Again, the feeling of being ignored.
Okay, sorry for last night, and sorry again this morning. Kung alam mo lang sana kung gaano ko kagustong magstay na lang sa bahay para samahan ka every hour. Pero kailangan ko na talagang umalis kanina, and I told you that I will leave early this morning, so that I can be with you earlier this night. Unfortunately, we just argued the whole afternoon.
Actually, at first, this morning when you texted me, I did not intend to reply. 'Coz I know if I'll reply, lalaki lang, hindi lang tayo magkakaintindihan. Pero hindi kita natiis, at nagexplain ako. There was no closure about our topic, pero alam ko hindi tayo okay that time.
Tinanong kita kanina kung pwede akong pumunta sa'yo, actually hindi ka nagreply. It implies therefore na ayaw mo. Pero eto, at pumunta pa rin ako, kasi nga alam ko ako ang may kasalanan. Nandun ako, nakikita mo ako, nakikita kita, pero nararamdaman ko hindi ka masaya na nandun ako. Kulang na lng sabihin mo umalis na ako.
Our class was dismiss at a very early time. I was very happy that time. Buti na lang nakisama ang pagabsent ng instructor namin. Ang bilis ko pang naglakad pauwi. I texted you kung saan ka, but you're not replying. Yun pala, nasa biyahe ka na pauwi.
I thought you were only joking kanina, but I was wrong. Pagbukas ko ng room, tas wala na gamit mo, kulang na lang magwala ako. At yun, tumulo na naman. Matagal din akong nagtanga. As much as I wanted to talk to you, ayaw mo naman.
Ang sakit lang kasing isipin na ganun na lang. Hindi mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka na. Lalo mo lang pinaramdam na wala akong karapatan. Sabagay, totoo naman, wala akong karapatan. Kailangan ko lang sigurong tanggapin yun na ako lang 'to.
Sasabihin mo siguro, "akala ko ba ikaw ang mali, ikaw pa may ganang magdrama."
Oo. Alam ko. Ako may kasalanan. I admit it naman. And I promised na babawi ako. I meant all what I said. Pero wala e, hindi mo ako binigyan ng chance para bumawi. Hindi ko alam kung ano naman pinairal mo, o sadyang gusto mo talagang gawin sa'kin yun. Alam ko masakit ang loob mo. And I'm really sorry for that.
Ang gusto lang naman sana, nagusap tayo ng maayos. Yung magpapaalam ka din naman ng maayos. Hindi yung basta basta na lng mangiiwan. Alam mo namang mahina ako sa mga ganitong bagay. Parang pilit mo talagang pinparamdam sakin na wala lang ako sa'yo. Pero sabi ko nga, kailangan ko lang sigurong tanggapin ang katotohanan...Masakit, pero kailangan.