jakenpoy
Nakaka-miss yung mga panahong na reresolba namin ang lahat sa pamamagitan ng jakenpoy. Isama na ang magic piso ni Dinky Cruz. Kaya lang ngayon, iba na ang ihip ng panahon o sadyang ako lang ang nagbago. Hindi ko na pwedeng daanin sa jakenpoy at magic piso ang lahat. Hindi na naayos ng gunting, papel, bato at ulo ni rizal ang mga bagay. Ang sarap balikan. Pwedeng-pwede balikan pero..
Ayoko. Ayoko o hindi ko lang kaya. O di kaya, arte ko. Nag hahanap ako ng iba. O masyadong komplikado ang mga bagay para daanin sa jakenpoy at magic piso.













