Dejé de creer en el dolor, y el desamor se transformó en un mito inventado por tus antepasados hace mil años. Viví cada día con la carta de mi ejecución en las manos, sin saber leerla… siempre estuvo ahí.
Fui el lector de Crónica de una muerte anunciada, y el escepticismo me arrastró al fango.
Dumbdumb @realDonaldTrump learned today what every 2nd grader in the world knows: Islands are bodies of land surrounded by water. Puerto Rico is an island. Therefore, Puerto Rico is surrounded by water, which means NO, donnie two scoops, you can't just drive a truck there. #estúpido #iletrado #bruto #illegitimatepresident
MALAKAS NA TAWANAN ang pumigil sa pagpasok ni Matias sa tolda ng kanyang mga kasamahan, tila nagkakasarapan ang kwentuhan, sa ilalim ng mataas na sikat ng araw.
“Sus, wala namang binatbat sa ‘tin yan. Dinadaan lang no’n lahat sa laki ng katawan!”
Hindi makaapila si Diego sa lahat ng puna ng kasamahan niya sa loob ng tolda. Nagkakasundo ang lahat.
“Maswerte nga siya at pinanganak siyang kastila. Akalain mo, walang pinag-aralan ngunit nakuhang makapasok dito sa kampo bilang artilyero.”
Tawanan.
“Oo. Naalala ko pa, pinasulat ko sa isang papel ang pangalan niya, kailangan lang ba sa kung saan. Aba, bigla ba naman akong binulyawan! Sabi ko, “Ano bang problema mo!” Ang dahilan pala, eh hindi kasi marunong magsulat!”
Nagtawanan ulit ang lahat nang parang wala nang bukas!
Nagimbal ang mundo ni Matias. Unti-unti niyang sinara ang kanyang kamao kasabay ng pagkalukot ng dokumentong hawak niya. Namumula sa galit, nararamdaman niyang umaakyat ang dugo sa mukha niya, at ilang segundo’y nakita ang sarili na hinawi ang harang na puting tela na nakapalibot sa tolda.
“Sinong nagbigay sa inyo ng karapatan na magsalita ng ganyan laban sa akin?” tumatalsik ang laway habang sinasambit ito ni Matias, pawis na pawis at nanggigil. Sumabog na ang kanyang kalooban.
Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ng isa sa mga kasamahan din nila na artilyero, iniangat sa ere. Nagulantang ang lahat at namumutlang napatayo sa kanina’y masarap na upo nila sa paligid ng mesa.
“Ayaw mong sumagot?”
Tumilapon ang lalaki sa lupa sa lakas ng suntok na ibinigay ni Matias. Tuluyan nang nagwala si Matias. Walang makaawat sa kanya, lalo na nang nakita nito si Diego. Umaalingawngaw pa rin ang halakhakan ng tropa sa isipan ni Matias. Ang dahilan pala, eh hindi kasi marunong magsulat! Ihinagis niya ang lamesa, kasama ang mga inuming nasa ibabaw nito. Tumilapon ang mga upuan. Ang iba’y sinubukang pigilan si Matias, lumaban ngunit hindi kinaya ang mala-osong sumapi dito, habang si Diego ay nakatanga sa mga nakikita niya. Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng tolda, hanggang sa may boses na dumating.
“Anong nangyayari dito!” mas sigaw kaysa tanong na tumawag sa atensiyon ng lahat. Napatigil ang lahat. Nakarating na sa commander ang kaguluhang nagaganap.
Huminto si Matias sa narinig, ang kamao’y nakalutang pa sa ere. Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataong tignan ang paligid niya. Sabog ang mga gamit sa loob ng tolda, ang puting telang nakapalibot ay ngayo’y puno na ng putik at bakas-daliri ng dugo. Ang sarili’y basang-basa sa pawis at mukha ay inulan din ng galos.
Hindi na kailangang magpaliwanag ni Matias. Nang binuksan niya ang mata at nakita ang kalagayan ng kanyang kasamahan,alam na niya ang mangyayari. Handa na siyang mawala sa serbisyo.
Nang araw ding ‘yon, natanggal siya sa pagiging artilyero. Ngunit ang pinakamasaklap ay ang matagal nilang pagkakaibigan ni Diego na ngayo’y nawala na nang tuluyan.
“AMININ MO NA KASI ANG TOTOO!”, nanggagalaiting tanong nito.
“Ano bang gusto mong marinig sa akin? Sinabi ko na ngang wala akong gusto sa kanya. ‘Yun ang totoo. Ang tagal na nating magkaibigan, Diego. Hindi ko magagawa ang binibintang mo sa akin.”, agad na paliwanag ni Matias.
Patlang.
Malungkot ang mukha ni Diego, parang madilim na langit na malapit nang magbuhos ng ulan.
“Matias… Ayaw niya sa akin. May iba raw siyang gusto.” Tuluyan nang bumuhos ang ulan mula sa mata ni Diego. “Ikaw ang gusto niya, Matias. Ikaw, hindi ako!”, may halong panunumbat na sigaw nito.
Masakit pa rin ang mga galos na natamo ni Matias dulot ng engkwentro sa tolga, iniinda ang mga binti na siyang napuruhan. Nagpapahinga siya mag-isa sa kanyang mumunting bahay na kalapit lamang ng ilog. Nakatingin sa kisame ang lalaki, palaisipan pa rin ang mga nangyari kaninang umaga. Pinagkaisahan siya, kasama pa ang matalik niyang kaibigan. Inaalala niya ang huling pag-uusap nila ni Diego.
Dahil ba ro’n? Dahil lang doon?
Masakit sa loob niya ang mga naganap at wala siyang makita kung hindi ang maliit na katayuan niya sa buhay. Tumulo ang luha sa mata ni Matias, ipinikit upang pigilan ang nagbabadya pang mga agos, hanggang sa tuluyan nang nakatulog.
ILANG ARAW NA ANG MGA LUMIPAS. Tahimik na nakahiga sa loob ng bahay si Matias. Sumilip siya sa bintana, hindi pa gaano kaliwanag pero papasikat na rin ang araw. Mga ganitong oras ay kadalasan ay nasa kampo na ito upang mag-ensayo. Babangon na sana ito nang biglang maalala niyang hindi na siya kailangan sa kampo. Bumalik siya sa pagkakatulog.
Naglakad-lakad si Matias sa tabi ng ilog, dala ang tungkod gabay sa masakit nitong mga binti. Ang lakas ng agos ng tubig, rinig na rinig ang tunog ng pagtama ng tubig sa mga bato. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at dinama ang hampas ng hangin sa kanyang mu’ka. Napakasarap. Sa tagal ng panahon ng paninirahan sa lugar ay ngayon niya lang ito nalasap. Ang malamig na simoy ng hangin, huni ng mga ibon , kaluskos ng mga dahon…
Nang bigla may narinig siyang pigil na hagikgik sa tabi niya. Nagmamadaling dumilat si Matias at inayos ang postura, namumula sa kahihiyan sa isip na may nakakita sa kanya. Napatigil ang dalaga sa pagtawa.
“Hala… pasensya na. Hindi ko.. hindi ko sinasadyang istorbohin ka.”, napagtanto niyang hindi tamang tinawanan niya ang lalaki.
“Hin-Hindi… okay lang…”, kinakabahan si Matias, nakangiti ang mga mata niya sa kanyang nakikita. Nakabalabal ang babae, pero kitang kita pa rin ang kagandahan ng kanyang muka. Kayumanggi ang kulay nito, sumisingkit ang mga mata ‘pag nakangiti.
Naghahanap ang dalawa ng maaaring sambitin, ngunit walang lumalabas na salita sa kanilang mga bibig. Ilang sandali ay nagsalita muli ang babae.
“Napakasarap ng hangin, ‘no?”, nakangiting tanong niya.
“O-o.” tipid na sagot ni Matias. Nakatitig lang ito sa dalaga.
“…Parang ngayon lang kita nakita ah. Madalas akong nagpapalipas ng araw dito sa tabi. Nakakasawa rin ang ingay sa may nayon, dito ay payapa.” Di namalayan na sabay nang naglalakad ang dalawa, kasabay ng rumaragasang tubig sa ilog.
“Talaga?” Hindi sigurado si Matias, pero parang pamilyar ang mukha ng kausap. “Malapit lang ang bahay ko. Subalit di ako malimit pumunta dito, pasikat pa lang kasi ang araw ay umaalis na ‘ko ng bahay. P-pero dati yun…”, nagbigay ng matabang na ngiti ang binata.
“O… Ako nga pala si Diana.”, sabay abot ng kamay.
Hindi alam ni Matias kung paano aabutin ang kamay ng dalaga.
“Anong problema?” sabi niya. Pagkatapos ay tumawa ito ng malakas nang mapagtanto niya ang dahilan.
“Naku, pasensya na talaga.” Tawa. “Hindi ko sinasadya.” Tawa. Lalong nabighani si Matias sa nakikita.
Inabot uli ng dalaga ang kamay, pero ngayon ay yung kabila na ang kanyang ginamit. Inabot naman ito ni Matias gamit ang libre niyang kamay. Nakangiti silang pareho.
“Ako naman si Matias.” Ramdam nila ang init ng kamay ng bawat isa.
“Napano ba ang paa mo? Tara maupo muna tayo doon sa may lilim”
“Uh…”, nahihiya niyang sagot. Pumayag din si Matias na pumunta ng puno dahil pagod na rin ang kanyang mga binti. Malayo-layo na rin ang nalakad nila.
Lumipad ang segundo, minuto, ang oras na magkasama ang dalawa, nagtatawanan, nagkakaunawaan. Kin’wento ni Matias ang nangyari sa kanya, sa kung paano siya naging artilyero at ngayo’y hindi na. Tila napakadali ng lahat ng bagay, wala siyang naramdamang pag-aalinlangan.
“Lahat naman ng bagay ay may dahilan.”, hinawakan nito ang kamay ng binata. “Kaya mo yan.” Ngiting sabi nito na puno ng pag-asa.
Nakangiting naghiwalay ang dalawa at umuwi sa kani-kanilang bahay, damang-dama ang sarap ng simoy ng hangin.
MASAYANG INAANTAY ni Matias si Diana sa kanilang tagpuan sa tabi ng ilog. Dumating na ang pinakahihintay niyang umaga at gusto niyang ipagdiwang ito kasama ang ispesyal na babae sa buhay niya.
Kaninang umaga ay ginising ng pagdating ng sulat si Matias. Pinatatawag daw ito ng punong heneral ng Espanya. Dali-dali ay gumayak ito at tumungo sa tanggapan nang puno ng kagalakan!
Abot tainga ang ngiting sinalubong ng binata sa pagkakatanaw kay Diana. Hinagisan agad nito ng mainit na yakap ang dalaga, naiiyak sa tuwa si Matias.
“O bakit ba parang tuwang tuwa ka d’yan? Ganoon mo ba ‘ko sobrang na-miss?”, biro ng dalaga.
“Oo naman!” tawang sagot ni Matias na lalo pang hinigpitan ang yakap dito.
“Diana… ” Magkaharap na ang dalawa, nagtititigan ang mga mata.
“May trabaho na ‘ko ulit!”, tuwang-tuwa na binalita nito. “Pinatawag ako kaninang umaga! Kolektor na ko ngayon ng buwis ng mg– !”
Hindi na natapos ni Matias ang pangungusap. Hinatak siya ni Diana para yakapin. “Masaya ako para sa’yo, Matias.” ,bulong nito. “Masayang-masaya.”
TALIWAS sa namamayagpag na pagmamahalan ni Matias at Diana, hindi naging madali ang trabaho ni Matias bilang kolektor ng buwis ng mga sasakyan. Usapang pera ang bawat paniningil at kinakailangan dito ng kaunting kaalaman sa pagbasa at pagsulat. Hindi man gustong ipakita ni Matias ay napansin ng mga Indiyo na kanyang sinisingil na hindi siya edukado.
“Magandang umaga. Maniningil ng buwis para sa sasakyan.”
“O eto o.”, sabay abot ng pera.
“Pakipirmahan na lang ho.”, iniabot niya ang listahan.
“Saan ba dito?” Hindi nagugustuhan ni Matias ang tono ng pananalita nito.
“Pakihanap na lang ho at pirmahan sa gilid.” sagot niya.
“Napakahabang listahan neto, dapat ikaw ang naghahanap! Di ka ba marunong magbasa?”
Nagpintig ang tenga ni Matias. “Pipirmahan mo ba yan o gusto mo pang masaktan?”
Sa paniningil ni Matias ay marami pa siyang nakatagpo na ganitong mga tao, sa isip niya’y palibhasa mga Indiyo. Unti-unting bumabalik ang mga mapapait na ala-ala sa kanya, kasabay ng paggamit niya ng dahas sa bawat nanunudyo na tao. Wala siyang magawa kundi ipagtanggol ang sarili niya, sa paraang alam niya.
WALA SIYANG MATAKBUHAN ngayon kundi si Diana. Si Diana, na sa kasamaang palad ay kabilang sa mga Indiyo. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito kung paano siya inaapi ng mga kababayan nito. Si Diana na lang ang natitira sa kanya, ang nagpapahalaga sa kanya. Ayaw niyang lumayo ang loob nito dahil lang sa kahinaan niya.
“Bakit ang tahimik mo ata. Meron bang problema?”, usisa ni Diana.
“Ah wal-” Pinigilan siya ni Diana. “Alam ko may problem ka, sabihin mo na sa akin.”
“Ayoko na sana sa’yo sabihin. Hindi ko na alam, Diana. Minamaliit ako ng mga taong sinisingil ko, ng mga Indiyo! Pasensya ka na, nababalitaan mo na rin siguro. Wala akong magawa kundi… kundi ipagtanggol ang sarili ko.”
“Matias… Hindi sagot ang kaharasan sa kahit ano man. Wag mo na lang silang pansinin, basta gawin mo kung ano man ang trabaho mo.”
Patlang.
“Matias, tanggap kita kung sino ka kahapon, kung sino ka man ngayon at maging sino ka man bukas. Tanggap ko ang buong pagkatao mo. Maniwala ka sa sarili mo. Tayo --- tayong dalawa lang ang mahalaga.”
SI DIANA. Ang nag-iisang anak ni Ginang at Ginoong Marquez. Lahing Pilipino. Ilang taon na silang nakatira dito sa bayan ng San Diego. Marangya ang pamumuhay ng pamilyang Marquez, angat sa karaniwang antas ng buhay ng mga Pilipino. Edukado ang pamilya at malapit sa mga makapangyarihang prayle.
Isang gabi pag-uwi ni Diana ay kinausap siya ng kanyang mga magulang. Nabalitaan na nila ang pakikipag-ugnayan ng anak sa dating artilyero at ngayo’y kolektor na ng buwis. ‘Di rin lingid sa kaalaman nila na walang pinag-aralan ang Espanyol na kinagigiliwan ng kanilang unica hija.
“Anak, naririnig mo ba ang sinasabi ng mga tao tungkol sa taong ‘yan? Walang pinag-aralan! Mangmang at ubod pa ng kalupitan!”, sigaw ng kanyang ina.
“Ina, nagbago na siya. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya. Oo, hindi siya edukado katulad natin. Pero tao pa rin po siya, marunong mag-mahal at mag-aruga. Pakiusap wag niyo po gawin sa akin to.” Nangingilid na ang luha sa gilid ng mata niya, nagmamaka-awa.
Ngunit sarado na ang tainga ng mga magulang niya. “Buo na ang pasya namin. Hindi ka na maaaring makipagkita pa sa kolektor na yan!”
ILANG ARAW na ang lumipas na hindi niya nakikita si Diana. Tuliro na kakaisip si Matias. Mayroon ba siyang nasabing hindi nagustuhan ni Diana? Baka dapat hindi niya sinabi na hinuhusgahan siya ng mga tao dahil siya’y mangmang. Baka ayaw na niya kay Matias, baka natauhan na rin siya…
Naglakad-lakad si Matias upang maalis ang mga bumabagabag sa kanya. Alam niyang hindi magagawa ni Diana na bigla na lang siya nitong iwanan. Tanggap ko ang buong pagkatao mo. Nabuhayan muli siya ng loob.
Patuloy na umaasa si Matias na siguro’y abala lang si Diana. Pero sa paglipas ng mga oras, araw ay unti-unti na itong nananamlay. Ngayon niya napag-isip-isip na hindi man lang niya natanong kung saan nakatira ang dalaga. Hindi niya alam kung sino ang mga magulang nito. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito sa buhay. Hindi pala niya kilala si Diana.
Si Diana na mahilig sa simoy ng hangin.
Si Diana na madalas bumungisngis.
Si Diana na humahanga sa pag-ikot ng dahon dulot ng hangin.
Si Diana na masarap hagkan ang bigkis.
Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng luha sa malungkot niyang muka. Hindi niya alam kung ito pa ba’y may hangganan.
ISANG ARAW pagkatapos ng paniningil ni Matias ng buwis ay tinignan nito ang mahabang listahan ng mga pangalan para siyasatin kung may hindi pa siya nakolektahan. Dahil sa hindi ito marunong bumasa ay di niya alam na pabaliktad niyang tinitignan ang listahan. Nagulat na lamang siya nang makarinig siya ng malakas na tawa mula sa isang batang lalaki na sinundan pa ng mas malalakas na tawanan mula sa mga kaibigan nito. Alam niyang siya ang pinagtatawanan kaya naman hinabol niya ang mga bata na lalo pang nilakasan ang panunukso ng ‘’ba-be-bi-bo-bu”. Hindi ito maabutan ni Matias dala na rin ng panggigil na mahuli ang mga bata, kaya binato niya ito ng hawak niyang tungkod. Natamaan niya ang bata na ikinatumba nito. Nilapitan niya ang bata at agad-agad niyang sinipa dala ng kanyang galit.
Napatanga si Matias ng may biglang kamay na humawak sa kanya ng aktong susuntukin niya pa ang bata.
“Wag kang makialam ditto!”, galit na sambit ni Matias..
Hindi siya pinakinggan ng lalaki, malaki rin ang pangangatawan nito. Pinakain nito si Matias ng suntok na di niya inaasahan. Babawi naman agad ang kolektor ngunit naunahan na siya ng lalaki na mas mabilis at magaling sa kanya, at ulit ay pinagsusuntok siya nito.
Tayo – tayong dalawa lang ang mahalaga. Pilit siyang bumabangon.
Ang dahilan pala, eh hindi kasi marunong magsulat! Gusto niyang bumawi.
ba-be-bi-bo-bu! Gusto niyang gumanti.
Di ka ba marunong magbasa? Ngunit wala na, tapos na ang laban.
Tumilapon si Matias at tumama ang ulo sa isang batong nakausli sa ilalim ng puno. Tumutulo ang dugo mula sa kanyang bunbunan, kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Napakasarap damhin ng hangin, ang kaluskos ng mga dahon, ang ingay ng naghahampasang mga tubig. Pero hindi na niya ito maramdaman.
Nang araw ding ‘yon, ako ay binawian ng buhay. At ang pinakamasaklap ay ang pag-iibigan naming nawala nang tuluyan.
(chizzy as fvck hahahaha, love you matias sorry pinatay ka sa book e - Kabanata 4 - Artilyero)
Gente que cree que por decirle tonto (véase u otro relativo a ) piensan que su hijo va a crecer inteligente, va a aprender a desarrollarse inteligentemente.
¿Cómo quieren eso si siempre los han llamado tontos? O estúpidos, burros, idiotas. Hoy en la calle una señora le dijo a otra sobre su hijo: ¿Cómo quiere que sepa leer? Si va al preescolar y se duerme, si no hace nada.
Disculpe señora pero así no fomenta nada en su hijo, aunque haya sido broma, y solo jugará, lo que hace es darle a su hijo el estimulo de que es tonto. Y posiblemente nunca se superé si usted sigue con ese optimismo.
There is a quote attributed to the futurist Alvin Toffler that captures this new reality: In the future “illiteracy will not be defined by those who cannot read and write, but by those who cannot learn and relearn.”
Thomas L. Friedman en el New York Times, visto en econectados.com 12.09.09