Last night’s exchange gift ng KSMCGoesTo Fam! Yehey! Ang theme ng gift eh something worth it daw eme eme. So yung tungkod from Batad ang binigay ko saka yung isang bote ng Gin Bulag. Hahahaha! Si Gia nabunot ko, tapos siya nakabunot sakin. Isang board at thumbtacks nakuha ko. Ano naman gagawin ko dun? Charot. Hahahahaha. Sige. Lalagyan ko yun ng mga alaala sinula ngayon!
The usual. Yumaman na naman ang Tipanan dahil samin. Hahahaha. 6 na libo na naman po ang bill namin. Huhu. Ang sarap mag-inom. :( Hassle nga lang hangover kasi may trabaho kinabukasan. Pero keri lang. Laban lang. Hahahahaha.
Medyo bitin nga lang kasi may pasok pa nga kinabukasan. Tapos nagagalit na naman si Mich. Hahahahahahahaha. Okay lang, binigyan niya naman ako ng Bag ng Djembe. Hihi.
Sobrang panalo yung gift ni Lykks na nakuha ni Dayan. Hahahahaha. Isang balde, 2 hangers, lagayan ng sabon saka towel na maliit. Pucha. Saktong sakto sa bagong titirhan ni Dayan. Dami kong tawa dun. Pati yung gift ni Mich na nakuha ni Box. Hahahahahaa. 2 walis at 2 hulahoop. Puta. Something worth it pala ha. Hahahahaha.
Tapos nagbeerpong ulit. Ang shushunga nila. Dyusko. Kanino bang mga kaibigan yan? Hahahahaha. Tapos higupan ng M&Ms gamit straw. Tapos pinakasolid yung Pinoy Henyo na related naman sa nanghuhula yung word. Leche to si Gia eh. Haahahahaa.
Anyways, mahal ko tong mga to. Hahaha!
Hanggang sa susunod na inuman ulit! Grouphug!
PADAYON!!













