KURIPOT TIPS (US version)
BABALA ang mga sumusunod ay naayon lamang kung ikaw ay isang OFW sa US. eto ay mga tips na pwedeng gamitin ng isang pinoy para makapag ipon ng pera ng masmabilis ngunit may posibilidad na nakamamatay din haha.
1. IKONVERT MO ANG DOLYARES MO SA PESO.
pag bibili ka ng kahit na ano. literal na kahit na ano. i konvert mo muna ito sa peso. uso naman dito ung magkakatabi ung mga grocery store. pagnakonvert mo na at nakita kong mas mura sa isang store.. edi dun kana.. wag ka muna dumeretso sa cashier. gawin muna ang number 2
2. TITIGAN NG MAIGI ANG BIBILHIN LALO NA UNG PRESYO.
pagnatitigan na ng husto.. gawin ang number 3
3. MAGCOMPLAIN NG PASIGAW TUNGKOL SA PRESYO.
Epektib to kaibigan. sabihin ang mga sumusunod:
“ang mahal naman nyan, sa pinas bente lang to e!”
“di na ako kakain water therapy nalang ako”
“one dollar???!! wag na uy!! may tax pa to ee!”
pwede ding magmura “*]^%{ ang mahal!”
gawin ang mga yan para masigurado mo talagang kailngan mo ung bibilhin mo ingat lang baka habulin ka ng security guard.
4 IWASAN MUNA ANG FASTFOOD
sa pinas mura ang julibe at mcdo. dito pag mag julibe at mcdo ka nagwalgas kana ng pera.. wala kang makikitang 25 pesos sa mga menu nila.. o kahit saan mang fastfood walang presyo sa menu ang baba pa sa 3dollars. 150 pesos na un.. isang meal lang.. wag na.. kain ka nalang muna ng papel. tiis tiis lang muna para wow.
5. MAGPANGGAP NA BUSY TUWING LUNCH BREAK
uu lilinlangin mo muna mga werkmates mo na busy ka kaya d mo sila masabayan na maglunch.. wag ka na kumain sa werk kasi aabutin ka nnamn nyan ng $5.. edi 250 na un isang kainan lang un.. i pang gas mo nalang un. dapat consistent ung excuse mo pwede kang pumili sa mga sumusunod:
“thanks! but i have to check the papers/report”
“thanks! but i have lunch meeting with the president”
“thanks! i have packed lunch im vegan”
“thanks! i’ll be there i just have to call someone. its very important”
“thanks! i need to take a nap. im very tired i’ll eat later”
tas ung uso gamitin..
“thanks but im on this diet program with no lunch on it.. anyway enjoy your meal”
yan ikot ikutin m lang yan.. mga after 2 months d ka na nila aayain kasi pwedeng nakabisado na nila ung mga sagot mo.. pag di parin eto umipekto.. gawin ang no 6..
6. MAGPANGGAP NA MUSILIM
uu wag kana maarte pa. sabihin mong ramadan ngaun at bawal kau kumain pag may araw.. tas medyo magpanggap ka na naoffend ka dahil inaya ka nilang kumain.. tas pag kinabukasan inaya ka ulit nila.. magalit ka na.. sabihin mo racist sila.. tas flip m ung hair mo sabay walk out. ayun d ka na nila aayain pang kumain.. habangbuhay na yan.. hahaha
7. HINTAYIN ANG THANKSGIVING SALE
uu hintayin mo. alam kong kalalabas lang ng iphone 7 wag ka matempt wag kang bumigay.. kapit lang kafatid. maghintay ng sale.. isipin m nalang ung masasave mo. balita ko umaabot ng 30% sale nila minsan kaya sayang din un.. alam kong january palang ngaun. at november pa ung black friday sale.. pero kafit lang.. hahaha
8. WAG GUMAMIT NG AIRCON AT HEATER SA SASAKYAN.
bumili ng paypay.. tulungan si mother earth.. o kaya humingi ng karton sa kapitbahay at ito ang gawing paypay.. magbaon ka nalang ng tubig na malamig at mainit para ito ang gamiting pangdefrost sa ice.. maging wais kafatid..
9. KAIBIGANIN ANG MGA WORKMATE PARA MALAMAN ANG ADDRESS NILA
oo kailangan mo malaman address nila. kasi posibleng isa sa mga workmates mo ay malapit lang sa bahay nyo.. para angkas ka nalang papunta sa werk. medyo magkalat ka nalang ng flyers sa building nyo sabihin mo survey ng kumpanya.. tas pag may malapit. ayun kaibiganin.. alam kong mahirap.. pero isipin mo nalang ung dolyares na matitipid mo… mahal gas.
10. MAGING HITCHHIKER
pag walang makitang werkmate sa building nyo at sa katabing building na nakatira malapit sa bahay mo.. gumising ng maaga. punta sa highway magthumbsup ka sa mga dumadaang sasakyan patungo sa direksyong pupuntahan.. dapat madaling araw palang simulan mo na.. target mo dito mga tanders o sugar mami material.. tiis tiis lang kafatid dadating din yan.. wag choosy.
11. PAGKAKUHA NG SWELDO, DERETSO SA DOLLAR STORE AT .99CENT STORE
uu maging proud ka. lahat ng bilihin dun .99 o kaya 1 dollar. kung may loyalty card lang dun pamember ka na din. wag masyado dun sa .99c store para d naman halata.. sa dollar store dapat tau medyo loyal para d masyadong halata nanagtitipid hahaha… tandaan may kahihiyan parin tayong natitira..
12. CRAIGSLIST
punta ka sa craigslist at may pipindutin kang option dun. “freeitems” kuha ka papel.. lista mo address puntahan mo lahat.. dba mahilig ka sa libre.. dapat wala kang patawarin kahit isa.. dapat mapuntahan m lahat kahit buhangin pa yan o bato.. sayang libre ee..
13. COUPON
maghanap ng mga coupon sa mga dyaryo. madami dian tuwing lunes may nilalagay sila sa mailbox nyo.. kung kailangan mo ng madami pwede ka kumatok sa mga pinto at hingiin ung dyaryo ni neighbor. sabihin m nalang
“i ran out of toilet paper.. do you have a newspaper i can use?”
hingiin m nadin kahit old issue na ung newspaper minsan kasi ala expiration ung mga promo ng coupon.. malay mo dba andun ung mga kailangan mo.. tiis tiis lang.. hahaha
14. WAG MAARTE, WAG MALIGO
tama, oo, wag ka muna maligo.. ang pagliligo ay sayang sa tubig. kuryente, sabon at shampoo… isipin mo gagastusin mo bago ka pumunta sa banyo.. iisa lang sulusyon dian.. alamin ang oras kung kelan mag on ung sprinkler ni neighbor sa garden nya.. tumambay muna don.. tas magpanggap na may hinahanap sa may damuhan.. para pag nahuli ka ni neighbor na nasa garden nya.. sabihin mo:
“i dont mind the water.. im just looking for my earring.. we are playing this silly game and im the only one who is still seaching.. so please dont disturb me i need to win” hahaha
15. HAIRCUT
wag ka papakain sa systema kaibigan.. dian ka nila nililinlang… noong panahahon ng mga hapon di naman uso magpagupit.. pinauso lang yan ni justin bieber.. pahabain mo nalang buhok mo para pwede mo itong iflip at ibraid.. hahaha