Sige, sasabihin ko na lahat. Ayoko na kasi yung palaging ganito. Nakakasawa na eh. Ang tanga ko din naman umasa sayo, na ang tingin mo sa akin ay hanggang best friend lang. Sa limang taon natin na magbest friend, yung nakaraang dalawang taon na nakasama kita, nafall ako sayo. Oo alam kong mali ako. mali na nafall ako sayo. Mali na kinikilig ako sa mga sinabi mo, mali ako dahil umaasa ako na magugustuhan mo din ako. MALING MALI YUN. Alam ko naman na ayaw mo akong mawala. Pero, kasi sa mga sinasabi mo, mas umaasa ako. Ang kitid din ng utak ko noh? haayy. Malamang kaya sinasabi mo yun kasi best friend mo nga ako. Nandyan ako sa tabi sa in your worst and best days. Ako yung takbuhan mo pag may kelangan ka, ako yung nag chicheer up sayo pag malungkot ka, ako yung nandyan sa tabi mo para damayan ka sa mga problema mo, ako yung palaging nasa tabi mo kung kelangan mo ng kaibigan. Ako palagi. Kaya nasanay ka na, nasanay ka na nandyan ako palagi sayo, na alam mo hindi ako aalis pag kelangan mo ako. Alam mo yun. Kasi ganun yung pinapakita ko sayo. Kasi nga best friend kita. Di ko alam bakit nahulog ako sayo, the fact na alam ko na hindi mo ako sasaluhin. Kasi hanggang ngayon, may inaantay kang sasaluhin na iba. Wala din akong magagawa, kasi yan ang gusto mo, at yan ang magpapasaya sayo. Diba ang best friend supportive sa gusto ng best friend niya, kaya susuportahan kita sa gusto mo. Wala naman akong ibang hiniling, kundi ang maging masaya ka lang eh. At alam ko bilang best friend mo ako, hindi mo ako pwedeng suportahan sa ikakasaya ko. Kasi sisira ito sa pagkakaibigan natin, at ayaw na ayaw ko mangyari yan.
Okay na ako na best friend kita, at least alam kong hindi ako mawawala sa tabi mo at hindi ka mawawala sa tabi ko,
but once and for all, i wanna tell this to you. Don’t worry this will be the first and last…
i love you best, i love you
i wrote that letter 1 year ago, pero hindi ko man lang nabigay sayo at wala naman akong balak. I just send it to a website where you can write letters for your crushes. Tapos hanggang dun na lang yun, basta nalabas ko lang naramdaman ko. HIndi mo talaga nabasa to at hanggang ngayon wala ka pa ding alam sa feelings ko.
But best don’t worry, after a year nagawa ko din, nagawa ko ding mawala yung feelings ko sayo. Mahirap pero kinaya ko, para sa friendship natin. :) sorry kung medyo hindi nagparamdam ha. ^_^v kelangan eh.
Now i can finally tell you that i’m happy for you, without feeling that kind of pain and bitterness. I’m truly happy for you best. :) stay strong with your girlfriend and have a happy ending with her. :))
ahem. okay. hahaha tama na kadramahan..
P.s. potek ka namiss kita. hahahahahahahaha -_-