ALAM MO NA NAMAN?
Lahat naman siguro tayo inis sa pakelamera diba. Nakakainis kasi mga wala namang alam, nangingialam! Etong mga may alam naman, pinapaalam! Tanga ka kung di mo magets. Hays. Wag mo na nga tong basahin isa ka pang epal sa buhay ko eh, hahahaha.
Nakakayamot kasi, nung nakaraan nagpunta kong genevieve (aug26), matagal-tagal na rin. Ang nakakainis lang kasi akala ko mago-good mood ako yun pala hindi rin mas lalong nakakabadtrip. Syempre, pakilamera. Hot seat tayo don oh! Bago pako pumunta sa school... Aug 25, tinanong niya si jordy about sa blocked thingy.
“Parang hindi ko na nakikitang Active si alex sa fb?” “Meron ba syang binlock sa fb?” “Magbigay ka nga ng isang name na naka-blocked”
Basta yan nalang yung natandaan ko... Tapos nagulat ako, like puta? Alam mo na agad? Joke. Sabagay gusto ko ngang malaman niyo and pagusapan niyo. Alam ko naman na mangyayari to and Its not bad to share, pero sana naman MAG-ADVICE ka nalang no? Hindi yung tanong ka pa ng tanong. Ano nabo-bother ka? Kasi baka pati ikaw i-block? Oo, malapit na! HAHAHA! Ang tanda tanda mo na eh, nakikisali ka pa sa gulo.
Anyway, hindi naman to gulo or what (dipende nalang kung gusto niyo), gusto ko lang i-clear lahat. Gusto ko na ng maayos na buhay, kaya nga kayo binlock eh. Tapos pagpunta ko na naman sa ng Genevieve, ayon na naman tanong at balita kahit wala na kong pake don syempre napipilitan nalang akong sumagot. Nakakasawa na kasi and wala namang kwenta yung issue na yon. Bat pa pag uusapan? Ayoko na kayo makita sa feed ko, im not bitter duh? May dapat ba? Pero bat ayaw niyo kong patahimikin? bwisit. Gusto ko na ng mapayapang buhay, yung walang iniisip malapit na midterm namin oh mag-aaral nako. Hindi naman sa forever na ayoko kayong makita pero TIME WILL HEAL daw sabi ni bff oh, edi hayaan nalang natin magkaayos lahat. Magiging okay din yan.
Nagsorry na ko sainyo, nagmessage nga rin kayo pabalik diba. I dont care kung di nyo tinanggap or labag sa kalooban niyo. Odi okay na SANA pero may nanggulo ulit. So hindi ko na problema yon, yung commander niyo na may problema don ha. Kaya ko kayo binlock kasi nga kung may problema yung isa I’m sure problema na ng lahat yon kasi nagkakaisa kayo diba. Sorry kung damay kayong lahat pero dapat isa lang, pero diba “friends”. May pili lang akong hindi naka-block eh, sila yung taong alam kong hindi gago, check niyo nalang din katamad na kaya.
Ang akin lang naman, okay lang magshare pero sabihin nyo sakanya na magdahan-dahan sa pagsasalita. TANDAAN NIYA HINDI NYA PA NARIRINIG ANG SIDE KO. Kaya wala siyang karapatan na sabihan ako. Kaya nya kong husgahan base sa mga kwento niyo. Ganon naman kasi ang storya, side ko, side nyo at ang totoo.
Malaki na ko, alam ko ginagawa ko.
Epalngtaon.


















