Lakad ako ng lakad recently may it be sa work or sa “me” time ko. One day I went to a nearby park to just walk around hanggang sa mapagod ako habang thinking and worrying too much about my self, my career, my family and loved ones sa Pinas. Naramdaman ko yung pagod. Physical and mentally drained.
I decided then to sit on a nearby bench.
Sa pag ooverthink ko ng mga bagay na akala ko wala magandang nangyayari sakin, I realized na mali pala ako. Why? Di ko na napansin na malayo na pala narating to. Literal na malayo. Dati gusto ko mag work sa ibang bansa na akala ko imposibleng mangyari. Naglakas loob akong iwan ang comfort zone kong trabaho sa corporate just to land to a healthcare field. Dati takot pa ako, pero eto ako ngayon, may ibang view na malayo sa nakagisnan ko, at kaya ko pala. I felt, I’m still lucky and should be more greatful than to worry and overthink.
Minsan sa buhay natin, all we just to do is to pause and rest, unwind and realign the things we want and what are His plans to us. Lastly, put and offer all your trust up to Him.













