“Yung eksenang may isang taong magpapakilig sayo... isa lang, wag kang abusado! Ang lagay ba naman sayo lahat te? #ShutangInaBeks” - @ShutangInaBeks
Hahaha! ‘Yan tayo eh. Syempre crush na nga lang meron ka eh di abusuhin (lubus-lubosin) mo na. Parang pangarap lang ‘yan na libre kaya huwag mo lang taasan, ramihan mo na rin. Pero huwag kalimutan na may kaakibat itong sakit. Kiber na lang, kasi minsan ‘yang crush parang gutom, lilipas din.
Ito, walang kwenta talaga ‘to. Gusto ko lang ikwento (kalandian ko) kung ano nangyari sa’kin ngayong araw na ‘to (March 12, 2014). Ganito…
Ilang araw na ‘kong puyat sa sobrang dami ng iniisip. Yung tipong madaling araw na’ko natutulog. Pag-gising ko kaninang umaga, walang almusal, kaya naisipan kong pumasok sa skwelahan at magbayad nalang muna ng Graduation Fee para makuha ‘yung permit ko para makapag-exam kasi may exam ako kinahapunan at dahil alam kong magiging mahaba ‘tong araw na ‘to. Habang naliligo ako, bigla kong naisip si semi-crush (#VK), wala lang, random thought siguro. Tapos biglang nag-text si Arnold, nasa Jollibee raw sila kaya pinuntahan ko sila du’n. Duon na ‘ko nag-almusal. Tapos dumeretso na ‘ko sa School para magbayad. Nakasalubong ko si #CJ sa may gate (turnstile), isa sa mga crush ko. Pagkatapos, bumalik na ‘ko sa bayan, specifically sa banko (BDO) para i-deposit ‘yong bayad ko kay ate na kapag hindi pa raw ako magbabayad eh ili-lista niya akong isa sa mga bogus buyer’s niya. Kingina, thank you po. Du’n sa bangko, may matandang fluent mag-english na kuma-usap sa’kin at may cute/gwapong bata sa tabi ng ATM machine. Lakas maka-GV nung bata. Pumunta akong LBC para kunin yung padalang pera kay Mama na ipinunta ko pa talaga sa School nung mga kapatid ko. Tapos uwi na then lunch. Nagreview ako kunwari, nag-Facebook kung saan nakatanggap ako ng friend request galing kay semi-crush (‘yong bigla kong na-isip habang naliligo kanina), tapos balik na School. Ito na yung best part, sa sobrang “best” ine-next paragraph ko.
Hintay-hintay masakyang jeep. Minsan maarte ako sa pag-pili ng masasakyan. Tapos may isang jeep na mukhang sosyal, USA flag theme pa ata yung design (external). Medyo masama tingin ko sa jeep kasi medyo puno tapos yung tayo ko parang nagsasabing, “ayaw kitang sakyan, puno ka na” then isang kamay sa lips. Hindi ko talaga sasakyan ‘yon kasi medyo puno pero nung nakita kong nakadungaw si #SCP, another crush, sa bintana sinabi ko nalang sa sarili ko, “It’s now or never”. Pag-pasok sa jeep, sa pinaka-harap dapat ako uupo pero dahil (malandi ako) maluwang pa sa tabi ni crush, duon na ‘ko pumwesto. Hahaha, magkatabi kami. Grabe ‘yong moment na yon, Pinagpawisan ako sa sobrang init ng panahon. Ni hindi ko na naisip yung kantang “Jeepney Lovestory” ni Yeng. Tapos si manong driver nag-sakay ulit kaya medyo sumikip which means mas nagkalapit. Hahahay. Then sa ikalawang preno ni manong may isang gustong sumingit, Na-a-a, nag-excuse yung bagong sakay, tapos gusto niya pumwesto sa gitna namin at ang nakakagulat du’n hindi umalis si crush sa inuupuan niya. So… bawal mag-assume. Medyo kenekeleg ako lol, tsaka neknek din nung bagong sakay kung pauupuin ko siya sa gitna namin (Pero kung nangyari mang umupo siya sa gitna namin, nga-nga ako kasi hindi ako maka-move sa pwesto ko, si crush lang ang pwedeng mag-move that time.) Pero dahil kay bagong sakay, mas sumikip nanaman at mas nagkalapit nanaman. Panat ang punas ko sa mukha ko sa sobrang init. Akala ko may baba na sa may CSI para kahit pa’no lumuwang naman pero wala eh. Even sa Manna Mall. Sa may Monterey lang medyo lumuwang kasi may bumaba kya nag-adjust na ‘ko. Nakakaloka pa kasi sa may side kung nasaan ako siya nakatingin. Pwede naming sa daan o kung saan naka-harap si manong driver o sa’kin na talaga. Hahaharaught. That time, pinagpapawisan pa rin talaga ako. Mainit nga ba talaga? Tapos bigla kong naalala ‘yong sinabi nung mga friends ko about sa kaniya na marami na siyang pimples kaya tinignan ko talaga siya, which is medyo true nga naman. Lol. (Nakanakaw ako ng tingin.) Kung mapapansin niyo, hindi pa ako nag-bayad ng pamasahe ko. Shutanginabeks nahihiya ako. Sabi ko ulit sa sarili ko, “After Lorma nalang ako magpapamasahe”. Winarm-up ko muna boses ko bago ko i-abot pamasahe ko sa kaniya (Sa katabi niya ko dapat ipapa-abot pero parang mahirap, nakaharang kasi yung bag niyang napakalaki.) Sabi ko “Pasuyo”, inabot naman niya tapos nag-“Salamat” ako. Nung i-aabot na niya yung sukli ko, sabi ko kay manong driver, huwag na niyang ibalik ‘yong sukli ko. Joke! Nung i-aabot na niya yung sukli ko… Ang landi ng pagka-abot niya. Hahaha. Second assumption, lol. Okay school na. Nakakahiya maglakad sa harap niya kasi feeling ko ang pangit ko that day kaya kunwari may ka-text ako tapos binagalan ko nalang maglakad para mauna na siya sakin. ‘Yun, nauna nga siya, tapos nakita ko si Raymond sa may Xerox machine. Inapproach ko siya, sabi ko, “Mare nakakaloka”, sabi niya, “Bakit? Si ______”, (Nakita kasi niyang magkasabay kami) sabi ko, “Oo, katabi ko siya sa jeep, hindi naman na maubos pawis ko” Hahahaha. Umalis din ako agad. Pumunta akong Library para gumawa ng assignment tapos mag-review.
Nagpa-sign kami ni Sherymel ng Feasibility Study namin kay Program Head and Dean sana pero hindi na naming siya naabutan, then after that balik Kadduas/Kaaduas. Habang nasa daan, nakita ko si isa pang semi-crush, si #JKS. Hindi ko napansin (na napansin ni Sherymel) na makakasalubong pala namin yung isa ko pang crush na nakilala ko lang din sa Jeep, si #OM. Iniba ko yung usapan kasi sabi ni Sherymel nandiyan daw yung crush ko. Sinabi ko nalang, “Wait tinitignan ko yung isa ko pang crush”, si semi-crush number two. Ante please, uminit uli yung panahon. Habang pinupunasan ko pawis ko sa noo, bigla akong napatingin sa kaniya, Ayiee, nakatingin din siya sakin. Yung puso ko. Hahaha. Nagawa pa niya akong tignan ng ganun after nung mga nagawa kong kalokohan sa kaniya. (Baka gusto lang niya mag-smile (: (: kasi if I’m not mistaken, first school day ng 2014, January 6, eh yung first smile niya sakin na nagkasalubong kami. Naloka nga sina Aizel at Charlene eh. Sabay pa nilang sinabi yung “Landi” sa’kin. Nasa likod ko lang kasi sila that time kaya I’m sure nakita nila) Assume ulit.
Sa may Internet shop sa tabi ng Kadduas/Kaaduas (Ano ba talaga?) kami tumambay para tapusin yung output namin sa Feasibility. Hindi ko alam na naduon din pala, sa katabing shop, yung isa ko nanamang crush, si #RAV na deru. Kahit na hindi ko siya matignan-tignan kasi makulit mata niya, baka mahuli niya akong nakatingin sa kaniya eh. Hindi na ako pinagpawisan that time kasi gabi na. Hahaha.
‘Yun lang. Napakawalang kwenta ‘di ba? Puro crush. Napakalandi. Galing mag-assume… pero salamat kasi binasa mo. I’m sure may crush ka rin. Huwag kang mag-alala, balang araw, masasanay ka din. Masasanay ka din na laging binabalewala niya. Joke. Mag-aral ka muna.