Tama ang desisyon nilang hindi ako piliin. Kasi kung nagkataon, baka hindi nila magamit ang mga pakpak nila para puntahan ang dapat nilang patunguhan. Baka maitali lang sila sa akin. Tama lang na hindi ngayon kasi baka mauwi rin sa wala ang lahat. Tama lang na hindi ako. Nasa hustong edad na ako pero isip bata pa rin ako. At ramdam kong hindi para sa akin ang lifetime na ito. Hindi ito ang panahon ko. Umiikot ang oras ko sa mga pabigat sa paa ko na nagsasabing hindi option ang pagtakas. Wala akong oras para sa iba. Pero nalulungkot ako, medyo tanggap ko naman.












