—story time (04202021) ✨
so ganto kasi mga bessycakes ko, lumandi ang ate shygirl nyo kahapon like kinuntsaba ko pa yung ka-officemate ko para bumaba. so eto na nga, pumunta kami sa baba tapos nakapwesto ako banda sa may ATM machine, tapos saktong paglabas ni crushyboi ay teh, super lingon sya non e, kasi nakita nya yung friend ko (w/c is yung kaofficemate ko nga), yung para bang hinahanap nya kung asan yung kasama ganon, alam kasi ni crushyboi na matic magkasama kami nong friend ko na yun palagi... e nasulyapan nya ko nang berilayt..
edi eto na nga, nauuna sya samin tapos kasi bumaba kami nung friend ko kasi nga para di na kami maghagdan pa dun sa dulo, e may gitnang hagdan din naman sa dadaanan namin kaso ayokong dumaan don kasi nga mejo scary hehe, eh napansin kasi ni crushyboi na bumaba kami...
aba dun bumaba ang loko!
...and ayun, halatang lumingon pa muna samin e, bago tuluyan naglakad, shet kilig kilig ate shygirl nyo kahapon hehe. halatado ka na masyado crushyboi, umamin ka na kasi, jk lang, ayoko po mag-assume, pero is it a sign? ayun lang, skl.
xoxo,
ate shygirl. 🐼














