Evans And Other Drugs
Presenting, my medicines!
Clarithromycin
Ambroxol
Prednizone
Maxivent
Zykast
Sodium Chloride
'Yung huli nastress ako. Nasal Spray kasi 'yan, e kahit anong pindot ko walang lumalabas. Binutas ko na 'yung tip wala pa rin. Kingina. Papano gamitin 'tong Nasal Spray na 'to? Hindi ko alam kung tatanggalin ba 'yung white covering ng tip nu'ng bottle o ano. Kinagat ko na at inikot 'yung white covering na 'yun, wala naman, ayaw. Tumawag ako du'n sa clinic, hindi rin alam nu'ng nakasagot kung papano gamitin. Anak ng tipaklong. Pwede bang pinapahid na lang o sinusundot sa ilong? Bakit kelangang iniispray pa?! Wala namang lumalabas e. :(
So ang ending, pinabalik ko sa drugstore baka sakali sila ang may magic word para bumukas 'yung lecheng nasal spray na 'yun. For the mean time, umeepekto na 'yung mga gamot. Nararamdaman ko nagpaparty sila sa tiyan ko.
I'm gonna go to bed.
Dear Mom, pakigising na lang ako pag nabuksan na 'yung punietang nasal spray.









