I am crying right now.
Nakakamiss din palang umiyak minsan. Yung Betty na iyakin sa harap ng Lord. Wala lang. Ganito pala talaga buhay ng working. Daming demand ng mundo.. demand ni ganito, demand ni ganyan..at ang struggle ay hwag kang magpapadala doon. Hindi naman isyu talaga sakin ang pera dati kasi yun nga hindi ko naman naranasan sa Nanay na ipinaramdam niya saking gipit kami.. ngayon na nga lang talaga.
Lord, sorry. Sorry na hindi ako good steward ng blessing na natatanggap ko galing sa'yo. Lord, sorry na sa bawat sweldo ko laging kakulangan yung nakikita ko imbis na maging thankful ako sa lahat ng bagay na meron ako ngayon. Lord, help me to not be selfish but to be slefless and to be a cheerful giver.













