Yes. Thank you Lord! :)
seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from Romania

seen from United States
seen from China

seen from Türkiye
seen from Türkiye
seen from Türkiye
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye

seen from Türkiye
seen from Switzerland
Yes. Thank you Lord! :)
Study over work.
Full time student, part time CSR (Local Account)
Mahirap maging estudyante lalo’t irregular ka at maraming major at feeling minor subject na feeling major. Madali lang trabaho ko at masaya, pero toxic kapag queuing, kapag maraming follow-up at sa EDSA at MRT na lagi kong dinadaanan.
Mahirap maging working student. Gusto mo na umuwi dahil toxic ka na sa school pero kailangan mo pa makisabak at makilambingan sa caller dahil kailangan mo kumita ng pera. Kailangan mong magreview dahil 5 units ang ipinaglalaban mong subject para makasurvive sa kolehiyo pero wala kang choice kundi magtrabaho muna.
Wala pa naman akong bagsak sa mga subject. Thank you talaga Lord. Pero kailangan ko na muna igive-up yung trabaho ko dahil sinasabit ko na lang talaga kamay ko sa patalim para lang makapasa. Mahirap, oo. Kailangan magtipid pero kailangan kong magfocus muna sa pag-aaral kundi lalo lang masasayang yung tuition fee ko at lalo lang tatagal.
Ang tagal ko tong pinag-isipan at totoo na - totoong nagresign na ako.
#SurvivingPrelimExam
Mahirap mag-aral habang nag-tatrabaho. Mahirap mag-aral at magtrabaho lalo’t kapag irregular student ka pa. Masaya dahil natututo na ako magmanage ng oras. Namamaximize ko na ang 24 hours. Natututo na akong magmulti-task. Kumain habang nagpaplantsa. Kapag idle at walang tawag, dumadamubs na magreview. Naliligo habang nagbibihis. Ayjoke. Hahaha. Pero hindi na big deal sakin kung may tulog pa ako. Mas okay ng walang tulog kesa maging singko lalo na sa mga major.
Salamat sa Diyos dahil lagi niya akong binibigyan na super mega energy para mag-aral, magtrabaho, maging tao at itype to. Hahaha.
Kaunting-kaunti kembot na lang at makakahawak na ako ng syringe!
50% ng baon mo napupunta sa hand-outs, xerox at pagpaprint ng powerpoint ng prof mo.
Hey daddy.
Isang dramatic na kwento ng mag-ama. Joke.
19 years old na ako at ni sa tanang ng buhay ko ay hindi ko pa nakakasama yung taytay ko ng 24 hours. Noong bata pa ako, mga tatlong oras na pinakamatagal ko siyang nakakasama. Titingnan niya yung notebook namin kung magkapatid tapos sasabihin niya, ‘Mag-aral kayo ng mabuti para matulungan niyo mama niyo.’. O kaya kakain kami ng dala niyang pagkain, kabisado ko na nga yung lagi niyang inuuwi. Noong una, crispy pata, naging relyenong bangus, naging sisig, tas huli naging empenada. Kapag uuwi na siya, gusto niya kami ang magsusuot ng medyas niya sa paa niya tapos aasarin niya kami na isasama niya kami na nagpapaiyak saming magkapatid. Ayaw namin sumama sa kanya. Mas kumportable kami sa nanay namin. Strikto kasi si daddy.
Noong nag-grade 5 ako, isang beses sa isang taon ko na lang siya nakikita. Noong naghighschool ako, naging isang beses kada tatlong taon at hindi tumatagal ng isang oras. Noong nag-college ako, hindi na uli kami nagkita. Kahit hanggang ngayon na 3rd year ako.
I miss you dad. 68 years old ka na pero nagtatrabaho ka pa din. Expired na yung lisensya mo sa pagiging engineer civil at hindi na pwedeng i-renew pero nilabag mo yun para lang mapag-tapos mo kami. Salamat sa tiwala at sa pera na binigay mo sakin para sa puhunan ko sa business na sinukuan ko din. Gusto ko tumawa kasi gusto mo uli ako mag-isip ng pwedeng i-business, gusto mo uli i-try ko. Sa text lang tayo nagkakausap at tuwing may oksayon lang. Sorry, I’m not the best daughter. At sorry kasi napa-english ako dun. Pero daddy, I’m so proud of you kahit hindi kami ang legit family mo, kahit anak lang kami sa labas, still pinanindigan mo pa rin kami sa huli. Hindi tama, oo pero ang mahalaga napanindigan mo kami hanggang ngayon.
Hindi ito para sa tatay ko lang. Para sa’yo to. Gusto ko sa father’s day o kahit mamaya, batiin mo yung tatay mo o tumambling ka sa harap niya para lang ipakita na mahal mo siya. Joke uli. Life is not unfair. Yung iba diyan, wala na ngang tatay. Ako, kami ng kapatid ko - hindi kami lumaki ng may ama na nakikita namin 24/7. Parang nasa abroad yung tatay namin pero yung totoo nasa ibang lugar kaso hindi pwede dahil sa kumplikadong sitwasyon namin. Be proud to be your dad. Treasure every moment na kasama mo siya kasi ang swerte-swerte mo.
When you are bored, write until your hands hurt.
Too much excitement can kill you.
Walang pong gamot sa katangahan. Excited na excited ako pumasok kanina sa OLFU. Nagtataka ako bakit ako lang umaakyat sa AMS 4th floor. Ang awkard lang kasi sabi ni kuya jani at ate guard: 'Ma'am sa June 22 pa po pasok.'
Lesson: Magbukas ng facebook! Be updated!
#BEWARE:NAKAWNASANDALIB
Alam ko, katangahan ito. Alerto ako lagi sa bag ko lalo’t kapag bagpack. Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero nilagay ko siya sa likod. Dahil siguro Linggo at wala namang pasok sa trabaho ang mga tao kaya hindi masikip ang daanan papuntang galleria kapag galing kang MRT Ortigas Stn. Mabagal akong naglalakad kasi hindi pa naman ako late, may one hour pa akong pwedeng magmabagal. Tapos, may lumapit sakin at tinanong ako kung saan ang Starmall. Nagulat ako kasi papuntang Robinsons ang lakad niya at nasa kabilang station pa ang Starmall. So huminto ako tapos ang sabi ko nasa kabilang station pa. Kampante akong tumigil kasi may malaki siyang dala-dala sa balikat niya so hindi mo siya pagkakamalan na magnanakaw. Hindi ko alam na may tao likod ko. Ang masakit na parte, pagdating ko sa Robinsons, bukas na yung bag ko, wala na yung cellphone ko, storedvalue ticket at ang inosenteng suklay. Hindi na ito lumang modus, may magtatanong sayo ng lugar at hindi mo pagkakamalan na magnanakaw siya kasi may dala siyang malaking bagahe sa balikat niya. May kasama siya na hindi mo mamalayan.
Goodbye sa cellphone ko. Warrior phone lang yun. Yung pwede mong itapon at ipangpato pero still, cellphone pa din. Pero kailangan na niya mamaalam ng hindi nagpapaalam. Nabigla at gulantang ang pagkatao ko. Hindi naman ako masyadong naghihinagpis sa cellphone kasi wala naman akong masyadong katext at may listahan ako ng ibang contacts. Mas nag-aalala pa ako sa storedvalue ticket ko kasi nasira budget ko. Woah! At Thank You Lord kasi buti naisipan ko ihiwalay wallet ko.