hindi ko alam kung ano pa ba ang ginagawa ko sa buhay ko. pero ang pinaka malaking tanong ay “masaya ba ako?”
may nakilala akong guy a month ago. grabe, isang buwan palang pero ang rami ng nangyare. nag kakilala kami dahil sa connections and shits. nung una, hindi nya nakuha attention ko, I don’t find him attractive but my friends do. Pero, hindi sa pagiging feeler or pabebe, I can see na he’s into me. Actually, nakakatuwa siyang kasama at nakakatawa rin talaga. First meeting palang namin click na kami agad, pareho kami ng ugali kahit paano. Hindi ako naka uwi sa house namin noon kaya nag stay nalang ako sa house ng friend ko kung san dun siya nag sstay, wala ng space noon na tulugan kaya tabi nalang kaming dalawa kasama ng isa naming friend. Actually, dalawa silang boys at nakakatuwa talaga sila. Buong gabi nag kwentuhan kami and everything. Matagal tagal silang nag stay sa bahay ng friend nila kaya halos everyday nandun ako para makipag interact. The following days, bakit ganun, inaasar na kaming dalawa? Tawagin nalang yung boy na “hipon” may itsura naman sya pero sana naging katawan nalang siya. So ayun, inaasar kaming dalawa ni hipon edi ako go with the flow naman, wala namang malisya diba? So, the way na mag usap kami ni hipon puro harutan. Wala lang naman sakin kasi hindi ko talaga siya feel eh. So ayun, araw araw kaming nag uusap ni hipon wala lang friends friends lang. Umuwi na sila sa kanila kaya hindi na rin ako nag vivisit sa house ng friend ko.
Tapos, bumisita ulit si hipon sa bahay ng friend nya pero mag isa nalang sya. So ayun, tambay ulit hanggang gabi, eto nanaman ako, natulog ulit ako sa house ng friend namin kung san sya nag sstay pero this time kaming dalawa lang sa bed. Wala lang talaga sa akin kasi tingin ko sa kanya tropa tropa lang talaga. Tulog na lahat except sa aming dalawa, ayun nanood kaming movie(diyan nag sisimula eh letse) hanggang sa nabored kami (alam na) binaba nya yung laptop kaya nag kwentuhan nalang kami. Ewan ko paano pero napunta kami sa part na sabi niya gusto nya daw ako or like ganon. I forgot na rin. Wala ako masabi nun kaya tawa nalang ako ng tawa sabay sabing “tangina mo matulog ka na” haha! ewan ko, normal lang talaga samin mag murahan. Ayun, nag kwentuhan kami ewan ko kung paano nangyare pero yinayakap na nya ako. Sa totoo lang, nagustuhan ko yakap nya kaya hinayaan ko lang sya. Habang nag kwekwentuhan kami nakayakap sya sakin shet ang saya sa feeling. Tapos napunta kami sa part na I can feel na nilalapit nya sa akin yung lips nya kaya I know may pinapahiwatig sya non. Hinayaan ko lang tapos he kissed me on the cheeks edi tinitigan ko lang sya na parang"wtf?“ tapos nag tawanan lang kami. Tatlong beses nya yun ginawa, pero sa pang huli niloko ko siya "hanggang diyan ka lang?’ (harot ko) sabi niya "ah ganon?” sabay hinalikan ako sa lips. Hindi ko napigilan sarili ko kaya hinayaan ko lang sya kasi sa totoo, nadala rin ako ng temptations ko. So ayun, we’re kissing na, ang hot sa totoo lang. Napunta siya sa neck ko grabe hindi na ko nakahinto, ang sarap talaga sa feeling. The next thing I know, he was touching my boobs na. Grabe, first time talaga na may mang hawak doon kasi hindi talaga ako ganitong babae. Tinigilan ko na nung hinahawakan na nya boobs ko, I stared at him and asked “ano ginagawa natin?” Actually, ewan ko talaga. I liked it pero I know its wrong. Sabi ko nalang matutulog na ako,so we stopped and natulog nalang.
I was so confused after that, to be honest, nangyare ulit yun after a week, hindi lang hanggang don ang ginawa namin, make out lang naman pero hindi kami napunta sa baba. Basta ayun. Tatlong beses na ata?
Ang stupid noh? Ang suck ko, ano bang ginagawa ko?
Eto pa, nasa part kami ngayon na we can’t call each other na mag kaibigan kami kasi after niya sinabe sakin na gusto nya ko, pinaparamdam nya talaga sa akin na seryoso siya. To be honest, I’m starting to like him na. Pero ewan ko, napaka raming confusion sa feelings ko ngayon. Hindi ko na alam ginagawa ko, hindi ko alam kung mag titiwala ba ako sa kanya. Pano kung dahil lang I let him do things with me, kaya nya ako kelangan? Pano kung ganun rin sya sa ibang babae? To be honest, sa mga pinag gagawa namin ngayon first time ko talaga kasi hanggang halik lang ako sa ex ko dati. Nothing more. Pero siya? Grabe, alam nya ginagawa nya kaya sure akong nagawa na nya yun dati sa ibang babae at maybe, until now sa iba. Hindi ko alam, I'm so confused right now. I need to find myself…
I am desperate to tell this story to someone na open minded at papakinggan ako. Alam ko kasi na kapag ikwekwento ko to, mahuhusgahan lang ako. Pero ano ba, ngayon ko lang naman ito nagawa. I don’t drink or party. I swear, I’m so innocent. Nag stay ako sa bansa na napaka inosente ng mga tao for almost 5 years kaya pag balik ko ditto sa pinas, kaya siguro naging ganito ako. Ewan ko. Bahala na.