Ate, ano ba feeling ng may bestfriend na lalaki? :)
Masarap, masaya, mahirap.
Masarap. Kasi merong laging mapagkakamalang boyfriend mo kapag magkasama kayo. Kasi merong lalaking mag-aalaga sayo kahit hindi naman "kayo". Merong magiging concern sayo na parang kapatid o kuya. Pagagalitan ka kapag may ginawa kang kasalanan o kalokohan pero hindi naman talaga siya galit. Concerned lang.
Masaya. Kasi pwede mo siyang tawagan o itext kapag kailangan mo siyang kausap. Mapapangiti ka niya ng walang kaeffort effort kasi kabisado ka na niya. Alam na niya kung paano ibabalik ang nawala mong good mood.
Mahirap. Kasi sa sobrang sweet niyo minsan, hindi mo maiiwasang mahulog ang loob mo. Hindi mo maiiwasang ma-inlove sa kanya kasi sobrang napapamahal ka na sa tuwing aalagaan ka niya. Pero mangangamba ka na malaman niyang nahuhulog ka na kasi baka wala siyang balak saluhin ka.
Nasabi ko yan kasi ganyan ang naramdaman ko sa best friend ko noon. Pinilit ko yun na wag sabihin sa kanya, pero nauna siya umamin. Hehe. Kaya sinabi ko na rin na gusto ko siya. Yun nga lang, maybe me and my best friend isn't meant to be lovers. Baka komportable lang talaga kami sa isa't isa na for almost nine years, naandyan siya for me, pinapagalitan ako kapag may kalokohan akong ginawa na parang tatay (minsan daig pa).
Pero mahirap. Kasi hindi ko kayang isugal yung friendship namin for almost 9 years para lang sa itinitibok ng puso ko. (Charot!) Kaya ngayon, best friends lang muna ulit talaga. Bahala na tadhana samin.










