Senti and Thankful Thursday
I'm always the sender and the giver of good news (to my writers and readers), of smiles (to the kids I love), of love (to my loved ones), of care (to my friends). Hindi ko ito itinuturing na obligasyon o responsibilidad. Ginagawa ko ang ilan dahil iyon ang gusto ko. Minsan, nagagawa ko na lang nang hindi ko namamalayang may napakalaking epekto pala sa iba.
Know what? Hindi ko hinihiling na sana bumalik sa akin lahat ng mga nagawa ko ( and I know I am not doing anything bad towards other people). Instead, I am praying and giving thanks to Him dahil may lakas at kakayahan akong magbigay ng kasiyahan sa iba sa simpleng nagagawa ko (kahit hindi ako clown).
At sa tuwing may darating na napaka-bonggang blessing sa akin, (everyday is a blessing!) hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Kasi iba sa pakiramdam na ikaw naman ang mabigyan at mapagbigyan.
I received a good news a while ago and only two persons knew about it. The boyfriend, the friend and me. And up until now, while typing this, naluluha ako. I am so happy!
Sabi ko nga kay Kevz, NV "nabawi nito ang lahat ng iniyak ko no'ng nakaraang gabi" "may kinapuntahan ang pagre-resign ko". Tapos naisip ko rin, "may silbi na ulit ako sa ******* ko" "di na sila masyadong disappointed sa 'kin" "may masasabi na ulit silang ka-proud proud sa 'kin".
Natatawa rin ako. I am never confident enough. Kahit noon pa. Kahit marami na akong nagawa at na-achieve lalung-lalo na sa pag-aaral. Kahit sinasabi ko at ina-advice ko sa iba na maging proud sa sarili, na magtiwala sa sarili, kahit minsan nasasabi ko rin iyon, pakiramdam ko, hindi ko nagagawa. Cause I do not believe myself that much. Cause I was never good enough.
Marami akong plano sa buhay ko, marami akong gustong gawin para sa pamilya ko. Na pwedeng-pwede kong gawin na para sa sarili ko lang (nagkaroon ng pagkakataon!) pero hindi ko ginawa kasi sabi ko, saka na ulit ako. Kahit na sabi ko noong college, "sige, ngayon sila pero 'pag graduate ko, ako naman.Desisyon ko naman." HIndi nangyari. Hindi mangyayari. Hindi pa pwedeng mangyaring ako muna, sarili ko muna. Kasi breadwinner na ako. Pero lagi ko silang nadi-disappoint. Hindi man nila iparamdam sa ‘kin, nararamdaman ko. Iiyak na lang ako minsan bago matulog kahit na masaya naman ako buong araw dahil bigla na lang bubuhos ang lahat ng feels ko sa mga pinagdaanan ko.
Parang kahit ano’ng gawin, pakiramdam ko pa rin, wala akong nagagawang maganda. Unless mag-boom! Unless maging kapansin-pansin. Unless makapag-benefit sila.
Iyon ngang balitang natanggap ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila. Baka pero sa susunod pa siguro. Hindi pa ngayon. Hindi pa naman kasi napu-fulfill. Hanggang walang actual, hindi dapat pagtuunan ng pansin.
Pakiramdam ko ay sinayang ko ang college dahil wala naman akong ginagawa sa ngayon na may kinalaman sa course. 4 months akong nagtrabaho pero nag-resign din ako dahil sa maraming dahilan. Ngayon, nagnenegosyo ako at pinipilit ang sariling mag-review para naman matuwa sila sa akin pero hindi ko magawa. Hanggang ngayon, nasasabi ko pa rin itong gasgas na gasgas nang linya dahil ilang beses ko nang nasabi no’ng college: “Ang hirap gawin nang hindi mo naman gusto. Ang hirap matapos kapag napipilitan ka lang.” Napapahiya pa sila kapag may nagtatanong sa kanila na saan ako nagtatrabaho pero hindi sila makasagot. Iniisip kung maganda bang sabihing nag-resign ako at may business.
And now, I am pursuing a different field. Hindi ito forever. I am planning to work and I am looking for one. Hindi pa lang ngayon. Of course, related sa course ang trabaho. Of course, gusto ko ring maging CPA (para sa kanila).
Pero hanggang hindi ko pa nagagawa, dito muna ako. Dito muna ako sa kung saan maraming nakaka-appreciate sa akin, maraming nagsasabing may nagawa akong maganda, na na-inspire ko sila. Dito kung saan ang tingin nila sa akin ay hindi disappointment kundi inspirasyon. Dito kung saan ang dahilan nang pagluha ko ay kasiyahan dahil sa mga nababasang mensahe ng pasasalamat at pagmamahal. Dito. Ibang-iba roon. Dito muna. Magpapalakas muna ulit ako bago bumalik doon.
And yes, the good news is this... I will be having my third published book this year. I am feeling blessed.