Ang cute nung batang nangangaroling kasi super paos na 'yung boses niya, out of 10 groups na dumaan na sa bahay siya lang 'yung super masigla as in nakakatuwang panoorin habang kumakanta. 'Yung iba kasi parang mga employee na tinatamad sa mga trabaho nila, masabi lang na may nagawa bara-bara na, tapos kung makasigaw ng "NANGANGAROLING POOOOOOO!" wagas, may isa nga akong nasabihan, "Kumanta ba kayo?" Truly, kasi parang super bored sila.
My point being is that hindi ko na nafefeel 'yung essence ng Kapaskuhan. When I was younger I can still remember na kapag may nangangaroling talagang nag-eenjoy ako makinig kasi kumpleto sila ng gamit, 'yung something na pabilog na may parang mga tansan ata iyon, tapos tumutunog-tunog, tapos 'yung iba sumasayaw pa. Tapos kahit bigyan mo ng piso okay na masaya na sila, meron ngayon nagbigay ka na ng twenty bibilangin pa sa harap mo at sasabihin, "ay, twenty lang?" Pakiramdam ko tuloy nangangaroling sila para kumita at may pang computer shop.
Another thing is the Misa de Gallo. Traditionally ginawa 'yun para makapag-simba 'yung mga magsasaka sa araw ng Pasko lalo na kung may ani sila sa palayan. Hindi ko alam kung saan galing 'yung chismis na kapag nakumpleto mo ay may matutupad kang wish. I'm not being a grinch, I'm just saying na dahil tuloy doon 'yung mga tao nagsisimba na lang para makumpleto 'yung isang set ng Simbang Gabi. Tapos bibilangin pa nila kung naka-ilan na sila. Worse nandoon lang sila sa labas ng simbahan, naghahanap ng guwapo, naghahanap ni chicks, haaaay. And another thing is I don't really see the essence of including RH Bill in the homily.
Another thing is that I just noticed na parang wala ng Christmas songs na tinutugtog sa radyo ngayon, panay American pop na lang na wala naman atang kwenta kung hindi lang nakakaindak eh parang hindi rin naman tatangkilikin (nahirapan ako sa word na 'yan) ng mga tao, madalas kasi guwapo at crush nila 'yung mga singers na kahit wala naman talagang talent eh ayun sumisikat. Tapos sa TV dati parating may Christmas special na cartoons, naalala ko pa si Dolly at si Teddy. Eh, ngayon wala nang ganoon panay anime na lang, kung hindi pambatang pornograpiya eh puno ng karahasan.
Ano na ba talaga ang nangyayari sa Kapaskuhan?