Isang beses ko pa lang natikman ang Maggi Kari at talagang nagustuhan ko s'ya. 🍜As in tipong hinahanap hanap s'ya ng taste buds ko. Maski na alam kong sagana s'ya sa sodium at isa s'ya sa mga kasapi ng UTI starter pack. Hinanap ko kung saan ako makakabili dito sa Manila, merong mga nagbebenta online pero usually from Zamboanga pa, mga imported from Malaysia. Mura lang naman sana 80/5pcs. mejo talo ka lang yata sa shipping fee. Hanggang may nabasa akong comment na makakabili din nga nito sa Assad. At bilang kanina ay nasa U. N. naman ako, naisipan ko ng mag-launch ng bagong adventure. At yun ay ang bumili ng Maggi Kari sa Assad. Kwarenta yung bayad sa tricycle papunta sa tindahan. Natuwa naman ako nung nakita ko na na-renovate na yung Assad. Improving! Lalo ng yumayaman yung may-ari na hindi naman Pilipino. Wala lang. 😁 Ayun! Nakakatuwa lang kasi meron nga talagang Maggi Kari, tama nga lang yung spelling, Curry na kasi ang nakalagay. Mejo hindi lang ako prepared na tig-30 petot sya kaya tatlo lang muna ang binili ko lalo na't 10-25-2017 na kaagad ang expiration date. Ang dami kong lakad ngayong araw at ang init sa labas. 👣☀️Tapos naisip ko na parang mas convenient yata kung nag-order na lang ako online. 🤔🍜🌶♥️😙 #maggi #maggikari #maggicurry #noodles #noodle #asian #assad #assadminimart (at Assad Mini Mart)











