Intitled, "face you fear" =))
Hindi ako madalas sa mall. Ayaw na ayaw ko pupunta dun lalo na kung wala namang importanteng gagawin o bibilhin. Ayoko din ng papasok sa mall tapos pag labas wala man lang ginawa dun or binili. Srsly takot akong pumunta ng mall kahit may kasama pa ko. Basta nag umpisa lang naman to nitong college lang din. Sa dahilan na ayokong may makasalubong na mga bullshit na tao na kakilala ko. If you know what I mean. Umiiwas kasi ko, wala ayoko lang. Siguro kasi madaming tao sa mall at malaki yung chance na makasalubong ka ng kakilala. Sabi ko nga ayos lang naman pumunta ko sa mall pero sandaling sandali lang, or kahit sang mall basta wag pa dasma, pa silang or basta way na papunta dun. Kaya pag may nagyaya sakin mag mall na nasa mood naman ako, bacoor area tayo. Lalo na nung bago bago pa lang, tutotong pa lang ako ng sahig ng mall parang tumatambling na yung puso ko sa kaba, at para bang gusto ko na umuwi. Nung isang beses nag matapang na ko, sabi kasi nung isa kong friend, bakit never daw ako nagyaya gumala sa mall, sinabi ko yung reason sknya. Then she said, "face your fear". That day pumunta kami ng SM Dasma and luckyly, wala namang bullshit na nakasalubong. Pero kahit ganun, natatakot pa din ako pumunta ng mall. Hanggang sa isang beses may nagyaya saking manuod ng sine sa SM Dasma daw manunuod, sumama na ko kasi sayang naman tsaka para mapagbigyan ko na din yung nagyaya at naalala ko nga yang "face your fear" na yan, nasa mall na kami nun, naglalakad papunta sa cinema area, sa hindi ko sobrang inaasahan, nakasalubong ko yung ex ng ex ko. Gaddam!!! HAHAHAHAHAHA. After nun, hindi na ko kinakabahan pumunta ng mall, para bang ayos na sakin kahit sinong makasalubong ko. At ayun, ayun lang. =)))









