Uwi ka na, please? Miss na miss na miss na miss na miss na kita kahit kakaalis mo lang noong March 24. Hirap ‘pag seaman tatay. Huhu After 6 months na naman tayo magkikita. Sa 6 months na yun, wala na akong tagabiling lotion, shampoo, conditioner, facial wash, tawas, deodorant at napkin. Huhu Wala na din yung kasama kong bumili ng panty at yung hihila sa akin sa bilihan ng bra para lang bilhan ako kahit ayaw ko. Tatay, sobrang thankful ako kasi ikaw naging tatay ko. Kahit broken family tayo, ayos lang. Naiintindihan ko naman. Basta the best tatay ka talaga. Sinusuportahan mo ako sa lahat ng bagay. Kahit sa pagiging tomboy ko ayos na ayos ka kahit hindi naman talaga ako tomboy. Waaaaah! Ang sama mo. Babae ako. =.=
Magulo man pamilya natin at hindi tayo mayaman, ayos lang. Masaya naman tayo. Lalo na ‘pag magkasama tayo, minsan napagkakamalan tayong magkapatid. Para lang kasi tayong magkabarkada. Sa ‘yo, nasasabi ko pa ang tungkol sa mga crush ko. Mas close tayo eh. Daddy’s girl ako eh. Huhu
Miss ko na din yung panggulo ko sa kwarto tuwing umaga minsan. Ang aga-aga eh ginigising mo ako kasi magpapasama ka sa palengke kasi magpapadala kang pera sa mga kapatid ko. Tapos maglalakad lang tayo at ang ending, nagfufoodtrip tayo. Kung saan-saan na tayo nakakarating dahil lang sa pagkain. ‘Pag pagkain na usapan, wala ng tigil sa gastos. Sabi mo magdiet ako pero ikaw din ‘tong aya ng aya sa akin para kumain.
Tatay, ‘pag ako talaga nakapasok sa UP at nakagraduate with flying colors (CHAROT!), magtatrabaho ako tapos papatayuan kitang rebulto ay este bahay pala. Haha
I miss you and I love you, tatay. See you again after 6 months. :*
Ang pinakacute at pinakakulit mong anak na mahal na mahal ka kahit ‘di halata,
Ibil Haifa