ANO NGA BA TAYO?
Nandito tayo sa pagitan ng meron ba o wala
di ko alam kung bakit dumating tayo sa puntong ito
na natatakot nangangamba sa kung anong meron na tayo
meron nga bang tayo?
hahaha oo nga wala palang tayo
pero bakit ganito
ang hirap ng walang kasiguraduhan
saksi ang lahat pati ang kalawakan
sa taas o sa kalangitan
o handang sisidin ang pinakamalalim na karagatan
mahal ano nga ba tayo?
ang hirap kase ng ganito
sabi mo mahal mo ko hihintayin mo ko
pero bakit walang tayo?
nakakaloko nakakasira ng ulo
yung tipong gusto kong ipagdamot ang tulad mo
kaso hindi ko magawa
tanong sa aking sarili bakita nga ba?
dahil nga sa walang tayo mahal ko
mahal ko akoy pakinggan mo
gusto kong magkaroon ng tayo
dahil sa sinabi mong mahal mo rin ako
ang hirap ng label na sinasabi nila
ang pag ibig ba ay isang damit na kailangan ng label yan ang tanong ko sa kanila?
pero naisip ko tama sila
tamang kailangan kita dahil sa mahal kita
gusto ko ng tapusin ito
tapusin ang mga tanong sa puso ko
na ano nga ba tayo?
sagutin mo sana ng lubusan
na parang pagisip mo sa maganda mong kinabukasan
ayoko na kase ng larong tanga tangahan
ang hirap ng hindi kita pagmamay ari
ang hirap kase hindi ko alam kung akoy sayo at ikay saken ba o hindi
mahal ano nga ba tayo?
gusto ko sa iyo maggaling na merong tayo
tayo na gustong makamtan ko
hiling na sana makuha ko ang iyong sagot na oo
mahal ano nga ba tayo?
ako ba ang problema?
dahil hindi ko tinatanong kung maari bang magkaroon ng tayo sa pagitan nateng dalawa?
oo kasalanan ko yata
bakit nga ba hindi kita matanong ng ganyan
dahil ba akoy natatakot at sa aking kaduwagan
o dahil sa mga nakalipas o sa mga nagdaan
mahal patawad akoy nasaktan dahil nasaktan ako sa nakaraan
hirap simulan ng mga salitang gusto kong bitawan
na masabi sa iyo sa iyong harapan
ang pag asa sa akin ilaan
salitang oo na gusto kong marinig
marinig mula sa iyong bibig
at makamtan ang gusto kong pag ibig
mahal ano nga ba tayo?










