Mahal kita. Mahal mo ako. Tiwala lang
January 5, 2018 (3:30 am)
Kakauwi lang ni boyfriend. kanina nya pa ko hinatid pero di ko sya pinauwi agad. Nag away kasi kami. Muntik na kaming magbreak.😭 May set kasi sila nung mga hs classmates nya. Ayoko syang payagan kasi ex nya ung isa sa mga ka set nya. pero di naman un pupunta. Ayoko lang talaga magkaharap sila kasi baka marealize nya na mahal nya pa rin ex nya after all these years. Insecure kse ko. Aminado naman ako dun.
Grabe iyak ko kanina mga besh. Hagulgol ako parang batang iniwanan ng mama. Hahaha. Umiiyak ako di dahil gusto nya pumunta sa set. napag isip isip ko din un kse sabi nya naman mahal nya ko. alam nyang may girlfriend sya. na matagal ng ex nya yun. na may boyfriend na yun. na wala namang malisya kse wala naman na talaga. matagal na. Ok na kong pumunta sya. Kaso andaming nangyari.
Ilang beses nyang tinanong kung papayagan ko daw ba sya. Sabi ko hindi. Sobrang galit nya kse ala daw akong tiwala. Tapos ung susi nya kasi kinuha ko para di sya makaalis. Tapos ang galing.. ilang beses syang naglakad pauwi. Sabi nya maglalakad na lang daw sya. Hinabol ko sya. Oo hinabol ko talaga. Mga limang beses siguro. Nung una naglalakad lang sya ng mabilis. Sa tuwing maabutan ko sya hinahawakan ko ung short nya. tas hinihila ko sya pabalik samin. Mga ilang beses na ganun. Hanggang sa ung pang apat na. Tumakbo na sya. Kaya tumakbo na din ako. Grabe. Hiyang hiya ako nun. Para akong kawawa. Ung hahabulin mo ung nanay mo pag aalis sya tapos hindi ka kasama? Ganun ung feeling. Tulog na mga tao nun pero nakakahiya kse baka may nakasilip. baka may makakita sakin tapos machismis ako bukas. Hahaha. Nakakahiya. Tapos iyak na ko ng iyak nun sabi nya parang bata daw ako bat daw di ako marunong umintindi. minsan lang naman daw un.Bat daw ganun ugali ko. ako na daw pinakamahigpit. Tapos iyak pa daw ako ng iyak sa wala naman kakwenta kwentang bagay. Ung huli nyang alis sinakyan ko na motor nya. Sabi ko ihahatid ko na sya tapos ako na lang maglalakad. di namann sya sumakay. Huminto sya tapos bumalik sya samin. Pinatakbo ko palayo ung motor tas binalik ko din. tinignan ko kung umalis na sya tas nung pagbalik ko nakita ko sya sa labas ng gate namin nakaupo. tinanong nya pa kung may gas pa daw ba motor. di ko kako alam. Antaagal ko nakaupo sa motor tapos sya andun lang nakaupo sa may terrace namin. Tinawag ko sya tapos di sya kumibo kaya lumapit na ko.Paulit ulit nya kinukuha ung susi kasi anong oras na daw. Kanina pa daw sya inaantok. Tapos sabi ko uuwi ka ng ganyan itsura mo? Uuwi ka na galit sa akin. Tinanong nya ko kung may tiwala daw ba ko sa kanya sabi ko oo. Meron naman daw pala. dapat daw nung una pa lang sinabi ko na para di na humaba. Tapos umiyak na naman ako.Naaawa kasi ako sa sarili ko. Imagine ung paghabol ko sa kanya. Sabi ko paano pa ung mga susunod naming mga away? hahabulin ko ba ulit sya? tatakbo ba ulit sya? Baka sa susunod mas malala pa dun ang mangyari. Natatakot ako sa mga pwede nya pang gawin sa tuwing mag aaway kami. Baka masanay sya ng ganun. Baka sa tuwing mag aaway kami isipin nyang mag walk out kasi alam nyang hahabulin ko sya. Baka masanay syang idaan sa ganung paraan ung mga galit nya para lang payagan ko sya sa mga gusto nyang gawin. Baka hayaan ko na lang ung sarili ko na magmukhang kawawa kakahabol sa kanya sa tuwing nag aaway kami tapos gusto nya ng umuwi kahit di pa kami nag kaka ayos. Baka dumating ung araw na magmakaawa pa ako sa kanya para lang magkaayos kami. Ayokong mangyari yon. Na makalimutan kong mahalin yung sarili ko at pahalagahan ung sarili ko dahil lang mahal na mahal ko sya.
Pero nagkaayos naman kami. Di naman kasi ako talaga pumayag na umuwi sya ng di ok ang lahat. Inabot ko ung susi nya tas pag abot ko Hinila nya ung kamay ko palapit sa kanya saka nya ko niyakap. Nag iloveyou sya ng paulit ulit saka nag goodnight. Kiss tapos umalis na. Ok na kami. Sana di na maulit. Mas light na ayaw na lang sana. Masakit sa mata e. Hahaha. Mahal na mahal ko sya. Hanggang kaya. Gagawin ko lahat wag lang to mawala.💓














