K A K A P A G O D
seen from United States

seen from India
seen from Netherlands

seen from Switzerland

seen from Germany

seen from United States
seen from India
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from United States
seen from Russia

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from United States
seen from Russia

seen from Türkiye
K A K A P A G O D
July 20, 2013 -Daeng Ways
Medyo inaantok na ko eh, wala na sa mood maging depressed.
Well, siguro kasi halos expected ko na naman na mababa talaga ko sa mga subject na 'yon kaya hindi ako ganun nasaktan and im not really surprised. Halos tanggap ko naman kasi alam ko na marami akong pagkukulang.
Pero ang masakit lang dun ay yung makita mo ang halos buong tropa mo na nanlulumo. Nakakalungkot lang, merong kumakausap sakin pero nanginginig na yung boses na alam kong nagpipigil lang ng luha, halos yumapos na tapos kita mo sa mata yung pagkadisappointed na gusto na ring tumulo yung luha, meron ding tahimik nalng sa gilid, yung idinadaan na lang sa tawa at joke ang lahat pero dama mo yung sakit sa loob nya. At least, sama-sama kaming nalagpak, hindi yun ganun kasakit kasi alam mong may kasama ka, at siguro naman hindi rin ganon kahirap umahon kasi nga may kasama ka, hindi ka nag-iisa kung magtutulungan lang ang lahat fairly, kayayanin namin malampasan ang pagsubok na to.
Nakakalungkot lang isipin na dahil sa grade may nabubuo nang lamat sa samahan, mistulang ayaw na magpakopya ng isa sapagkat sya na nga ang may alam, sya pa lagi ang nalalamangan. Nakakainis nga yun, kasi yung laging nakakalamang parang yung isang professor sa Harry Potter na nakilala bilang magaling na writer ng biography nya, yun pala yung mga sinusulat nya ay puro kwinento lang sa kanya at hindi nya own experiences. It's taking compliments that are not really yours. Dapat kasi walang favoritism at walng first impression last na tema para pantay-pantay ang lahat. Kasi puede namang magbago ang isang tao kaya hindi mo dapat ikulong sa iyong isipin ang mga bagay na hindi naman permanente para walang luge. Pareho lang sagot nila pero mas mataas ang isa? is that equality in educational system?
Okay lumalayo na sa topic. Wow lang ha, nabeat na yung pinakalowest ko na 70 sa Dif Cal. Dyandyararan sa letter M, baliktaran! 69- Mechanics. aruy aruy aruy. tapos sumunod don yung announcement ng grades sa Dynamics, sa awa ng Dyos! 82 ako, at maraming salamat kay B2 dahil sa take home quiz na pinakopya nya sakin, isa lang mali kaya todo higit to the bones ang grade ko. Bali sya yung dahilan kung bakit nakapasa ko. Sumunod pa ang Vector Analysis, putek na yan pag bigay palang ng mga papeles medyo nagising na ko sa katotohanan, ang prop na walng consi, at nakabox na final answer ang pinakamahalaga, ayun 72, mataas pa yun at least , hindi ganun ka kayod hahabulin. Anak ng pating paghindi eh minaster ko yang pdf ng vector na 'yan takte. Andaya kasi malamang yung mga bihasa magpdf, sila yung pasado. Nakakayamot lang na sa panahon ngayon, halos pdf na yung nagiging basehan ng katalinuhan ng isang tao dahil sa mga maling pang-unawa ng karamihan sa tunay na depinisyon ng karunungan.
Pero nasa sa kanilang nandadaya na yun, it's like selling half your soul to evil. Ayoko na umabot pa sa ganon, mas masarap damhin yung tagumpay kapag sa malinis na paraan mo yun nakamit. My mga pagkakamali na hindi na dapat inuulit.
Sa Electronics nga pala , rank 8 ako = 70.9, malaki pa daw pag-asa nun sabi ni Sir at naniniwala naman ako, target ko ngayong midterm dun ay 85 at 80+ naman sa ibang subject. Kinakabahan pa rin ako sa DE at Electromag sana naman maka75 man lang.
Nga pala nung ikwinekwento ko kay ate yung mabababa naming grade kanina, bigalng parang naiiyak na ko. hahaha Tapos nung nandun ako sa 7, nakakaamp pa yung mga tanong ni Nanay like "Hindi ka ba nahihirapan dyan? Bakit ba yan ang kinuha mo? Gusto mo ba yan? ". Gusto ko sumigaw ng sooooooobrrrrrrrraaaaaaaaaaaaaang hiiiiiiiiirrrrrraaaaaaaaaapppppp Nanaaaaaaaaaaaaaaay! Pero ayun pangiti-ngiti nalang ako, baka kapag sinabi ko lahat ng problema ko kay nanay, payuhan ako nung tumigil na. It's my own burden as an engineering student, i shouldn't falter.
Mukang kailangan ko na talaga gisingin yung seryosong ako. Hindi na talaga pwede ang petiks lang. Bawal na bumagsak! Mag-aral ka kasi ng maayos!