Siguro may mga bagay talaga tayong pilit na ginugusto kahit hindi naman na talaga ito para sa atin. Minsan sa kapipilit natin nito, nasasaktan lang tayo.
seen from United States

seen from Uzbekistan
seen from China

seen from Chile
seen from China

seen from United States
seen from South Korea

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Russia
seen from China
seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States

seen from China
seen from China
seen from United States
seen from China

seen from Türkiye
seen from United States
Siguro may mga bagay talaga tayong pilit na ginugusto kahit hindi naman na talaga ito para sa atin. Minsan sa kapipilit natin nito, nasasaktan lang tayo.
Happy New Year Everyone!!! 🎉🎉🎉 I love you all with the love of the Lord!!! 🙏🏻☝🏻️👍🏻 #Hello2K17 #GoodbyeFeelings 💞 (at Pasuquin, Ilocos Norte)
My favorite paputok kahit bawal na. Natira last year Piccolo. Sana makahanap ulit ako nito. Tara paputok mamaya. 💣😊 #goodbyefeelings #goodbye2016 #hello2017 #happynewyear2017
My favorite paputok. Natira last year Piccolo. Sana makahanap ulit ako nito. Tara paputok mamaya. 💣😊 #goodbyefeelings #goodbye2016 #hello2017 #happynewyear2017
Nangiwan, Nagbalik, Naiwan, Nasaktan
Isusulat ko to sa lengwahe ng iyong pintig. Ikakanta ko to sa lengwaheng iyong maririnig. Ibubulong ko to sa lengwaheng ikaw lang ang makakaintdi. Ipaparamdam ko to sa lengwahe ng isang sawi
Muli kitang nakita, matapos ang ilang taong paglisan Umaalab, lumalaban, may nangangati saking isipan Narinig iyong tinig, dibdib muli’y nagulumihan Hindi tama ngunit ako’y iyong hinayaan
Nagkamali, Nagmadali, Isang sandali, Di mapakali
Isusulat ko to sa lengwahe ng iyong pintig. Ikakanta ko to sa lengwaheng iyong maririnig. Ibubulong ko to sa lengwaheng ikaw lang ang makakaintdi. Ipaparamdam ko to sa lengwahe ng isang sawi
Huwag kang magpakita, Ako’y saktan na Huwag ka lang Makita
Kahit minsan, di naisip ganito’y darating Na sa isang tingin lang mata’y handang lumuha. Na kahit Isang alaala mo lang bubuhos ang ulan. Paano ka nga ba ulit makakalimutan?
“Hayaan mo akong tawagin kang aking iniibig Alam kong ikatutuwang malaman na ikaw ay akin Hawakan mo kong mahigpit, Sa iyong tabi At hayaan mo kong tawagin kitang aking pag-ibig
Nahanap aking lugar sa mundong iyo Sa iyong mukha nakatitig hanggang dulo Ngayo’y nakakahinga, malamang ako’y iyong bihag Nagiinit at nabubuhay malamang ako’y iyo lamang At sa iyong pagmamahal, wag akong pahingahin
Hayaan mo akong hindi ka lisan Lulunurin ang sarili wag ka lang makalimutan Hawakan mo akong mahigpit sa iyong tabi At hayaan mo kong tawaging kang aking iniibig” - (Smother me – The Used, isa sa mga kanta nating dalawa)
Bakit ko nga ba sinimulan to, Sino ka nga ba sa buhay ko? Sino nga ba ako sa buhay mo? Meron pa bang ako sayo?
Kahit meron ano nga bang pakielam ko Sinaktan kita, sinaktan mo ko Talo talo na ata tayo Tapos na nga ba talaga to?
MULI Isusulat ko to sa lengwahe ng iyong pintig. Ikakanta ko to sa lengwaheng iyong maririnig. Ibubulong ko to sa lengwaheng ikaw lang ang makakaintdi. Ipaparamdam ko to sa lengwahe ng isang sawi
Isusulat ko lahat ng ating mali Ikakanta ko lahat ng tonong di natin makamit Ibubulong ko kung gaano kita kamahal Ipaparamdam ko kung gaanong di mo na ako mahal
Isusulat ko lahat ng totoo Kung panong ika’y aking niloko Kung panong akoy’iyong niloko Isusulat ko kung paano tumigil mabaliw sa tinawag nating tayo
Ikakanta ko lahat ng kanta mo Ipaparinig ko sa sarili ko Na hindi na talaga babalik Kahit alin sating mga halik
Ibubulong ko ang lahat sa hangin Lahat ng aking gustong sabihin Lahat ng dapat kong sinabi Lahat ng dapat mong sinabi
Ipaparamdam ko, Ano nga bang dapat maramdaman ko? Ipaparamdam ko, Nakakaramdam pa ba ako? Ipaparamdam ko, Na kahit kalian, sarili mo lang ang inisip mo Ipaparamdam ko, Para maramdaman mo na nasaktan mo din ako.
Isusulat ko, Ikakanta ko, ibubulong ko, ipaparamdam ko Dahil di ko na kayang muli kang harapin At sabihing kung gaano ka kasama, kung gaano ako kasama Sabihing kung gaano ka naging masaya, kung gaano ako naging masaya Sabihing maging masaya ka sa kanya Sabihing kung gaano ka niya kamahal Sabihing wag mo siyang saktan
Dahil kahit kalian hindi tamang may masaktan At kahit kalian hindi tamang maging akin ka
Maligayang bagong taon Sana maging masaya ka Eto na ata ung una at huling sulat na isusulat ko para sayo, kapalit ng mga sulat mong naitabi ko Sana makalimutan na kita.
Salamat.
What happened in February, stays in February. :(
goodbye Feb, Hello March