MAS first day tips
Some tips na pwede kong ishare based on my experience :)
1. Frosh Orientation ang first day. Minsan di pa papasok ung prof ng first period. Depende sayo kung gusto mo pumasok or hindi (pustahan excited kayo eh). Mas ok na pumasok ka ng maaga para makilala mo na ung blockmates mo (pati na rin ung prof kung masipag).
2. Again, orientation ang first day, walang klase. wag ka muna mag P.E. uniform hehehehehe. Alam ko naman bumili ka ng bagong damit.
3. DALIN ANG CM PALAGI.
4. Ugaliin magdala palagi ng 1/8 index card sa mga first week ng term (pang buong mapua life nyo na to). At 1x1 ID photo. Kadalasan nanghihingi ung mga prof ng mga info from students so maging ready. Para sure, dala din kayo iba sizes ng index card.
5. ROOM SYSTEM: ung rooms nyo ay ung may letter and number combination sa CM nyo. Ung first letter stands for the BUILDING: N for north, NW for northwest, S for south, SW for southwest at W for West. From the entrance, ung building sa kaliwa ang south, kanan ang north. Medyo magegets nyo na ung others from there. Ang first number na kasunod ng letter is the FLOOR NUMBER. Example: SW401 is South West Building Floor 4 Room 01.
Bakit ko inexplain?
Para mabilis kayo makapunta sa room nyo at onti ung tao sa hallway. Yan yung hirap pag pasukan eh hahaha!
6. Wag tumambay sa hallway please.
7. Try to be on time sa classes. You'll never know if your professor is tamad or hindi.
8. Be attentive sa first day. Take notes ng mga dapat ipabili ng prof. Baka absent ka agad, sayang din ung attendance.
9. Dala ka madaming pera. Madaming stalls ng pagkain sa frosh week.
10. Relax muna bago sumabak sa gyera :). One week ang frosh week, have fun!
Yun lang. First day tips lang naman eh!











