Isa pang lumang litrato namin mag-ina. Ito ay kinunan noong tinuturuan pa ako ng aking ina magbasa. Kaya siguro ako lumaki na mahilig magbasa dahil sa aking ina. Siya ang nagturo sa akin magbasa, sulat, at magbilang. Sinanay niya ako sa pagbabasa ng mga libro kung kaya't lumawak ang aking imahinasyon at namulat na ang aking mga mata sa murang edad pa lamang. Noong ako ay 8 ay nakasulat na ako ng isang tula na may titulong "Para sa aking mga Kababata". Nagkaroon din ako ng mga guro upang matuto magsalita at basa ng Español at Latin. Lahat ng aking kaalaman ay nagmula dahil sa pagpupursigi sa akin ng ina noong bata pa lamag ako na magbasa at mag-aral, at gagawin ko ang lahat para sa aking mahal na ina.













