Tama na o Kapit pa?
Kung nagmamahal ka pero patuloy kang nasasaktan, sapat na bang rason yun para sumuko na? Kung pagsuko nalang ang nakikitang paraan para mapalaya ang isa't isa, pipilitin ba kahit hindi alam kung paano maguumpisa? Kung sinasabi ng isip mo na tama na pero ang puso mo'y patuloy na umaasa san ka pupunta? Sapat na ba ang pagmamahal na meron ka para magpakatanga sa taong parang wala ka ng halaga? Sapat na ba ang kasal para kumapit ka sa kakapiranggot na papel na hindi manlang kinokonsidera?
















