emergent Mindanao Studies
Maharlika Integral Emergence
Nasa kasagsagan ng pagbabago ang Kinaiyahan Unahon nang makadalaw ako sa kanilang, infoshop sa Buhangin, Davao. Doon ko nakilala sina Lander, Cha, Alter, Mel, Balon at marami pang iba. Mukhang nagpaplano silang umikot sa mga komunidad na nasalanta ng pagmimina. Galing rin ako sa pook kung saan talamak sa pangunguha ng yamang mineral, nagbahagi ako ng kaalaman tungkol sa dokumentasyon at maging ng karanasan ng pagtatayo ng indymedia sa Marinduque. Ang kasundo ko nang punta sa Davao, hindi na nagiisa ang KU, nang tumuloy at umaandar na ang Undangon ang Mina Network, may mga nanatli sa Davao at may nagpatira sa Maynila. Ang Organic Minds ay nasa Buhangin pa rin samantala ang Maharlika Integral Emergence ay nasa Matina. Habang nasa Pasig naman ang Feral Crust. Kinailangan ng MIE na umusbong bilang ebolusyon ng KU, gayundin ang pagakakroon ng OM at FC. Sa opisina, infoshop at personal na space ng MIE ko nadiskubre ang serye ng mga journal ng future studies. Inilabas ito ng Tamkang University kung saan idinaos ang kauna-unahang Deleuze studies conference in Asia sa Taiwan. Mukhang ginagawa nan g KU ang hinaharap ng OM, FC at MIE.
Mindanao studies consortium foundation inc.
Sa paghahanap ko ng Mindanao Studies, hindi lang iisang institusyon ko ito natagpuan kundi mahigit sa sampung iba’t iba pa. Bagamat nasa UP Mindanao ang sentro nito, umiikot ito sa mga NGO at pamantasan. Wala talagang matagal na sentro maliban sa imbentaryo ng mga pag-aaral tungkol sa Mindanao at kumperensya tungkol sa pananaw ng kaunlaran nito. Ang MSCFI ay resulta ng pagtatangka na makalap ang impormasyon ano maaaring magawa at ano nga ba ang nagawa na sa Araling Mindanano. Buhat dito, nagkaroon ng pagsasara iba’t ibang sektor na may kanya-kanyang interes ngunit dahil lampas kalahati ang mga akademikong institusyon at nagpapalitplat ng mga taong dumadalo at nakikilahok sa mga pulong ng MSCFI, hindi pa nasusundan ang nasimulan ng MSCFI. Bagamat marami namang indibidwal na insiyatiba ng mga miyembro ng consortium, walang maituturing ng kolektibong gawain. Mukhang bulkang kahit kailan ay maaaring pumutok at mapakalat ng bato at usok, nanatiling himbing ang MSCFI hanggang dumating ang pagkakataon.









