Dun tayo sa kung saan tayo mag-eenjoy
as an artist, isa sa pinakang importanteng malaman natin ay ang ating sarili. dapat kilalanin natin ang ating sarili kung anong istilo tayo mas mag-eenjoy. importanteng gumagawa tayo ng obra para mag-enjoy. kasi ang art ay madalas hobby na pangtanggal stress..
at isa sa dahilan kung bakit may mga taong napro-frustrate sa pagiging artist ay dahil mas nagpo-focus sila dun sa gusto nila kaysa sa mas nag-eenjoy sila. hindi naman masama yun. dahil karamihan sa skilled artist, sa ganyan nagsisimula. pero kung ilang buwan na, practice ka nang practice, wala pa ring development, dalawa lang yan. una, baka hindi para sayo ang istilong yan. at pangalawa, eh baka mali ang paraan ng pagpa-practice mo.
minsan, may nakapagsabi sa akin na maswerte ako dahil andun na ako sa puntong nahanap ko na ang istilong para sa akin at nagagawa ko pang mag-experiment at mag-aral pa ng ibang istilo.
siguro, masasabi kong biyaya na lang yung maituturing. salamat na lang sa dugong dumadaloy sa katawang lupa ko.
mapalad ako, dahil bukod sa nakuha ko na ang art style na bagay sa akin, eh meron akong sariling art character sa obra ko. at nakatyambang may naadopt akong istilo mula sa panaginip ko na masasabi kong pang-commercial art style ko dahil siya yung art na madaling i-appreciate ng iba at mas mabilis kong nabebenta.
masarap ang maging artist. sadyang lahat tayo dadaan muna sa matinding pagsubok. kaya wag susuko. parang pag-aaral lang yan. magsisimula sa kinder, elementary, high school, college, and etc.