October 20, 2015
Limang araw na ang nakalipas simula noong iniwan mo sa aking yung mensaheng iyon. Ito yung araw kung kelan pumupunta ko sa klase mo tuwing hapon. Hindi na ko nagdala ng mga gamit ko sa pagguhit.. masakit kapag naaalala ko pero mas nakakabuti na to.
Nagagawa kong pakalmahin ang sarili ko. Nagawa kitang makita kanina noong lumabas ka para kumuha ng tubig. Nakakatuwa talaga yung suot mo na katas-taas na pantalon at naka tucked-in na long sleeves.. pinipigilan ko talaga tumawa tuwing nakikita kong na ganoon ang suot mo.. pero mas natatawa ako sa sarili ko dahil mas lalo pa kitang nagugustuhan dahil doon. Pagkatapos kong makita ka, umalis na rin ako dahil tapos na din naman ang dapat kong gawin. Masaya na ako na makita ka kahit saglit lang. Higit na yun sa hinihiling ko. Nasabi sa akin ni _ _ na hinanap mo daw ako dahil wala ng maingay sa klase mo. Mas nakakabuti nga iyon, dahil magagawa mo ng magturo ng maayos na walang magpapagulo at walang magiging makulit. Alam kong maswerte ang mga estudyante mo dahil marami silang matututunan sayo. Alam na ng ilan sa mga kaibigan ko na hindi na muna tayo mag-uusap dahil ang dami kong nagawang pagkakamali. Sinubukan akong tuksuhin ni Hannah sa isa kong kaklase na.. tall, dark and handsome, matalino at marunong mag-gitara tulad mo. Sinubukan din niya akong tuksuhin kay Mao dahil napapalapit na din ako sa kanya. Ilang ulit niyang sinabi sa akin na kalimutan na kita at sinabi ko naman sa kanya na gagawin ko lahat para mawala lahat ng nararamdaman ko.. ngunit iba ang takbo ng isipan ko sa mga oras na iyon. Hindi ko sila magugustuhan. Mayroon na silang babae na tinuturing nilang espesyal sa buhay nila at hindi ako ang uri ng tao na nanaising sirain ang dalawang taong nagmamahalan para lang sa sarili kong kasiyahan. Ilang ulit ko ding naisip na hindi ko sila magugustuhan dahil hindi naman sila si Jericko Lalata. Hindi mo sila katulad.. kaya hindi ko magagawang makalimutan na gusto kita kahit alam ko na masasaktan lamang ako sa huli. Sabi ko nga, karapat-dapat na may magmahal sayo. Isa lang ako sa kanila.. pero alam kong darating din ang araw na may mamahalin ka at mamamahalin ka din niya ng higit pa sa pagmamahal na maibibigay mo. Hihintayin ko yung araw na hindi ka na masasaktan at mabibigo muli sa pag-ibig. Magiging sobrang saya ko siguro sa araw na iyon.. at magagawa ko na din makalimot.. pero tandaan mo na, tuwing kailangan mo ng kaibigan o kahit na sabihin ng lahat na masama ka.. o magalit ka man sa sarili mo, lagi lang akong nandito. Ako nga si Tinkerbell. Ilang ulit ko ba dapat ulit-ulitin? Hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan ko ang sarili ko ang sarili ko ng ganito.. pero isa lang ang alam ko, kailangan kita sa mundong ito.









