Naalala ko yung huling beses na nagkita tayo, nakita na kita pero may kausap ko tapos nung nakita mo ako sinigaw mo yung pangalan ko, "Tashhh!" sobrang daming tumatawag sakin niyan pero kapag ikaw na sobrang sarap pakinggan. Niyakap mo ko tapos kinamusta, di ko maalala yung sagot ko at yun lang yung naalala kong sinabi mo ewan ko kung bakit pero di ko kasi inakala na yun na yung huling beses na magkikita tayo, di manlang nga kita matignan sa mata kasi nung mga panahon na yun yung nararamdaman ko sayo di ko pa rin sigurado. Pagkatapos nun may kumausap na sayo pumunta ako sa mga kaibigan ko kasi ang awkward naman na nakatunganga ako habang may kausap kang iba, pagkatapos nun di na tayo ulit nag-usap. Andun ka nakaupo andun ako nakatayo sobrang liit lang nung distansya natin pero pakiramdam ko ang layo mo. Nung umalis ka nakita ko sa gilid ng mata ko na lumingon ka sa direksyon ko, hindi sakin dahil di ako sigurado pero yung alam ko lumingon ka sa direksyon ko, parang nag-aalangan ka, pero pinili mong umalis kasi aalis naman na talaga kayo ng mga kasama mo at yun yun na yung huling beses na nakita kita. Nalungkot ako pero pinigil kong sumimangot dahil kasama ko mga kaibigan ko, halos buong gabi nun di ka mawala sa isip ko, sabi ko sayang yung moment HAHA pero ok lang atleast nayakap naman kita :) iniisip ko di ako nakapag goodbye sayo. Umaasa tuloy ako na baka dahil magkikita pa tayo ulit someday.














