WARNING! LONG POST... So, ito na nga... When nega turns out POSITIVE! Oo tama! POSITIVE pero hindi COVID. April 10, 2019 - Someone informed me na may audition ang "FPJ: ANG PROBINSYANO". I signed up for a slot (kahit alam ko sa sarili ko ayoko kasi for sure madami ppunta at magagaling) April 11, 2019 - Nagdadalawang isip talaga ako pumunta kasi nga ang NEGA ko (pero sa totoo lang kinakabahan talaga ako kasi alam ko madami mas magaling sakin) at ang laki ko gumalaw dahil nga galing teatro ako. Pero sige dahil may kasama naman ako na si @shannel.fama pumunta nadin ako. Pag dating ko sa venue true enough ang daming tao so lalo akong kinabahan, gusto ko ng mag backout nalang dahil nga ang NEGA ko. Buti na lang madami ako kakilala na pumunta kaya medyo na boost yung confidence ko ng very very light. Ito na, nakakita na ako ng magagaling habang nag aaudition kaya nawala na naman ang self confidence ko hanggang dumating sa part na ako na ang sasalang. This time my script na pinamemorize (syempre dito tayo hindi mag papatalo sa pag memorize ng script). Take 1. Nagawa ko kahit ramdam ko nangingig buong pag katao ko. Take 2. Natuwa siguro si @iczedso kaya may iba iba siyang characters na pinagawa sakin. (sa totoo wala na talaga ako sa hulog nun sa sobrang kaba ko pero push padin wag papahalata na kinakabahan) Cut! Next! Ok tapos na... Syempre hindi ko alam kung anong impression nila sakin. Nakarinig lang ako ng mga palakpak at hindi ko alam kung natuwa sila or natawa lang sa ginawa ko. Nakauwi ako ng bahay at "May nag text"! Shoot! Plangak! 3points! Pasok sa banga pero wala pang role... "for taping tomorrow..." Nagdadalawang isip padin ako pumunta dun kasi nga may lakad ako at ang NEGA ko pero dahil sayang pinuntahan ko na lang... APRIL 12, 2019 - 1st taping day! Ito yung mas sobrang kaba ako kasi first time kong mag taping sa dos at hindi pa sure kung ano magiging role ko... Puputulin ko muna dito masyado ng mahaba. Pero gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagtiwala at nagtitiwala. Sa mga pagkakaibigang nabuo at nawala. Isang taon na tayo mga #kapamilya #fpjsangprobinsyano #fpjtaping #Princess #alipores #anniversary #cocoyass #characteractor https://www.instagram.com/p/B_Urk19BQpE/?igshid=4kv56nkyv8f8













