5 Reasons Kung Bakit Tingin Mo na Mahirap ang College:
1. Nakakarinig ka ng mga kwento-kwento galing sa mga taong nasa college na.
-Madalas eto talaga yung unang rason. Makakarinig ng mga kwento-kwento na kesyo 10 steps higher ang hirap ng subjects kesa sa highschool, kung sino ang unang makilala mo ay bestfriend mo, shubadubiduwap walawalabingbing blah blah.
2. Mahihiwalay ka sa mga ‘frenships’ mo nung highschool.
-Dahil may kanya-kanya kayong pangarap, iba-iba ang mga daang tatahakin niyo, natural na maghihiwalay kayo ng landas na marami ang di nasasanay.
3. Nahihirapan ka sa mga Admission Exams.
-Pag daw mahirap ang exam, ibig sabihin ay pugad ng mga brainy ang school na papasukan mo.
4. Kinakabahan ka sa mga magiging profs mo.
-2 weeks bago mga first day of class ay iniisip mo na kung anong klaseng prof ang makikita mo sa bawat subject.
5. Mawawala na sa bokabularyo mo ang salitang TULOG.
-Depende kung yaka ng utak mo ang tindi ng pressure at patung-patong na gawain.











