Letters
Masaya ako na minsan sa buhay ko naranasan ko gumawa ng maraming letters para sa taong special sa akin. Minsan kahit sa isang kaibigan lang para iparamdam sa kanila na importante sila at para i-cheer na din sila kapag nalulungkot sila. Inaamin ko dati pa na hindi ako magaling sa pagsusulat ng letter.
Dati may nakilala akong binibini at simula nuon ginagawan ko sya ng letters. Dati hindi ko kailangan ng isang okasyon para gumawa ng letter para sa binibining yun dahil ang dahilan ng paggawa ko ng letter eh para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya naappreciate at ang mga ginagawa nya para sa akin dahil alam ko sa sarili ko na mahirap talaga ako pakisamahan at mahalin. Sya ang dahilan kung bakit ako gumagawa ng letter at sya lang ang ginawan ko ng mga ganun. Dati nung parte pa sya ng buhay ko ang dali dali ko makagawa ng letter like hindi ko kailangan pilitin ang utak ko mag-isip para lang makagawa ng letter. Pero ngayon aaminin sobrang hirap na hirap na ako. Ayoko na sanang balikan pa yung dati pero kailngan para naman maibalik ko yung dating ako nung nakilala ko sya kasi pakiramdam worth it akong tao nuon eh. Hindi kagaya ngayon, hindi ko nga alam kung anu ako eh dahil sa kakapilit ko maging worth it sa isang taong.. Ahhh basta! masaya akong balik balikan yung dating ako nung minahal ko yung babaeng nagturo sa akin maging pasensyuso. Masasabi ko talaga sa sarili ko na she's worth the pain kahit na masakit talaga ang ending namin pero okay lang. At least once in my life naramdaman kong hindi ako nag-iisang lumaban sa isag relasyon. So maybe soon makakagawa ulit ako ng letter na hindi ko kailangan pigain ang sarili ko para makagawa ulit ng letter para sa isang tao.
















