-konekta ang Twitter at IG niya sa FB account niya.
I tried to search his Twitter account and again, naka-public. Doon ko siya ini-stalk hanggang sa makita ko ang account ni Yannie. May picture kasi silang dalawa na nung Friday din lang niya ipinost at naka-tag si Yannie.
Her username is @maryannielovin. Naka-private ang account niya. Ang DP niya ay Graduation Picture niya na naka-Filipiniana at may sash ng UP. Ang cover photo naman niya ay siya at si Tristan? Naka-cross kasi ang mga kamay nila sa kanilang mukha, tama lang para hindi sila makita at naka-shirt sila na greyish black na may print na malaki na Wakanda Forever sa Black Panther font. Mahilig din siya sa Marvel's?
Tinitigan ko muna kung ano ang gagawin ko. Pinag-iisipan ko kung ifa-follow ko siya o hindi. Parang nag-zoom in ang mata ko sa follow button. I-fofollowkko ba siya o hindi? Wala naman sigurong masama, hindi ba? Bahala na nga!
Pinindot ko 'yung follow button. Napa-angat at ulo ko nang makitang paparating na sa Legarda. Nauna akong bumaba at naiwan si Jane, total sa Recto pa siya.
"Umuwi ka kaagad ha!" bilin ko sa kaniya.
"Ingat!" sabi niya lang at ngumiti.
—————
Kasalukuyan akong nasa kusina at nag-hihintay matapos ang niluluto ni Jake na dinner namin. Pati Instagram account ni Angel, tiningnan ko na rin. Ang dami niyang followers, nasa tatlong libo. Tapos nasa dalawang daan lang ang fina-follow back niya. Ang famous naman niya.
Una kong tiningnan ay ang mga pictures. Nine photos lang ang naandoon kaya hindi madaling mag-hanap. May picture sila ni Yannie kasama ang mga kabarkada nila nang mag-punta sila ng La Union pero hindi naka-tag sa sinoman sa kanila. May anim na daang likes 'yung picture at wala na akong balak hanapin pa si Yannie sa anim na daan na 'yun.
Kaya napag-desisyunan ko na hanapin siya sa 250 following ni Angel. Mabuti na lang at may search box na sa IG.
maryannielovin
Wala.
marianne cecilia therese marianne cecicila marianne cecilia therese b. andal mariannececiliatherese maryan|
Pero ni isa sa mga sinearch ko wala. I tried another names ang spellings pero wala. Tinanggal ko na ang Marianne, tinanggal ko na ang Cecilia, tinanggal ko na ang Therese pero mukhang wala talaga siyang account.
"Last na 'to! Kapag wala pa..."
Yannie Andal
Lumabas ang isang profile. @yannielovin ang username niya. Binuksan ko ang profile niya and yes! Naka-public siya. Mayroong 1,350 photos si Yannie sa Instagram account niya. Mayroon siyang 900 followers at 150 following. Yannie Andal lang ang naka-lagay sa pangalan niya tapos ang nakalagay sa bio niya ay soon to be RSW. May tumblr account din siya na naka-konekta sa Instagram. It's yannielovin.tumblr.com. Mamaya ko na titingnan 'yun kapag nakapag-laptop ako.
Puro mga lugar at pagkain ang pictures niya. Walang tao. Meron man, mga random katulad nitong mga tao na tumatawid. Ang finocus naman niya is 'yung light photography technique. Ang ganda ng shits niya, para siyang professional. Wala siyang picture na siya, puro bundok, dagat, ilog, falls at kung anu-ano pang lugar at pagkain. Pa-iba-iba rin siya ng style at design sa feeds. Nagba-by color siya, tapos meron ding ginagamitan ng InstaSquare. Iba-iba, pero maganda at hindi magulo ang pagkaka-blend.
Tiningnan ko naman ang Highlights niya. Una kong binuksan ay ang 💖 . Unang lumaas ay ang lyrics ng Perfect Stranger na naka-typewriter font sa grey canvas.
maybe we don't need no reason why.
Tapos next template ay ito naman pero nasa red and black naman na naka-typewriter font.
no regrets, just love
Ang sumunod ay picture niya at ni Tristan. 'Yung header niya sa Twitter. Nasa mall yata sila at parang katatapos lang manuod ng Avengers 3: Infinity War.
Fourth picture ay collage ng pictire nila ni Tristan na naka-suot ng superhero shirts. From DC to Marvels.
The fifth one is noong graduation niya. Naka-halik si Tristan sa pisngi ni Yannie habang naka-yapos siya kay Tristan at hawak ang boquet.
The sixth picture is a collage again, mga pictures nila ni Tristan sa iba't ibang lugar na napuntahan nila. May label ang kada picture. Mayroon sa Batanes, meron sa Zambales, merong Baguio at kung saan-saan pa. Nalinot na yata nila ang buong Pilipinas.
The seventh one, naka-higa sila sa kama at naka-yapos si Tristan kay Yannie pero kamay lang nila ang kita. They are wearing the same watch na Casio. Kulay silver ang bracelet. Kulay puti ang pinaka-base nung kay Yannie at itim naman kay Tristan. Pang-babae ang kay Yannie at pang-lalaki nam kay Tristan pero parehas na parehas.
Tiningnan ko ang sunod sa Highlights niya. Panda at Sunflower emoji naman ang pinakang-title. Picture ulit nila ni Tristan pero mukhang may specific date and event. Birthday niya kasi nakita ko sa cake 'yung Happy 21st Birthday, Yannie! From: Mommy and Daddy tapos may malaking Panda at two dozens of sunflower boquet na dala si Tristan at ibinibigay kay Yannie. Action picture ang isang ito, kumbaga.
Last highlight ay red heart lang ang naka-lagay. Puro pictures niya ng parents niya, family reunions and picture niya with her friends.
Mukha ngang boyfriend niya si Tristan. Ilang years kaya sila? Bakit sila nag-break?
"Uy! May ini-stalk!"
Anaknamputcha! Bigla na lang sulpot si Jake sa likuran ko at tinitingnan na pala ang ginagawa ko.
Nai-back ko tuloy at napunta sa profile ni Yannie. Lalo lang akong inasar ni Jake.
"Yannie Andal pala ha! Sino 'yan? Share mo naman."
Nang-asar pa ang gago. Hinampas ko lang siya sa braso at medyo lumayo siya habang tunatawa. Ibinalik ko ang atensyon sa profile ni Yannie.
jakejercito is following this user.
"Kilala mo ito?" tanong ko kay Jake na bumalik na sa pagsasaing.
Tiningnan niyang mabuti ang profile at nakita niya rin yata 'yung nasa ibaba ng profile ni Yannie.
"Hindi. Sino ba 'yan?" tanong niya.
"Eh bakit mo fina-follow? Husto ka sa ganda e!" sabi ko at bahagya siyang binatukan.
"Hindi ko nga alam. Hindi ko talaga kilala 'yan, promise, Brad." sabi Jake.
Mukha rin naman siyang hindi nagsisinungaling.
"Saan mo ba nabingwit 'yan? S'yota mo na?" tanong ni Jake.
"Hindi noh! May nagpapa-stalk lang. Nililigawan 'yan nung kaklase ko, pinapa-stalk lang sa akin." sagot ko.
"Asus! Huwag ako Marky Boy! Binata ka na nga. Saan pumapasok 'yan?"
Napa-iling na lang ako at napa-kamot sa ulo. Hindi na lang sumakay ang gago! Hindi ako pala-open tungkol sa buhay ko lalo na sa love life. Pero ewan, best friend ko yata itong isang ito e. Ang galing magpa-amin.
"Graduate ng UP, College of Social Work."
"UP? Talaga? College of Social Work..." parang may inaalala si Jake pero hindi ko siya masyadong pinapansin. Baka kalokohan nanaman. "Ay gago! Oo tanda ko na 'yan! Si Marianne. Siya 'yung palaging kasama ni Katz."
"Sino naman si Katz?" napa-taas ang isa kong kilay.
"Chicks 'yun! Lumalaban ng pageant. Kaklase yata ni Katz 'yan kasi palagi silang magkasama." kwento ni Jake.
Coincodence? Small world? O tadhana? Ay ewan!
Ang Babae Sa Katipunan 3
Saktong alas-kwatro ay nasa Katipunan Station na ako. Nasa platform 4 ako at tinitingnan ang paligid. As usual, naka-uniform ako at naka-ID tapos naka-sakbit ang itim na Jansport Bag sa kanang balikat. Naka-earphones ako at this time random songs lang, kung ano ang uso. Play with Me by Kehlani.
Tinitingnan ko ang paligid dahil baka naandito na siya hindi ko lang napansin. Napa-tingin ako sa may hagdan at nakita na kadarating lang niya. This time may kasama siyang bakla. Siya yata si Baks? Naalala ko kasi ang text message niya rito kahapon. Naka-itim na long sleeves, black maong pants na naka-tupi ang laylayan at handbag na itim na Chanel si Baks. Medyo chubby din at naka-braces. Maputi at mga nasa 5'4 ang height.
Si zombie naman ay muntik ko nang hindi makilala dahil hindi na siya zombie. Naka-ngiti na siya at masayang ka-kwentuhan si Baks. Naka-ponytail nanaman ang buhok niya at naka semi-round glass siya pero clear. Medyo magulo rin ang buhok niya na halatang hindi sinuklay nang i-ponytail. Naka-white shirt siya na may Blue Daisies na pattern. Parang ganun din sa sunflower shirt na suot niya nung Wednesday, Daisies lang ngayon. Naka-black skinny slacks siya at suot pa rin ang sapato na converse. Naka-maliit na itim na backpack siya na kasya na siguro ang isang ballpen at mga limang xerox copy na itutupi sa gitna. May dala rin siyang libro at isang naka-hardbound na kulay maroon ang unahan.
Nakita kong tumuro siya kay Baks sa gawi ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at pinatay ang music. Tatlo kami ngayon sa unahan ng platform 4 at katabi ko siya pero tuloy pa rin ang daldal niya kay Baks. Nabasa ko ang Social Work Review 2018 sa unahan ng libro at ang University of the Philippines sa ibaba nito. Mayroon pang College of Social Work and Community Development sa ibaba ng pangalan ng school. Ahh, so nag-rereview na siya for Board Exam? Kaya siguro mukhang palagi siyang nasakluban ng langit at lupa.
"Naka-ayos mo na 'yung requirements mo sa PRC?" tanong ni Baks sa kaniya.
"Oo. Nung Tuesday ko lang naayos. Mabuti nga at okay na, kung hindi talaga baka hindi pa ako makapag-exam." sagot niya.
Cute din naman pala ang boses niya at medyo may pagka-bakla siya sa pananalita. Parang sobrang hyper niya ngayon, ibang iba sa araw-araw kong nakikita.
Napansin ko na napa-tingin si Baks sa akin at kinukulbit si zombie habang naka-tingin sa akin.
"Baks! Baks!" sabi ni Baks kay Zombie habang kinukulbit ito.
"Ano? Nagkwe-kwento pa ako ng review e!" pagmamaktol nito.
Ngumuso si Baks sa akin at panay pa rin ang kulbit kay Zombie.
"Kaya pala gusto mo rito ha. May pogi pala." sabi ni Baks.
Napa-tingin si Zombie sa akin. Is it just me or naka-contact lens lang siya? Itim na itim ang mga mata niya. Ang cute niya kasi mukha siyang manika. Marami siyang pimples out of stress na rin siguro pero hindi siya 'yung kadiri tingnan. Halatang masig siyang estudyante.
"Ang ingay mo!" sita niya sa kiibigan.
Pumito ang guard at dumating ang tren. Pina-una ko silang sumakay at sumunod ako. May bakanteng upuan kaya nag-unahan pa silang dalawa at syempre pa ay nauna si Zombie. Ipina-hawak ni Baks ang handbag niya kay Zombie total ay naka-upo naman siya. Napansin ko na may pangalan siya sa reviewer nang ilahad niya ito. Kanina kasi natatakpan ang buong reviewer pero ngayon kitang-kita ko na. Medyo naka-tagilid lang kaya iniisip ko pa kung ano ang pangalan niya.
Andal, Marianne Cecilia Therese B. BS Social Work
Marianne Cecilia Therese. Ang haba naman ng pangalan niya. Ano kaya ang nickname niya? Marianne? Kalimitan kasi kung ano ang unang pangalan, iyon ang itinatawag. Saan ba naman kasi nakuha ng magulang niya ang ganoon kahabang pangalan?
Tumingin ako sa kaniya at tumatawa sila ni Baks na katabi ko at parehas kaming naka-hawak sa pole. Ngumuso si Marianne sa akin at tumingin kay Baks. Teka? Inaasar ba niya ako kay Baks? Or si Baks sa akin? Medyo nainis ako kaya hindi ko pinansin ang pag-tawa nila. Napa-taas naman ang leeg niya nang mapakinggan na malapit na sa Anonas Station. Katulad ng mga nakaraang araw, hindi niya iaalis ang pagkaka-tingin sa labas at saka susundan ng tingin ang school na palagi niyang pinupuntirya. Hindi pa nakaka-ikot ang paningin niya sa loob ng tren nang harangan ni Baks ang mukha niya gamit ang kamay.
"Huy,huy,huy,huy,huy! Baba'y'sot! Sino naman ang tinitingnan mo ha? Wala na, Girl. Hindi na siya babalik. Okay? Mas malakas ang panalangin ng INC sa Katoliko. Accept it. Okay?"
Para namang naiiyak si Marianne sa simangot niya. Si Baks naman ay patuloy ang oag-sasabi na hindi na siya babalik at ng move-on na, Girl!
"Ang hirap, Baks. Everytime na dadaan ako dito, hindi ko maiwasang isipin baka kasabay ko lang siya. Baka naandito rin lang siya." sabi ni Marianne.
"Hay naku, Marianne Cecilia Therese! Graduate ka ng UP, with honnors ka nung High School at Elementary. Anyare? Kung ano ang ikina-talino mo, iyon ang ikina-bobo mo sa pag-ibig." sabi ni Baks.
Para namang bata si Marianne na napagalitan sa itsura niya. Ang cute niya kapag naka-pout.
Medyo marami pa silang pinag-usapan ni Baks at heto ako mukhang chismoso na nakikinig sa usapan nila na patungkol naman ngayon sa love life at s ex life ni Baks. Kahit gumagamit sila ng gay linggo, medyo nage-gets ko ang mga pinag-sasasabi nila. Ang lakas kasi ng pag-uusap nila. They cannot blame me.
So far, her name is Marianne Cecilia Therese B. Andal. Hindi ko alam ang nickname niya kasi Baks ang tawagan nila ng gay best friend niya. Graduate siya ng UP ng kursong BS Social Work at masipag siyang mag-aral. Kita sa kaniya 'yun. Palagi siyang bumababa sa Gilmore Station at hindi ko alam kung saan siya ang address niya.
At least, I get to know her name. Pwede ko na siyang i-search sa FB.
Pagkababa nila ni Baks sa Gilmore Station, sinundan ko lang siya ng tingin. Lihim akong napa-ngiti sa sarili. Ewan ko kung bakit.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at kaagad binuksan ang mobile data. Kaagad kong sinearch sa Facebook ang pangalan niya.
Marianne Cecicila Therese B. Andal
Walang lumabas na search sa tao pero meron sa mga posts. Baka iba ang pangalan niya. I tried to look at the posts and damn, may mga posts about her, congratulating her on her graduation. Naka-public kasi ang account ng iba and... wait, si Baks ito. Ahh, his name is Angelus Christian Macanlale de Chavez.
May pictures siyang in-upload with Marianne noong graduation niya tapos kasama ang parents ni Marianne at may isa pang lalaki na kasama. I looked at the photos. Unang picture ay si Marianne at ang parents niya. Mga nasa mid-50s na ang parents ni Marianne. Ang Tatay niya ay naka-suot ng white longs sleeves at pormal na pormal. He looks like a very decent man. Halatang may kaya sa buhay. Ang Nanay naman ni Marianne ay naka blouse ng puti at slacks na itim. Naka-hairband at manipis ang buhok. Mas kahawig niya ang Nanay niya kesa sa Tatay. She looks like she came from a very decent and well-known family dahil sa pustura at itsura pa lang nila. Si Marianne naman, wearing her graduation uniform ay naka-ayos. Wala pa siyang full bangs and she looks very sophisticated sa picture na 'to. Simpleng make-up lang ang meron siya. Pero iba ang ganda niya. Gandang mapapalingon na. Malayong malayo kay Zombie.
Nag-scroll down ako to look the second one. Picture naman nilang dalawa ni Angelus. What should I call him? Dang! Naka-white longs sleeves din si Angelus at mukhang lalaking lalaki siya rito. Naka-rubber shoes at black pants pa. Ibang iba sa nakita ko kanina. The third picture is Marianne and the guy. This time may sunflower and red roses boquet na hawak si Marianne. Naka-pulupot ang kamay ng lalaki sa beywang niya at naka-ngiti silang dalawa sa picture. The guys is also wearing a white long sleeves na itinupi 'yung dulo ng sleeves para mag-mukhang three-fourths. Naka-maong pants siya at naka-tupi ang dulo para mag-itsurang bitin. He is wearing a grey adidas na rubber shoes. May sakbit siyang maliit na bag sa kanang balikat niya. Ilayo at ilapit ko man ang cellphone ko, kahawig talaga niya si James Reid.
The fourth is her solo picture. May suot siyang medal na ngayon ko lang napansin and she has her diploma with her. May award din siya nung college? Dang! I scrolled down and saw the fifth. Iyong medal niya na Best in Thesis. She must be really a hard-working student. Kung sabagay, hindi naman siya magiging zombie kung hindi.
After that wala ng photos. Ibinalik ko ang tingin sa post ni Angelus at binasa ang caption.
Baks! Congratulations, Ate Girl! Sa wakas graduate ka na after 10 years! Charot! 😂 Six years lang pala. You deserve it! 😘 God Bless sa Boatd Exam! Yieee!~ 😍❤
#RoadToRSW #DreamsMadePossible
PS. Sana nagustuhan mo 'yung gift ko. 😘 Love yah, Baks!
Tiningnan ko ang mga naka-tag sa photos. Norie Andal George Andal Tristan Ejercito
Pero wala si Marianne. Mukhang hindi ito auto-tag lang at mukhang wala yata siyang Facebook. Pinindot ko ang back button at bumalik sa post ni Angelus. Napansin ko na 431 reactions at 156 comments. At dahil bored ako, sige na, binasa ko na pati comments.
Babes De Chavez Congratulations, Beshie! 😘🎉 See you pag-uwi!
Jerome Atienza Congrats, Pre! Tristan, siya na ba? 😊 Earl Philip Serg Tristan Ejercito hahaha! Earl Santos tumawa lang oh! Serg Ejercito Grace! Grace Ejercito Congrats, sa aming bunso! Congrats lalo na kay Yannie!
Meth Sanchez Congratulations, Yannie! 😘 Punta ka rito may gift ka sa akin.
Hernandez Jennifer Congratulations, Yannie! ❤ I knew you could make it!
Jam dela Rosa Congratulations, Baby Girl! 😘 Congratulations din kila Mommy and Daddy!
Kapatid niya 'yung Jam? Tiningnan ko ang account nung Jam dela Rosa. Mukha namang single pa at walang pamilya. Nurse siya sa isang private hospital sa Laguna. Taga-Laguna sila Yannie? Dahil mukhang wala naman akong makukuhang information kay Jam, bumalik ako sa comment section.
Medical Doctors Association Congratulations to Dr. George Andal and Dra. Norie Andal!
Doctor ang parents niya?! Kaya pala siguro ganun ang pustura at tindig nila. Halatang galing sa mayaman na pamilya. Binasa ko pa ang ibang comments at puro congratulations lang ang sinasabi at pumunta raw si Yannie sa kanila kasi may regalo or umuwi na. Taga-saan ba siya? Laguna nga?
—————
Pag dating ng classroom, kaagad akong umupo sa may padulo at medyo malapit sa bintana. Kakaunti pa lang kami na naandito aa classroom at halos lahat sila ay nagdadaldalan lang. Itinuloy ko ang pag-tingin sa account ni Angelus.
Angel ang nickname niya dahil iyon ang nakalagay sa Alternate Name. Graduate siya ng BSBA Major in Marketing Management at graduate siya ng PUP-Manila. Meron na siyang 2,346 followers at mukhang nag-reach na siya ng friend's limit na 5,000. Imus, Cavite ang address na nakalagay niya pero sa Alabang siya nag-wowork. Taga-Imus siya? Mukha ring naka-friends of friends ang facebook request sa kaniya dahil message at follow button lang ang naandoon.
Nag-scroll down ako at may bago siyang post, 5 minutes ago. Kasama niya si Yannie at nasa isang foodpark sila. Teka! Alam ko 'to!
Ang Babae Sa Katipunan 2
Isang araw lang ang naka-lipas at heto nanaman. Nakita ko nanaman ang babae sa Katipunan Station. Parang zombie pa rin siya. Napansin ko rin na lumaki ang eyebags niya. Medyo maulan at parang may sarili siyang dark clouds sa ibabaw ng ulo.
Naka-grey plain shirt siya na medyo mahaba sa kaniya kaya itinuck-in niya ang unahan sa pantalon na maong. Ayun pa rin ang suot niyang pantalon at sapatos. Naka-lugay naman ang long bleached hair niya na hanggang beywang at napansin ko na medyo may kakapalan. Suot pa rin niya ang brown Herschel bag niya na akala mo ay magtra-travel. Mukha namang hindi marami ang dala niya. Marahil ay ilang notebooks lang. O kaya cattleya filler at isang ballpen. Ang laki kasi nung bag niya at parang walang laman. Naka-umbok pa rin ang coin purse niyang itim sa kanang bulsa at sa kaliwa ay ang Samsung phone niya na medyo old model. Hindi ko alam kung ano'ng unit e. Nasa platform 4 siya at ako naman ay nasa 6. Pasimple akong lumipat ng platform 4 at tumabi sa kaniya. Muntik pa akong maunahan nung lalaki na naka-green polo shirt at may dalang paper bag ng H&M.
Medyo inilalapit ko ang tainga ko sa kaniya, nag-babakasakaling mapakinggan ko kung ano ang pinapakinggan niya. Pero hindi, wala akong ibang mapakinggan kung hindi ang pag-pito ng guard at ang tunog ng tren na paparating. Pinatay ko na nga ang music sa phone ko, mapakinggan lang ang sa kaniya.
Wala nanamang maupuan. Hindi naman punuan pero lahat ng upuan ay bakante na. Muli siyang yumapos sa pole at ako naman ay humawak sa pole sa may ulunan niya. Pero ngayon, naka-talikod ako sa kaniya. Naka-harap kasi siya sa kaliwang bahagi.
Inilabas niya ang cellphone at napansin ko na nag-punta siya sa Go SMS Pro app na naka-lagay lang sa shortcut ng phone niya. Pa-simple kong tinitingnan kung ano ang ginagawa niya. Mukha namang hindi niya pansin. Dahil hirap ako kapag naka-talikod at medyo hindi ko makita dahil nasasanggahan ng buhok niya; humarap ako kung saan siya naka-harap. Nabasa ko ang pangalang Baks tapos may blue heart.
Baks 💙 Baks!!! Pauwi na ako galing school. Asan ka na? Puntahan mo ba ako bukas? Friday na oh! May usapan tayo. 😊
Boyfriend niya ba 'yun? Endearment nila? Hindi ko alam pero parang bigla akong nainis. Wala na sana akong balak pang basahin ang sunod niyang text message pero parang may sariling utak ang mata ko at tumitingin pa rin sa cellphone niya.
Naalis lang ang tingin ko nang tumunghay siya pag-dating sa Anonas Station. Naka-tingin sila sa malayo sa kanang parte niya at tila may tinatanaw. Pag-andar ng tren, napansin ko na napako na ang tingin niya sa labas at muli, nang madaanan naman ang eskwelahan na kaniyang tinititigan ay sinundan niya ito ng tingin nang malampasan namin. Tumingin ulit siya sa paligid na parang may hinahanap. Ibinaling niya muli ang mata sa cellphone at nag-text kay Baks.
Baks 💙 Baks! Nami-miss ko na si Bakla! 😭 Napadaan nanaman ako sa school niya. Tiningnan ko nanaman siya sa mga sumakay galing Anonas pero wala. 😭😭 Baks! Help! Call a friend! Ang shakeeet! 😭😭😭
Kung ano ang ikina-seryoso ng itsura niya ay ganun naman ang ikina-kwela ng text message niya. Malinaw na hindi niya boyfriend si Baks dahil sa mensahe niya rito. Baka best friend niya? At sino naman si Bakla? Nagka-gusto siya sa Bakla? O baka nalaman niya bigla na bakla?
This is getting more interesting than I thought.