Ay si Tanga.
First and foremost, thank you internet kung hindi dahil sayo e hindi ako paramg timang ngayon. 8pm when we got home from ulti (saya saya ko pa kasi kumaen kami sa labas tapos binili ako ng bagong damit) then I checked my phone. Chineck ko din net namin at nirestart ko pa! Sabi ko, "Shet! La ata nanaman kaming net! Kasura a!" Then maya maya sumigaw na ako ng, "bakit wala tayong net?" Sabi nila, "O, may internet tayo a? Nakakanet nga kami o!" After that, napahiga nalang ako(like I always do, duuuh?!) Bigla akong nalungkot! First time 'to! Nalungkot talaga ako ng bongga! Akala ko pa sira phone ko kasi wala akong noti!!! (Message nya naman talaga inaantay ko sa noti, kahit ano basta sya!) E wala! Kahit sino wala. Walang nagchat na kahit wa kwents na groupchats na iniignore ko, wala talaga 😱 dahil jan ako'y nagmuni muni. Anyways pagod din ako bcoz of my bibibruder na ibinili ni papang ng folding bed at kaylangan kong magayos ng pwepwestuhan nya sa kwarto ko*hindi na kami tabi, I'll miss you bububruder* bigla kong naisip, ang tagal na pala. 4 days na kaming gento pero ngayon ko lang narealize. Oo alam kong cold sya pero dati lagi akong excited umuwi kasi makakachat ko sya i, ngayon excited ako pero sobrang na disappoint ako. Napatanong na lang ako, "bakit nga ba ako naghihintay ng message nya?" "Bakit hindi ko ba matanggap na hanggang friends nalang kami at dapat masaya ako na kahit papaano e friends kami at may communication kahit maximum na ng 10messages per day?" "Bakit ang tanga tanga ko pala?" Dami kong tanong sa isip. May tanong pa na, "Naiisip din kaya ako netong mokong na 'to?", "Namimiss din kaya neto kung paano kami kaclose at mejo sumisweet na nung nakaraang linggo?", "Nalulungkot din kaya sya gaya ng pagkalungkot ko?" Hayys! Kaiyak teh! 😭 at eto nagchat, sabay pa ang dalwa kong kaybigan na broken hearted, ginawa pa akong papa jack ng mga lintik na are. Kung ano anong alibi na ginawa ko kasi natawag sila. Pwede ko bang sabihin na, "Ano ba! Hindi kayo ang gusto kong kausap! Si Ejay ang gusto kong kavideo call o kahit voicecall nalang papatusin ko na! Ramdam ko na naman yung lungkot nyo, baka nga mad malungkot pa ako sa inyo e" Ayang lines na yan gusto kong sabihin pero hindi ko nalang sila nireplyan. Miss ko na talaga si Ejay 😭 Miss na miss ko na! Hi tumbliiing! Sorry ha, wala kasi ako makachikahan kasi yung gusto kong kachikahan ang reply sakin e, "maya na" nahiya naman ako. Voice call lang sana gagawin ko e kasi ayaw kong pilitin na magpakita sya kahit ayaw nya at ramdam ko naman yun. Nalulungkot lang talaga ako ngayon at ang magagawa ko nalang ay magtype neto at magpunas ng luha ko. Anywaysss, it's been a long day. Kapagod!! Hoy tumbling, may kamay ka ba? Payakap nga? 😔















