My Simple Happiness
Nakakatuwa na nakakiyak lang. Kasi ganoon nila ko kamahal. Thanks for the Love and Effort. Mahal na mahal na mahal na mahal ko KAYONG LAHAT!
2 days ago, I celebrate my 18th birthday. Usually, dapat “Special” yan kasi nga di ba? DEBUT yan? Kaso, wala naman kaming panggastos para sa isang Magical at Special na Debut. Kaya okay na sa’kin na maalala lang nila yung Birthday ko. Batiin lang nila ko masaya na ko. It’s no Big Deal na walang Grand Celebration kasi alam ko naman yung nangyayaring crisis sa Pamilya ko. Uunahin ko pa ba ‘yon? Nahihirapan na ang Pamilya ko uunahin ko pa rin yung gusto kong Mangyari. Kaya tinanggap ko yun ng sobrang luwag. Nakakainis lang yung Parents ko kasi hingi sila ng hingi ng Pasensya. Ako naman ‘tong si Paulit-ulit na “Okay lang Ma, Pa. Nung pinayagan niyo pa lang akong pumunta sa Get Together kasama si Kimpoy. Masaya na ko. Kaya wag niyo ng problemahin yun.” Totoo naman eh. Simpleng bagay lang maliit man yan o malaki basta napasaya ako nyan, OK NA OK NA KO! I won’t not ask for more.
Pagpasok ko sa School. Late ako! Peste! Birthday na birthday ko Late AKOOO!
Nagulat na lang ako nung inabot sa’kin ng mga kaibigan ko yung mga pagkaing Cheese Flavor. Ang Sweeet nilaaa! Favorite ko kasi ang Cheese eh. Naiyak ako nun kasi hindi naman ako humingi ng ganun eh. Tapos isa pang ikinaiyak ko, hindi ko man lang sila nai-Treat. Tears of Joy, Happiness, & Guiltness.
Madaming bumati sa’kin. FB, Twitter, Text at sa Personal.
Pinakanakapagpasaya sa’kin yung Video Greeting ni @kimpoyfeliciano sa’kin. Sinurprise ako nung isa sa mga naghatid sa kanya. Akala ko nun wala talaga kong VG yun pala meron. Grabeee! Mangiyak-ngiyak din ako nyan. Tapos yung Greeting din nung Crush kong Poding (Poging Bading) Ang Sweet niya rin! Grabeee!
Kaya over all sobrang saya pa rin ng Birthday ko. <3 <3













