seen from United Kingdom
seen from Angola
seen from Netherlands
seen from China

seen from Türkiye
seen from China

seen from Türkiye
seen from Serbia
seen from United States

seen from India
seen from Türkiye
seen from Sweden
seen from Germany

seen from Malaysia
seen from United Arab Emirates

seen from United States
seen from United States
seen from South Korea

seen from Switzerland
seen from China
Binubulong ko pa rin ang pangalan mo sa mga alon, sinasambit ang mga antigong salita sa karagatan na sumasayaw sa agos papunta sa sentro ng mundo.
Pagmamahalan na nabuo mula sa pagitan ng daan-daang kilometrong layo, binibigyang diin ang pag-ibig na kumupas sa paglipas ng panahon.
Kaya sa pag-apaw ng kalungkutan, tayo ay natutong lumangoy–napagtagumpayang umahon mula sa nakalulunod na unos.
Tunay nga na hindi sukatan ang milya at layo upang sa gitna, tayo'y magtagpo.
M | 377
Visual: The Day After Valentine's (2018) dir. Jason Paul Laxamana
“Mirasol ang paborito kong mga bulaklak. Ang kagandahan nito ay kakaiba at tiyak. Ito rin ang unang bulaklak na ini-alay niya sa akin. Oo nga pala, una at huli sapagkat hindi naman ito nasundan na rin.
Nahahawig ito sa kagandahan ng araw na gaya ng sabi niya'y parang kanyang katapatan — simple ngunit sumasapaw; sapat ngunit umaapaw. Maihahatunlad raw sa aking kagandahan kapag tumama ang araw sa dalampasigan, kay inam pagmasdan.
Ngunit nong umalis siya'y unti-unting nabulok ang mga ito, tila ba hudyat na wala sa lahat ng 'yon ay totoo. Kung kay inam pagmasdan ang aking kagandahan, bakit ka lumisan? May iba ka bang nais paglaanan?
Pagpahid sa mga luha, bitbit ko ang alaala ng mga mirasol na iyong pinadala— tunay na kasing ganda ito ng araw ngunit hindi ito gaya ng iyong katapatan bagkus ay gaya ng buhay na sa bawat paglubog, asahan mong may oras ng paglitaw.
Hindi palaging madilim ang buhay. Babangon na ako sa pagka-himlay.” -- Mirasol sa ika-14th ng Pebrero
May mga pagkakataong nagiging mabisang gamot ang oras upang maghilom ang mga sugat.