Sa araw na ito, nawa ay lubos ang iyong ligaya Ligayang higit pa sa Jollibee, kung saan bida ang saya Kumbaga kasi sa beauty pageant, kabog mo lahat sila Dahil sabi nga ni pareng Quest, ikaw ngayon ang bida Kahit pa maubos ang tinig, hindi ko pagsisisihan ito Dahil gaya nga ng crush kong si Yeng, marami akong dapat ipagpa-salamat sa iyo. Tunay na kaibigan, lagi kang naririyan Paalala pa sa akin ni coach Sarah, nararapat lang na ika'y aking pasalamatan Yung mga bumabalewala sa atin, hayaan na natin sila Sabi nga diba sa Leron Leron Sinta, humanap daw ng iba At kung maghahanap man, yung karapat-dapat na Yung gaya ng sabi ni Sandara, walang sabit at hindi puro lang porma Anumang pagsubok ang sa iyo ay humamon Huwag kalimutang tumingala, sa Kanya ka humanap ng tulong Dahil sabi nga ni Aiza, pagdating daw ng panahon Ang takbo ng mundo, ay sa iyo rin aayon Laging mong pakatatandaan, ako si Sam Milby at hindi kita iiwan Talikuran ka man ng mundo mawala man ang ibang kaibigan mo Zia Quizon ang peg ko, nandito lang naman ako Maligayang kaarawan, tsong! :)
















