Normal siguro na maisip ko sya. Normal lang na mamiss ko sya. Normal na hanap-hanapin ko. Pero ang hindi normal ay ang umasa pa ko. Maghintay at isipin na baka, baka balang araw kami parin naman. Sobrang daming bagay ang nangyari sa loob ng 4 na bwan. Umiyak ako. Nasaktan. Napuno ng galit yung puso ko. Dumating ako sa punto na gusto ko ng sumuko, isuko nalang lahat ng nararamdaman ko dahil sobrang bigat na. Sobrang sakit na. Paulit ulit na bagay na nagpadugo ng puso ko, pero nagpasaya din naman kahit papano. Sadista? Ewan ko. Basta ang alam ko tuwing dadating ang panahon na mararamdaman kong magkakaron na ulit kami ng pag-asa, walang pag lagyan ang sayang nadarama ko. Ibaklase. Kaso tuwing dadating ako sa punto na yun palaging may kapalit. Kaya minsan ayoko ng maging masaya, kasi pagkatapos nun dobleng lungkot ang kapalit. Palagi kitang naiisip. Hindi parin talaga ko nakakamove on. Siguro nga nasasanay lang ako sa sakit, sa kawalan ng presensya mo. Pero yung pagmamahal. Nandito na yun. Hindi mawawala. Hindi na mabubura. Sana nga masaya ka ngayon, wag kang mag-alala pipilitin ko na hindi na tignan ang kahit na anong account mo. Pipilitin kong ilayo na yung sarili ko kasi tinalikuran mo na din naman ako eh. Hinding hindi na kita guguluhin. Ang gusto ko lang.. Maging masaya ka. Yun lang.