Anong kwento ng board exam mo?
Malapit na daw board exam, kailangan na mag-aral ng mabuti.
May isa akong kaklase na nagtanong sa isang C.I. kung kailan daw ba dapat magstart mag-aral para sa board exam. Sagot ng C.I "Dapat 1st year pa lang nag-aaral ka na" Omygad huling huli na ko. Anong petsa na pucha 4th year na ko. Buti na lang may tinatawag silang ECA session. Yung Enhanced Competency Appraisal, parang in-house review namin every saturday. Dalawang sem nangyare yun. Okay naman mga lecturers, may nakakatuwa, may nakakaantok, may magaling talaga, meron namang mga tamad paupo-upo lang. Yung iba pakanta-kanta lang. Sakto lang, naalala ko naman yung mga na-discuss kahit pano.
Ayan na tapos na klase! Nung 2 weeks na walang pasok nagbalak akong mag-aral, pero hanggang balak na lang yun. Palagi kong sinasabi "bukas mag-aaral ako" Pero anyare sa bukas, naging "Sa review center na lang ako mag-aaral" LOL
Magstart na review ko sa inenrollan kong review center sa manila. (Di ko na lang papangalanan, pero alam kong alam niyo na lol)
Sa pagkakatanda ko, March 24 ata nagstart yung review namin. Ayan syempre excited ako. 8am yung start pero 7am pa lang nasa review center na ko. Pucha tagal no 1 hour ang hintayan hahaha. Iniisip din kasi namin na dapat nasa harap kami makaupo para makinig kaming mabuti. Thank God nasa 3rd row naman kami nakapwesto. Nasa pinakagilid ako, as in sa tabi mismo ng pader. Katabi ko yung pinakamatalino kong kakilala haha. 1st day orientation, pre-test, pero half day lang kami ng mga kasama ko sa MTC dahil may something sa school. 2nd day ayan na, 1st lecture namin. PSYCH. Ang galing ng lecturer! Nakakatawa tas buhay na buhay talaga kaming lahat. Akala ko ganun na ko hanggang sa matapos yung review ko sa review center na yun, pero yun na pala yung 1st and last ko na ganun ako.
Yung mga sumunod na araw ko sa review, ayan na, jusko, ayan na siya.. Tinakpan ko na yung mukha ko, nagsuot na ko ng salamin, sumandal sa pader, hala sige tulog na! :)) Sa araw araw na review ko, walang araw na di ako nakakatulog. Di naman sa boring yung subject o yung prof, pero madalas nga ganun, pero kasi talagang masarap lang matulog. Kahit na gusto ko yung subject, basta napapapikit na ko matutulog na talaga ako hahaha putek nakakasira kaya ng pagtulog ang pag-aaral. Btw sa Espanya din pala yung review center ko. Ang layo. Taguig kaya ako. Pag umaga yung biyahe ko 1 hr lang pero pag sinuwerte pa 1 hr 30 mins na. Pag uwian naman, maaga na yung 1 hr 30 mins na biyahe ko kasi madalas umaabot ng 2 hrs or 2 1/2 hrs. Kapagod diba? Samantalang yung iba mga naka-dorm, nakapagbasa na sila ng 2 hrs, ako kakauwi ko pa lang nun.
7 kaming mga taga-MTC dun, 5 na babae, 2 na lalake, ayun kaming mga babae yung magkakatabi, tas yung dalawang lalake humiwalay ng pwesto. Dun sila sa likod. Kami ng mga kasama kong babae, tahimik lang sa tabi, walang kinakausap, yung tipong magkakaibigan na yung mga taga ibang scool tas kami, kami kami pa rin magkakasama. Hahahaha! Sabi nga namin mga "Loner" kami eh. :)) Yung nakakausap lang namin yung RA namin.
Tas dun sa review center na yun may pauso silang "password" na yan. Yung tipong pagpasok mo dapat magrerecite ka depende sa topic na binigay. Siguro mga dalawang beses lang ako nagpassword na yan. Kasi simula nung nauso yun di na ko pumapasok ng maaga :)) Dati before 8 nandun na ko. Ngayon mga 8:15 na ko nakakarating. Nagpapatext pa ko sa friend ko kung tapos na ba yung password or kung andun na ba yung prof. Haha! Medyo busy busihan din kami nun kasi Apr 1 grad namin. Di tuloy kami nakapunta sa 1st gathering ng review center. Tas paabsent absent din kami dahil pasahan na din ng mga requirements sa PRC.
Dumaan pa yung mga araw, palagi pa rin akong nakakatulog. Madalas nga pag gising ko sasabihan ako ng mga kasama ko "buti ka pa KC kaya mong makatulog ng di nahuhuli" tas maya maya may pic na kong tulog. Mga ulul hahaha.
Syempre tipikal na estudyante magkakagusto din sa mga prof/lecturers. Eh ayun nakakakita ako ng mga cute na prof at umariba na naman ako. Syempre hanggang tingin lang naman. Aral daw muna bago landi. Chos. Hahahaha. May lecturer kaming tinuruan kami ng Test-taking strategies. Ayun dun na lang ako humugot ng kaalaman hahahaha!! Nakakatuwa kaya.
Naalala ko lang nag-aattendance din kami nun, tuwing umaga, uwian.. Tas one time nag-attendance ako, nandun kami sa ibang room nun, tas biglang may nagsabi sa likod ko "Ate peram ballpen" eh madamot ako kaya di ko pinahiram, minura ko pa. Hahaha joke. Syempre pinahiram ko. Tas sabi nung mga kasama niya "Ate wag mo po pahiramin yan" Tas tumawa lang ako. Pero sa loob loob ko pucha walang ballpen ano ba yan! hahaha syempre joke ulit para di boring. Haha. Kaya ayon tuwing mag aattendance ako, dapat mag-isa lang ako para wala ng humiram :))
And then ayun meron pa pala kaming gathering sa amoranto, yung summer attire chuchu daw, masaya pala pag ganun, yung kasama namin yung ibang branch. Ang dami dami namin.
Ay teka naalala ko pa pala, yung lecturer namin nung 2nd day sinabihan kami na uminom daw kami ng B-complex at calcium para sa utak. Syempre pinatos ko yun. Pag-uwi ko ng bahay pinabili ko na nanay ko nun. Tas sinasabayan ko pa ng memoplus. Lahat na ininom ko para lang gumana utak ko. Haha.
Maisingit ko lang, meron akong ka-review na babae na nasa harap ng upuan ng katabi ko. Ang haba ng buhok niya hanggang pwet pa ata yun tas straight na straight. Oo sige maganda buhok niya pero kung makahawi ng buhok nakakain ko na. Sige teh minsan instant blush on yung buhok niya sa mukha ko at sa mukha ng classmate ko. Eh pag ganun nababadtrip talaga kami kasi minsan nananahimik ka lang tas maya maya may buhok n dyan parang spaghetti lang nakakaasar. Ayun pinapaa ko hahahahahaha. Makaganti lang eh.
Meron kaming tinatawag na Formative Exam, every week yun, tas after exam mag ggroup discussion kami, yung parang magrarationalize kami nung mga sagot namin tas ipaglalaban mo yung sagot mo kung bat mo sinagot yun. Big word, ipaglalaban. Hahahahah. Sa 8 na formative namin, 6 lng ata naexam ko. At sa lahat ng group discussion, dalawa lang anaattendan ko. Parang ewan naman kasi mga kagrupo ko, kung ano yung majority ng sagot, edi yun na daw sagot namin hahah sige push lang para makapag lunch na agad. Meron pa every after formative may top 10 pa, di ba nakakapressure. Pero sa una lang ung pressure, yung mga sumunod wala na ko pake haha minsan nasa top 10 ako minsan wala pero ok lang wala naman yun dun. Siguro mga 3 o 4 times lang ako nakasama haha.
Summer kaya sobrang inet tas ang haba din ng buhok ko hanggang elbow huhu. I decided to take my hair off LOL wig lang pala buhok ko hahaha de nagpagupit ako hanggang shoulders. Tas pumasok ako na-late pa nga ako nun kaya dun ako sa likod pumwesto. Sa pagkakaalala ko, CHN ang topic nun. 1st time ko ata umupo sa likod nun. Dun ko nakita yung mga ugali nung karamihan ng nasa likod. Nako jusko may nakatabi akong lalake sa isle kasi yun tas naglalaro lang siya ng 2048 hahahaha. Minsan pokemon. Tasy ung iba nagbabatuhan ng papel, yung iba tulog, nakapaikot, parang walang lecturer sa harap, tas daldalan, pa-text text lang. Hahahahaha. Tas tae after a few days, may lecturer kaming nagsabi na may kasabihan daw na "Wag magpapagupit before board exam" kasi daw mawawala yung pinag-aralan ganun ganun putek oo alam ko konektado yung buhok ko sa ulo ko pero di naman dun pumupunta yung mga napag aralan ko huhu. Hahahahahaha tsaka wala na nagpagupit na ko eh care ba nila ang inet kaya haha.
Tapos ayun, typical day, lectures and lectures.. Dami daming mga kwento ng mga lecturers at topnotchers. Dami naming natutunan. Nakaka-inspire. Pero syempre parang gahol na gahol na kami sa oras. May 25-26 na ang board exam. Dati kasi either June or July ang exam. Eh pauso sila pinaaga bigla.
Eto na, pre-board na. Di naman ako nag-aral before nun kasi inisip ko board exam nun. Kung ano na lang alam ko. Kasi baka ma-stress lang ako. Dapat chill lang. Karamihan dun naka-uniform talaga ng pang duty. Eh kami, ayaw namin pahirapan sarili namin kaya nakapang CHN kami. Ang init kaya nakastockings ang kati kaya haha. Ayun nahirapan ako sa pre-board a, ok lang naman pre-board b.
At eto ang pinakaaabangan ko! FINAL COACHING. Ang dami dami dami namin sobra. Umabot ata kami 800+ iba ibang branch. Ang saya lang ng FC kasi dun lang ako nagkaroon ng mas maraming friends. Parang dun lang ako nakapag mingle talaga. May mga naging kaibigan ako na hindi ko alam na kaklase ko pala sila. Yung parang 1st time ko lang talaga makita. Hahahaha napaghahalataan lang na wala talagang pinapansin sa room.
Tas may naging friend ako na dun ko lang nalaman na yung nanghiram sakin ng ballpen at yung naglalaro ng 2048 ay iisa lang. Hahahaha what. :)) Natawa lang ako.
10 days FC din yun and may mga naka-close din akong mga lecturer at staffs. Atleast before matapos yung review ko, may mga nakilala din ako. Nag bisita Iglesia din kami ng mga friends ko. Sa St. Jude, St. Clare, Quiapo Church, St. Therese.. Nung Holy week pumunta din ko Pink sisters at Little souls tas sa Our Lady of Assuncion Parish. Puro petition. Anak ako ng Diyos eh. Kailangan ng gabay. Ayun.. May 23 yung last day ng Fc so picture picture din. Ang supportive nga ng dean namin kasi kami lang ata yung review center na pinuntahan niya. Wala lang share lang.
So yun ininstruct kami na WAG DAW KAMI MAG-AARAL THE DAY BEFORE BOARD syempre capslock para intense italic para maarte. Hahahaha. Sinunod ko naman. Wala talaga akong inaral. Nag-inarte lang ako nung buong May 24. Nagpapedicure ako tas color red na nail polish para swerte daw haha. Yung mga typical na sinasabi ng mga nagboboard exam nagsusuot daw sila ng mga red things katuld ng undies na red ganyan, panyo, ipit, etc. Eh wala kong mga ganun ganun kaya nail polish na lang haha. Natulog ako mga 10 na. Oo late na yun. kasi mga 4 am ako gigising. Todo dasal ako nung gabing yun. Eh hindi naman kasi ako talaga palasimba, pero nagdadasal ako everyday, so sinabi ko "Lord ipasa mo ko, tulungan mo ko, let this be my 1st and last board exam and I promise to go to church every week" Yes sinabi ko yan.
Ayan na, this is the day May 25 2014, 1st day ng board exam. Sa Holy Spirit ako naka-assign, sa ay mendiola. Sabi dapat 6:30 ata andun na. Umalis ako ng 5 am nakarating ako 5:15 hahahahhaha! Excited diba? Tambay sa mendiola haha. Nakita ko rin yung mga classmates ko na nagstart sa letter Csyempre kwentuhan muna. Tas nagtetext pa tong panget kong pinsan ng goodluck pinaghahanda ka namin dito. Nakakastress ah hahaha!
Ayan na NP 1. Okay bago ko binuklat yung booklet kinausap ko pa ng pabulong yung booklet ko sabi ko Siguraduhin mo lang na mahihirapan ako sayo. Papel ka lang RN ako pucha ang yabang ko pa niyan. Tas 1 to 20 hala sige ok lang, pangiti ngiti pa ko, pero after nung di na ko makangiti. Seryoso lang ang hirap hahahaha di ako binigo ni booklet, pinahirapan nga ako. Mangiyak-ngiyak na ko sa hirap huhu. Tas inuupdate ko pa review center ko nung mga lumabas sa board. Tinawagan pa ko ni, itago na lang natin siya sa pangalang "The Ultimate" huehuehue. Ayun kinamusta ako. Tas NP 2 na huhu alam ko CHN yun binasa ko pa nga buong white book kaso bat nahirapan pa rin ako feeling ko ang bobobells ko talaga. Kasabay ko mag lunch mga classmate ko sa MTC. Ayun ayaw na lang namin pag-usapan mga lumabas. Yung iba nadalian, eh bat ako nahirapan? :/ Tas ayun NP 3 lalong mahirap. Wala na ko masabi sa araw na yun kundi Mahirap.
Pagkatapos ng 1st day ng board, kasabay ko yung classmate ko umuwi. Bumuhos pa yung malakas na ulan! Wala pang payong tong si classmate. Eh sa sobrang laki ng payong ko ako lang ang kasya tas nakishare pa siya. Wooo kung minamalas malas nga naman pati yung panahon di nakisama. Nakisama nga pero sa feelings ko pa sumabay huhu :)) Nagpatila muna kami ng ulan ni classmate. Pagkatawid namin sa CEU mendiola, parang kilala ko to ah.. Uy! Nakita ko si ka-review. Si ballpen/2048. Hahahaha! Pagkakataon nga naman. Papunta daw siya sa St. Jude. Magdadasal hahahaha sige lang ako pauwi na eh. Di ko maintindihan yung nararamdaman ko nung time na yun. Nung malapit na ko sa village namin nakaramdam ako ng gutom kaya nagtuhog tuhog muna ako. Ano ba talaga tong nararamdaman ko? Gutom lang ba talaga? Huhu. Tas nakita ko pa yung kumpare ni daddy sabi sakin o kamusta board exam? Sabi ko Mahirap po. Ayun sabay takbo hahaha joke di ako tumakbo nakakapagod kaya. Lakad lakad lang medyo slow motion parang pang music video. Pagdating ko ng bahay di nila ako makausap. Daddy ko kinamusta ako tas ako tulala diretso sa kwarto. Dumating yung pinsan ko at yung mommy ko galing Sto. Nino nagdasal para sakin tas kinamusta ako, eh tulala pa rin ako. Grabe nangulit pa lalo si mommy tas sabi ko "Wala, bagsak na ko" sabi nia "bakit?!" Sabi ko mahirap sobra huhu sabay iyak with matching walling pa. Naloka talaga ako sa board exam na yan. Lahat ng inipon kong self confidence, pag-aaral parang wala na lahat. Parang yung feeling na Back to zero ka. Nag face book na lang ako. Pampatanggal ng stress. Tas nagkwentuhan na lang kami ng pinsan ko sabi ko wala na nga akong nakitang gwapo dun sa holy spirit ang hirap pa ng exam tas nabasa pa stockings ko huhu sayang pedicure. Grabe iba talaga yung feeling. Sabi ng mga lecturer namin mafifeel mo daw sa sarili mo kung papasa ka o hindi. Pero ano yung na-feel ko? Bagsak. Nagtext ako dun sa friend ko na katabi ko sa review, at nagsend siya ng words of wisdom. Yung pinapalakas niya yung loob ko. Medyo naging ok naman ako nung gabing yun, nag attempt ako mag-aral ulit pero sabi ko wag na kaya ko to. Si ballpen/2048 sabi ko makikisimba ako sa kanya bukas sa St Jude para naman may divine intervention.
2nd day ng board exam, May 26, 2014, sinama ko pinsan ko. Support naman siya sakin. Pumunta muna kami St. Jude, luhod luhod, dasal dasal. Dami namin nun. Lahat kami humihiling na sana pumasa kami. Tas pumunta na ko room. Nakaupo lang, naghihintay ng oras. Yung nasa harap ko, ka-surname ko din, kinausap ako. Ang daldal hahaha! Sabi niya sakin nastress daw siya sakin kasi ang bilis bilis ko daw magsagot. Kasi its either ako yung pangalawa o yung pangatlong natatapos sa room. Pero nacheck ko naman na lahat ng sagot ko nun ng 3x eh. Di ko alam kung mabilis ba talaga ako o mabagal lang sila. Ayan, NP 4 na. Syempre ano pa ba ng sasabihin ko, edi mahirap. Pero sa wakas, yung dala kong calculator ko na tig-50pesos nagamit ko din. Grabe dati ayaw na ayaw ko ng math ayaw ko ng numbers pero nung lumabas yun sa exam putek nagsalita pa ko pabulong na Shet Bonus! Haha eh kasi parang sa lahat lahat yun na yung pinakasure kong sagot. Sabi ko nga sana puro computations na lang binigay. Tas dumating NP 5 parang yun na yung pinaka okay na exam sa lahat ng NP. Ano yun pampalubag loob? Hahahahaha. Half day lang kami nun tas ayun pumunta na kami ni classmate sa St. Jude. Si ballpen/2048 di nagtetext nakalmutan na ata ako. So ayun nagdasal na lang kami ni classmate. Tas after namin magsindi ng kandila, ayun nakita ko na si ballpen/2048 hahahaha. At umalis na rin si classmate. Naghintay pa kami ng kasama tas pumunta kami ng SM manila. Kami kaming mga ka-review ko sa review center. Bonding daw. Haha. Mga 6 pumunta na ko moa para kitain na yung pinsan ko. Mas okay naman na tong araw na to kesa kahapon. Siguro mga 8 na kami nakauwi.
Pagtapos ng board exam, here comes the long agony. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang naghihintay ng result. Eto pang si "The Ultimate" ang hilig sa riddles. Araw araw nagstatus siya tas lahat ng naghihintay ng result halos mag palpitate + hyperventilate na sa sobrang kaba.
Yung pinsan ko magtetake din ng board exam. Pharmacy naman siya. June 22, 23. So syempre ako din sobrang cheer sa kanya. Nagcocount down pa ko sa knya everyday para mastress siya. Hahaha!!! Sorry na love you hahahaha
Nung June 26 nagtext si pinsan mga 10pm, "Pasado ako" ay pucha lumabas na result nila!? Grabe di ko maintindihan na naman yung feeling ko. Masaya ako para sa kanya sobra. As in proud na proud ako na nakapasa siya. Eh ako, naghihintay pa rin ng result. Sobrang mas masakit sa feeling ngayon kasi kasabay ko yung pinsan ko mag board exam, tas siya pasado. Iba talaga eh! Kinabukasan, nagkulong ako sa kwarto ko. Di talaga ako lumalabas. Umiiyak lang ako tas nagsasalita mag-isa na "Pano kung di ako makapasa, tas yung pinsan ko nakapasa na, icocompare kami tas magcecelebrate tas di ako sasama tas nakakahiya sa family ko" grabe ang dami dami kong iniisip na What ifs nun. Nagwrewrecking ball lang ako sa kwarto tas nagwawalling huhu. Di ko alam gagawin ko kung malaman kong bagsak ako. Pero andun pa rin yung faith ko kay Lord na baka bigyan niya ako ng chance para pumasa.
4pm tumambay na ko sa harap ng computer. Naghihintay. Nagbabasa ng mga nasa newsfeed. Mga 5:36 pm nag post ako ng "Lumabas na pala!" And that was really intended to be a BIG JOKE. Ang balak ko kasi nun kapag may nagcomment "Hala lumabas na ba yung result?" Then I will reply na "Lumabas na pala si Alex sa bahay ni kuya" that's the joke. Pero that status was for real na pala. After I posted that, "The Ultimate" also posted na "the results are out" Yes. What a coincidence. And ang bagal ng net at di ko mabuksan ang PRC site. Kabadong kabado na ako di ko alam gagawin ko. And then nagtext pinsan ko na "Congrats, nakapasa ka!" AYYYYY grabe!!!!! Napa-Thank you Lord talaga ako ng malakas nun. Naiyak. Tas tuwang tuwa parents ko, lolo ko, lahat ng kamag-anak ko.
Dun ko narealize na di ka dapat sumuko kahit alam mong walang wala na. Di mo alam may balak pa lang maganda sayo si God. Di niya lang pinahalata. Surprise talaga sakin yun and until now, di pa rin ako makapaniwala na yung patulog tulog lang sa review, yung pa-fb fb lang, yung di marunong magmemorize, makakapasa din pala. May mga kaibigan akong hindi pinalad, may mga kakilala akong ineexpect kong pumasa pero hindi pa pala nila time. Di naman kasi sa lahat ng pagkakataon makukuha mo yung gusto mo. Yung akala mong ok na, di pa pala. Ako sa totoo lang di ko alam kung paano ako nakapasa kasi parang di ko siya deserve dahil alam kong may mas magagaling sakin na di pumasa. Pero will ni God yun eh, may plano siya for me, for us. Galing talaga hahaha. Kaya tinutupad ko yung promise ko na every week I go to church and pray. Thank you Lord :)